Baha.
Hiyang-hiya naman ako na hindi ko nasasagot yung tawag mo maghapon at hindi ko maintindihan yung JFP tapos nung nasa bingit ako ng kamatayan, ikaw padin nagligtas sa'kin. Dejowk. Ang exage ng kamatayan. Pero at crucial times, ikaw at ikaw yung biglang lumilitaw para tulungan ako.
Hindi ko na maintindihan yung pakiramdam ko habang nakaupo sa tabi mo. Pinaghalo-halong kalamay ng emosyon. Lamig. Kaba. Takot. Kilig. Saya. At tila ba hindi na ko gaano makapag-isip ng klaro kase nanginginig na talaga ko sa lamig. Hindi naman big deal, pero kahit papano nangingiti talaga ko, kahit most of the time, nakakaimbyerna ka. Infairness, hilig mo padin kumanta. Naks. Maraming salamat Suplado. :)















