Bakit kaya mahirap makuntento?
Isang buong araw akong nanood, naglaro, nagbasa, nagtrabaho, kumain, at natulog. Pero bakit may kulang? Iniisip ko kung bakit hindi ako nakukuntento. Bakit palagi akong may hinahanap pero hindi ko naman alam kung ano? Bakit kasi kailangan ko pang hanapin 'yon? Para sumaya ako? Para makuntento ako? Sigurado ba akong 'pag nahanap ko 'yon, wala na akong hahanaping iba? Baka likas lang talaga sa taong 'di makuntento, 'wag ko na lang siguro pansinin masyado.







