Masasabi ko na naging masagana ang aking DRMM Kwentuhan sa Talisay Barangay Hall kasama si Ginoong Sacdalan—ang Barangyay Konsehal. Marami akong nakuhang bagong kaalaman ukol sa mga preparasyon na inihahanda ng mga nangagngasiwa para sa komunidad. Gayunpaman, nakita ko ang Barangay Talisay—ang komunidad na aking kinabibilangan at kinalakhan—sa panibagong perspektibo sapagkat sinadya ko na lumibot sa buong Barangay at nakita ito muli sa bagong pananaw. Mahalaga ang aking karanasan sa aktibidad na ito sapagkat ito ay nagbigay daan sa akin upang makakuha ng mga bagong impormasyon at pananaw sa aking sariling komunidad.






