Today's Love Story..
Ang saya saya ko, tawa ako ng tawa, ang saya saya namin , tawa kami ng tawa . Kumakain kami ng TUC ang aming favorite. Kami ay pauwi na , tinotopak nanaman kaming tatlo kaya nagAutoBus kami pauwi mas enjoy kapag bus kaysa metro, lalo na kapag sa bandang dulo ang puesto nyong magtotropa. Sa daan, habang umaandar ung bus,kinakawayan at nginingitian namin ang mga tao (sira ulo talaga). Nang biglang dumating si Mr.45.. Sunod sya ng sunod saamin, kapag titigil kami titigil din sya at lalapit sya, as in malapit na malapit, kapag titignan nmin sya, nakatingin din sya , at sabay ngingiti. Mejo naiilang na akong tumingin, ewan nakakailang kasi nakatingin din sya.. Matagal nya kaming sinusundan, tumatawa nalang kami.. Nang biglang lumiko kami pero dumiretso sya..hindi na nya kami sinundan marahil may iba syang pupuntahan, pero habang lumiliko kami nakatitig sya saamin. Nalungkot kami, kasi wala na sya, hindi namin alam kung saan at kelan ulit namin sya makikita, kung kelan ulit magcocross ang aming mga landas, malabo na yun .. Hayy, makita ka kaya ulit namin ?? --- AUTOBUS ! hahahahaha :DD








