Nagagamit ko na iyong pabangong pareho tayong dalawa, Naalala ko mabango pala talaga siya. Ilang taon din akong hindi gumamit ng ganun, ilang taon ko ring inawasan ang amoy na iyon. Eh kasi naman pag naamoy ko iyon naalala kita, Naaalala ko kung gaano tayo kasaya. Kung paano mo ako niyayakap, Kung paano tayo sabay na nangarap. Na tuwing tayo’y magkikita, nagwawala ang puso ko Bumibilis ang tibok na parang kakawala sa kinalalgyan nito. Ilang taon akong nagpapalit palit ng pabango, Ilang pabango na nga ang nagamit ko. May mga bagay palang maaring balikan... parang itong pabango na ito. Pero tayo, tayo ay Wala ng pag asa, tayo ay parte na lang ng “nakaraan”. Nakakatuwa kasi kaya ko ng gamitin ang pabango, Hindi ko na naaalala ang amoy mo, Hindi ko na inaasam na humilig sa mga bisig mo, Hindi ko na naaalala ang mga halik mo pag pumipikit ako Kasi...masaya na ako ☺️







