04/03/2026
The no regrets moment I have when traveling or going somewhere new is buying something unfamiliar or local to the place. So cheers to finding unexpectedly a Cong sea salt instant coffee. Still far from Viet coffee, but happy to reminisce.
Alam ko na medyo toxic trait sa finance/expense yung pasalubong culture natin. Pero kasi growing up, ewan ko ba sa nanay ko at may ganyan siyang culture na embedded sakin. Sabi pa nga niya dapat mas magandang ref magnet ibigay ko sa manager ko, like, aside sa super besties ko sa work, siya nga lang din meron at isang box pa ng instant egg coffee. Yung nanay ko daig pa yung tatakbong mayor sa dami din ng papasalubungan at di na malaman paano magdidistribute.
In all seriousness, sobrang sarap/saya kawork ng mga kateam ko. Nasabi ko naman originally 4 kami na OG sa dating team bago malipat. Like kahit papano may pasalubong din pag nag ibang bansa mga kateam ko or yung iba pag namili lang sa convenience store or kmart may pamigay din. Nakaka soft lang yung ganitong gift giving culture. Sana na lang ma appreciate nila ang puro coffee themed na pasalubong ko.
Sabi na lang din ng isa kong kateam, pwede na ko humabol for Mr. Congeniality sa dami ng kakilala ko and kabatian sa work. So 10+ kami sa team then mga pasalubong din sa senior & other besties ko. Hahaha. Hindi ko kaya maging nonchalant talaga. Ikamamatay kong di mag yap o mag socialize.













