UNOS SA SILANGAN
photo: credits to the owners of this pics
Isa na ata ito sa pinakamasasakit na pangayayri sa buhay ko. Ang makita mo ang Pinakamamahal mong gusali at Unibersidad ay nilalamon ng apoy. Di ko man nakita ng aktwal pero sa mga larawan at video na aking nakikita sa Facebook at Twitter.
Dati napapanood ko lang sa mga balita yung mga eskwelahang nasunog, pero ngayon alam ko na yung pakiramdam na masunog ang paaralang iyong sinisisnta. Ang sakit pala, ngayon napapaisip ako,
Paano na kami next sem?
Bakit UE pa?
Bakit CAS at Eng Bldg pa?
Ang dami kong doubt di ba? Di niyo rin ako masisisi kasi nasaktan din ako at alam ko din nasaktan din kayo. Gaya nga ng sabi nila, “Di bale nang manakawan, wag lang masunugan”. Ngayon, paano na? Yun ang tanong eh, Paano babangon? Alam kong makakabangon ang UE at tiwala naman ako sa Administrasyon na magagawan nila ng paraan iyon.













