Bakit ang dali saiyo na iwanan ako?
Bakit parang ako lang yung nahihirapan mag move-on?
Bakit parang di ka apektado?
Bakit hindi mo pinatunayan na mali ang tingin nila sa’yo?
Bakit gusto ko paring bumalik sa’yo?
Bakit mas gugustuhin ko pang masaktan ako kesa masaktan ka?
Bakit lagi nalang kitang pinipili?
Bakit hindi mo ako magawang piliin?
Bakit hindi maalis sa isip ko kung saan ba ako nagkulang?
Bakit ko hinayaang sirain mo ang buhay ko?
Bakit ko hinayaang iparamdam mo na hindi ako sapat?
Bakit hindi tayo nagtagal?
Bakit parang laging kasalanan ko?
Bakit ka nangako ng bagay na di mo rin naman matutupad?
Bakit hindi mo ako nagawang pahalagahan?
Bakit mo sinayang yung pagkakataon na binigay ko sa’yo?
Bakit di pa rin kita mapatawad?
Bakit hindi mo ako nagawang yakapin nung mga panahong kailangan ko ng lakas mo?
Bakit ako ang humihingi ng tawad sa lahat ng pagkakataon?
Bakit mo ako pinaniwalang mahalaga ako sa’yo?
Bakit hindi mo ako nagawang ipagmalaki sa iba?
Bakit hindi mo nagawang isuko ang isang bagay para saakin?
Bakit sinabi mong walang susuko pero ikaw parin ang gumawa nun?
Bakit nagawa mong hindi pansinin ang mga messages ko?
Bakit parang pabigat at problema lang ako sa’yo?
Bakit wala kang oras para saakin, pero may oras ka para makipag-inuman?
Bakit tila wala akong karapatang magselos dahil lahat sila ay “kaibigan” lang?
Bakit ako nabulag at naniwalang hanggang doon na lamang ang pag-ibig na deserve ko?
Bakit ko nga ba ipinilit ang sarili ko sa’yo at sa buhay mo na walang lugar para saakin?
Bakit kinailangan kong humingi ng tawad dahil sa mga kahinaan at kakulangan ko?
Bakit hanggang sa huling pagkakataon gusto mong diktahan ang gagawin ko?
Bakit kahit kailan hindi mo ako hinayaang gumawa ng desisyon para sa relasyon natin?
Bakit lagi mo nalang inaako yung kasalanan pero hindi ka nageexplain bakit mo nagawa ang lahat ng iyon?
Bakit hindi mo ako hinayaang maging girlfriend sa’yo?
Bakit tila lagi nalang ang nanlilimos sa’yo ng oras at atensyon dati?
Bakit hindi mo naintindihan na hindi naman ako humihiling ng sobra, na manatili ka lang sa tabi ko ay sapat na?
Bakit sa tuwing nagaalinlangan ako, hindi mo ginagawang panatag ang loob ko, imbis sinasabi mo nalang na, “Wala na akong magagawa, yan na iniisip mo.”?
Bakit iniisip mo kung anong iisipin sa’yo ng tao sa mga posts ko, pero hindi mo iniisip kung anong sakit na dulot saakin ng mga posts mo?
Bakit bigla nalang nagbago ang lahat?
Bakit nga ba kita minahal?
Bakit mo sinabing mahal mo ako?
Bakit mo hinayaang mawala ako sa’yo?
Bakit mo ako nagawang saktan?
Bakit ikaw parin kahit hindi na ako?