Throwback Thursday feels 🤣🤣🤣 Power Rangers : Gluta Edition 😂 #5yearsago #barkadas #happymemories #tbt #friendshipgoals #moments (at Talavera, Nueva Ecija)

seen from United States
seen from United Kingdom

seen from United States
seen from United States
seen from United States

seen from United States

seen from Australia
seen from United States

seen from United Kingdom
seen from United Kingdom
seen from Russia
seen from United Kingdom

seen from United States

seen from Türkiye
seen from United Kingdom
seen from Türkiye
seen from Türkiye

seen from United Kingdom

seen from United States
seen from Germany
Throwback Thursday feels 🤣🤣🤣 Power Rangers : Gluta Edition 😂 #5yearsago #barkadas #happymemories #tbt #friendshipgoals #moments (at Talavera, Nueva Ecija)
#thanksgiving #barkadas #tamanayaninumanna #buds (at Cebu IT Park)
After how many failed plans nadayun na gyud. Good to see you again. #barkadas #friendsforkeeps #live #love #life #explore
Something to treasure from #Singapore.. Thanks atab @cicciageel and dodong @0markhy7 for these gifts. Mwaaahhh... #pasalubong #travel #souvenir #friends #barkadas
Adventures with baes (Dipolog-Dapitan)
After 4 hours, nakarating rin kame ng Dipolog galing Liloy. Naloko pa kame ng habal-habal driver. Bwiset. Kakababa pa lang namin sa bus, nag-alok na sya ng motor na 100 pesos lang daw kada motor papuntang Dapitan. Dalawang motor ang sinakyan namin since apat kame. Sinamahan rin nya kame na maghanap ng inn at pension house. Mga 3 pension house ang ininquire namin kaso kung hindi puno, dollar rin ang presyo per night. Hanggang sa napunta kame dito sa Sunset by the beach Pension house. Mura lang tapos ang bait pa ng may-ari, parang bahay lang talaga sya na ginawang pension house.
Nung siningil na kame ng motor driver, P250 daw each. Gago. Mas mahal pa ang singil nya sa bus. Tinaasan na ni Ate Kelly ng boses ang driver. So, lumabas mga Pulis na kasama namin sa pension house. Taga Zamboanga rin pala sila. Thanks, Lord at nasettle ang kagaguhan nong mga driver na yon. Natakot eh. Hahaha!
Timing na rin na sa harap lang talaga ng pension house ang Tapsilogan. Nakaka-adik sya, guys. Seryoso! Yon ang namimiss ko sa lahat don sa Dapitan. Plus ang ambiance pa nyang along the shore.
Tapos nagpahinga kame hanggang 5. 6 pa kasi namin naplanuhang pumunta sa Fantasyland na walking distance lang rin. Actually napaaka-aga pa ng 6pm kaya nag-ronda ronda na lang muna kame sa Gloria de Dapitan.
Masaya talaga sa lugar na ‘to. May malaking chess sila at don kame nag-stay hanggang sa dumilim.
Tapos non, kumain at pumasok na sa Fantasyland. At last.
Actually, naghanap lang kame ng hilo at sakit sa ulo. Hahahaha. Worth it naman ang bayad kasi grabe na ang improvement nya kaso ‘di kami nakapasok sa horror house. Nakakaiyaq.
Sumakay rin kame sa Zimmerman nila. Whoo! Yun ang panalong panalo sa lahat. 360 degrees ikot. Don rin umiyak si Chini dahil di nya sinabing may fear of heights pala sya.. Hahaha! Patanga-tanga.
Oh tapos... mga 12 na kame nakauwi, dumerecho sa beach para magchill chill. Astig ang boulevard nila don. Ang daming live actions. Whew! Pekang pa more, ang sweet pa ng setting. Daming nakatuwad. Nag-enjoy kame don hanggang sa nakaramdam ng gutom kaya ng tapsilog ulit. ;)
Adventures with baes (Liloy)
Warning: Ang sumusunod ay puro kwento ng katakutan ni Ryne sa toko.
Plinano kasi namin na bisitahin yung puso kong patay... Chars! De nga, bisitahin yung bahay namin sa Liloy slash bakasyon na rin naming magbabarkada, eh kaso napaka pinoy nila so... sa 12 na tao, 8 ang drawing.
3 days kameng buhay probinsya nina Julie Ann, Chin & Ate Kelly. Marami rami rin ang challenges na naencounter ko, bukod sa dami ng toko na nagsilabasan sa mga bahay na tinuluyan namin.
Nagstay kame 1 night sa house namin. Andun naman ang caretaker ng bahay naming si Lola Naning. Medyo mahirap makipag-communicate sakanya kasi since bata pa ako, ayaw na ayaw ko syang kausap. Bisayang deep tapos ngongo kasi sya. Ending non’ nagagalit sya saakin kasi “Hah?” lang ako ng “Hah?” sa mga sinasabi nya. Na-weirduhan ako kasi mas na-cu’cutan sila kay Lola. Akala ko, mapipikon rin sila.. Buti na lang mapasensya ‘tong mga sinama ko. (Picture with Lola Naning)
So, humiga na nga kame with moskitero pa yan para iwas toko. Prepared na ako nyan, pinabili ko talaga yan sa papa ko para sa kapakanan ng anak nya.
So... ayon, payapang payapa ang pagtulog ko nyan, kompyansa na sa 20+ toko sa bahay, wala nang makakalapit. Tangina nalaman namin pagka-umaga na may dalawang toko sa baba ng kama. Na-trauma na ako. Bwiset.
Kame na nga pala nagsaing, nagluto, naghugas ng pinggan sa poso. Immersion raw. Wala naman akong naitulong dahil di talaga ako maaasahan sa kusina lalo pa’t di stove ang gamit. Hay. Wala na kung walang silbi. Sadlyf.
Naligo kame sa dagat mga ilang minutes. Na-bored kasi kame kaya umuwi lang kaagad at nag-siesta. Napagod sa biyahe eh.
Pumunta rin kame ng Liloy kasi gusto na rin mameet ni Ate Kelly ang dad & sister nya. Masaya! Meaning may ibang bahay na matutuluyan (na mas kaunti ang toko.)
Yan ang kapaitd nyang naka-pink, si Lady Mae tapos si Ate Kelly ang nakawhite together with her father na nasa side. Titas and Lolo. Blah blah! Fast forward.
Pumayag na rin family nya na don tumuloy para makasama nila si Ate Kelly. Kingina, habang nag-d’dinner kame biglang bumulaga ang toko. Therefore, kumain ako ng konti at buong oras ko syang binantayan kung san ba sya pupwesto. Hay!
Saklap. Laki ng ulo oh. Parang mic. Hahaha! Tapos, tuwang tuwa ako nung sinabing di pala kame don mag-sstay. Nabuhayan ako ng loob na may ibang bahay pa na mas kaunti ang toko. Nag-stay kame sa Lamao, Liloy at buti na lang wala ngang nagpakitang toko kahit nipa lang sya.
Bago kame natulog, nagchikka chikka muna kame nina Ate Kelly, Chin & Lady. Close kame kaagad kasi napaka-clingy nya tapos nagkatugma ang kalokohan naming dalawa. Kwentong kikik at wakwak ang usapan hanggang sa natakot, natulog na lang kame mga 12. Aalis na kasi kame by 3 papuntang Dipolog. So, ayon nga, tulog na tulog kame nang biglang gumalaw ang bahay. Lahat napakapit sakin, ano? Superhero? Pati ako natakot, iisa lang nasa isip namin that time... Na possibleng kikik yung gumagalaw ng bahay. Nung nagstop na, nagbakasakali akong gamitin ang 3g ko sa phone at tignan kung lindol ba yon o kikik nga. Tanga, lindol pala. 5.4 magnitude. Phew! Kinabahan kame ng wala sa oras tapos... di na lang namin tinuloy ang tulog at nagready na papuntang terminal.
(To be continued...)