Congrats muli lodi Bagotilyo sa iyong book! Nice to meet you in person mga sir na idol sa pagsusulat. #bagotilyo #manilainternationalbookfair #mibf2019 (at Manila International Book Fair) https://www.instagram.com/p/B2bhwdMFdkm/?igshid=13mxbtcb1jkl9

seen from Denmark

seen from United States
seen from Singapore
seen from Russia
seen from China
seen from China
seen from United States
seen from Indonesia
seen from Malaysia
seen from China

seen from United States
seen from Russia

seen from United Kingdom

seen from Malaysia

seen from Malaysia

seen from Malaysia

seen from Malaysia

seen from United States

seen from Malaysia
seen from China
Congrats muli lodi Bagotilyo sa iyong book! Nice to meet you in person mga sir na idol sa pagsusulat. #bagotilyo #manilainternationalbookfair #mibf2019 (at Manila International Book Fair) https://www.instagram.com/p/B2bhwdMFdkm/?igshid=13mxbtcb1jkl9
MIBF 😁 . . . . . . . . . . . #bagotilyo (at Manila International Book Fair) https://www.instagram.com/p/B2YOMdvFfOG/?igshid=1so7kis5kwaxh
Pagsalubong sa Mayo Uno.
Dahil ang huling ng araw ng Abril ay masasabing perfect time para mag-tropa bonding, kami ng aking tropa ay nagkayayaan na magkaroon ng Kampay Appointment kagabi, ayus din na mapuyat dahil wala nama'ng pasok kinabukasan dahil nga Mayo Uno o araw ng manggagawa. Kami'y nagkatuwaan, asaran, tawanan at kantahan kagabi tulad ng aming nakasanayan.
~ Pero ng kami'y maguwian sa di ko inaasahang pagkakataon biglang pumasok sa aking isipan ang Project Burger ni Mang Bagotilyo at iba pang blogger na kung saan namigay sila nung December 2011 ng burger at juice sa mga estranghero sa Quezon City Memorial Circle. At dahil napahanga ako sa ginawa nila, sinabi ko sa tropa na gawin din namin yun. Pero hesitant sila dahil nga naman halos lahat sa tropa ay working student wala daw oras at extra budget. Pero iba kagabi, minsan paguwi ko kasi galing ng aming Kampay Appointment nadaanan ko sa 15th Avenue Murphy Cubao Q.C. ang mga homeless na mag-anak -- may nanay, tatay, mga anak at iba pang kasama na natutulog sa daan. At nung una ko silang makita nasabi ko na sa sarili ko na para sa kanila ang Project Burger. Pero natagalan din ng muli ko silang makita, kaya naman ng makita ko silang muli kagabi agad kong tinext ang mga kasama ko sa Kampay na si Parekoy Dick at Mam Noeims. Walang pinipiling oras ang pagbibigay ngiti sa kapawa. Mga pasado alas dose na yun ng hatinggabi na kami'y magpaalam sa isa't isa at laking gulat nila marahil ng sila'y bigla kong tinext para magpasama sa Project Burger. Nung una akala ni Parekoy eh manlilibre lang ako sa kanila ng burger, pero siguro nabigla sya na isinasakatuparan na namin ang proposal ko sa tropa na Project Burger. Habang niluluto ang burger eh nagkwentuhan at kulitan din kami ni Mam Noeims at dun pa lang napangiti na namin ang crew ng Burger Haus sa Murphy (timing Labor day napangiti namin sya). Ganun din ang kasabay namin na customer. Proud na proud ako sa pageendorso ng Project Burger idea mula kay Mang Moises gayundin ang Project Smile ng IMS. At ng maluto na lahat ng aming inorder agad na kaming nagtungo sa lugar kung saan natutulog ang mga homeless na maganak sa kanto ng Main Ave. at 15th Avenue ng Murphy. Mabilis lang ang pangyayari pagkaabot namin sa kanila simpleng ngiti lang ang kanilang itinugon na ginantihan din namin ng ngiti.
~ Akala ko doon na nagtatapos ang puno ng ngiti'ng pagsalubong namin sa Mayo Uno pero may sumunod pa. Sa pagbyahe ko pauwi naabutan ako ng trapiko dulot ng Alay Lakad ng mga deboto ng Antipolo sa taunang "LakbaySimba sa Antipolo" na ginaganap tuwing Mayo. Imbes na mabwisit dahil nga na-trapik mas pinili 'kong ngumiti at mapabilib sa mga debotong matiyagang naglalakad mula marahil sa Pasig at iba pang lugar sa lungsod patungo sa simbahan ng Antipolo. May mag-anak kasama ang kanilang mga maliliit na anak. May mga lolo at lola. May mga magtrotropang kabataan at marami pa'ng uri ng tao ang aking nakita. Habang sila'y nag-aalay lakad ay mayroong nagrorosaryo. Di ko alam ang dahilan ng karamihan sa pagsasakaripsyong ginagawa nila maaring mayroon silang hiling marahil, o ito'y tradisyong kanilang sinusunod o sila ay namamanata. Pero iisa lang ang nasisiguro ko nakakabilib ang kanilang pagsasakripsyo dahil bukod sa anumang dahilan meron sila nasisiguro ko na may ngiti pa din silang maibabahagi di lamang dahil ang kasama nila ay sa paglalakad ay ang kanilang mahal sa buhay o di kaya'y kaibigan pero dahil na din sa alam nilang sa hinaba-haba ng kanilang prusisyon sa bahay dasalan din ang kanilang tuloy. (May next blog ngapala ako tungkol sa "bahay dasalan at ang homliy ni Father")
~ Pagkakawang-gawa, Project Burger
~ Pagka-mangha sa mga nag-aalay lakad
~ Pagbigay ng ngiti sa Kapwa
Ganyan ko sinalubong ang Mayo Uno. Umuwi ako ng nakangiti, dahil alam ko'ng ako'y may napangiti. Natulog ako na may ngiti sa aking labi at gumising ako kanina ng busilak pa din ang ngiti.
Ikaw, sinong napangiti mo ngayong Mayo Uno?
Oh, isang ngiti naman d'yan! :)
~ P.S. Salamat kay Bagotilyo at kaibigan n'yang mga blogger na nagbigay ng ideya ng Project Burger.
Para Sayo
Para Sa’yo
Isa daw sa pinakamasarap na pakiramdam sa mundo ay ang (una) magmahal at (pangalawa) mahalin. Mapalad ka kung nararanasan mo yung una at mas mapalad ka kung natagpuan mo na yung pangalawa. Pero ang pinakamapalad talaga ay yung nakakaexperience niyan ng sabay (ang magmahal at mahalin) sa isang tao. Sa nag-iisa at tamang tao.
Ang pagibig ay hindi yamashita treasure na kailangang hanapin . Hindi ito Marathon na kailangang mong takbuhin ng matulin para makita agad ang finish line. Darating ang taong para sa iyo sa tamang panahon at minsan pa sa pinaka hindi mo inaasahang pagkakataon. Hayaan mong ang destiny ang gumawa ng paraan para magtagpo ang inyong landas. Kung naniwala ka sa mga sinabi ko malamang sa malamang 45 ka na wala ka pang asawa o 35 ka na wala ka pang girl/boyfriend. Nalito ka ba? Ang gulo ko no? Siguro isa ito sa mga misteryo ng pagibig. Walang clue. Walang formula.Walang kasiguraduhan. Isang Maze. Isang Puzzle. Isang palaisipan na mas madalas gamitan ng puso kaysa isip.
Naalala mo yung kakilala mong magkasintahan? Yung wagas kung makapagsubuan ng pagkain sa harap mo. Inam kung makapaglingkisan sa tabi mo. Yung kala mo nakita mo na ang “poreber after” sa kanilang mga mata. Tapos one day isang araw (redundant?) nabalitaan mong BREAK na sila. Bakit? Huwag mo sakin itanong dahil hindi ako yung third party sa kanilang relasyon. May isang libo at isang daang dahilan kung bakit natatapos ang isang relasyon. Ngayon kung gusto mo talaga magtagal kayo kailangang doblehin mo ang mga dahilan kung bakit hindi mo siya dapat iwan . Triplehin mo pa kung mahal mo talaga. Basta wag kang bibitiw . Basta hindi lang ikaw yung lumalaban. Basta mahal mo. Basta mahal ka. Basta sa tingin niyo kaya niyo pa.
Hindi ko masisi yung mga taong takot ng magmahal ulit. Nasaktan sila noon. Nahirapan magMOVE ON. Napako sa pangako ng kanilang mga minamahal. Pero sana maisip din nila na ang pakikipaglaban sa kanilang nararamdaman ay ang laban na kailanman ay hindi nila mapapagtagumpayan. Mahirap intindihin ang pagibig at mahirap labanan ang isang bagay na hindi mo lubusang naiintindihan. Marami itong misteryo at mas masarap tuklasin ang mga misteryo nito kung kasama mo ang dahilan sa pag usbong nito. Wag kang matakot magmahal at higit sa lahat wag kang matakot masaktan (Magkasama talaga yang dalawa – Buy one take one – No return No Exchange) Kaya kung sakaling dumating muli yung taong magpaparamdam sayo na mahal ka nila (hindi sa salita pero sa gawa) Bakit hindi mo subukan? Wala namang mawawala.
Kaya isuot na ang twopiece/trunks . Huwag kang magtampisaw lang sa dalampasigan. Lumangoy ka at damhin ang alon nito. Pakiramdaman ang katamtamang lamig na dumidikit sa iyong balat. Hayaan mong patayin ng tubig ang apoy ng iyong mga pagdududa. Sulitin ang mga sandaling inilalagi mo dito. Gayunpaman ihanda din ang sariling malunod sa sakit na maaaring idulot nito.
Langoy lang ng langoy.
Happy summer sa inyo
Ha?
Tapos na ba ang summer?
Anong buwan na ba?
Anong araw?
Anong oras?
Oras na ba para mahalin kita??