just the three of us .. *we already missed you ma & pa ... #bastaman #family #fam #familyphotography #brother #sister #man #woman #girl #boy #batik #kebaya #bastamanography https://www.instagram.com/p/B3YKIzQg-rO/?igshid=pmw4hq638fz3


#dc comics#dc#batman#batfam#dc fanart#dick grayson#batfamily#bruce wayne#tim drake



seen from Germany

seen from United States
seen from Germany
seen from Poland
seen from Yemen
seen from United States

seen from United States
seen from Germany
seen from China
seen from United States
seen from United States
seen from China
seen from United States
seen from Türkiye

seen from United States
seen from Rwanda

seen from Germany

seen from United States

seen from United States
seen from United States
just the three of us .. *we already missed you ma & pa ... #bastaman #family #fam #familyphotography #brother #sister #man #woman #girl #boy #batik #kebaya #bastamanography https://www.instagram.com/p/B3YKIzQg-rO/?igshid=pmw4hq638fz3
Jacket
Gusto kita pero tanggap ko na hindi mo ako magugustuhan
Kasi di ako maganda
Wala akong kutis artista
Di rin ako marunong kumanta
Pareho pang kaliwa ang aking paa
Hindi kita kayang ipinta
Malayo ako sa larawan ng isang prinsesa
O ng isang babaeng pwedeng pangrampa.
Ako lang to kasi masaya akong ganito ako
At gusto ko matanggap mo ang ganitong ako
Kasi eto ako—eto ang totoong ako.
Pero alam mo?
May isang bagay akong maipapangako sayo—
Mapansin mo lang ako
Pangako, kung hindi ko kayang ibigay sayo ang mundo
Gagawa ako ng panibago para iparamdam,
Iparanas, ipakita, ipaalam
Na hindi mo kailangan ang mundo
Para mabuo
Kasi hanggat nandito ako
Hindi ko hahayaang maramdaman mong may kulang
Kasi pupunan ko bawat puwang
At hindi hahayaang magkaroon ng panghihinayang
Sa puso mo.
Teka, teka
Naalala ko yung tatlong araw na nakita kita
Sa tatlong araw na yun nga pala
Maliban sa ngiti mong una kong napuna
Napansin ko ring isang jacket lang ang suot mo
Yung brown jacket na yun lang ang gamit mo
Oo, naalala ko
Inisip kong yun ang paborito mo
At naiinggit ako
Kasi lagi ka niyang nayayakap
At nagagawa ka niyang protektahan
Na hindi natatakot na makita ng iba.
Pero, pero...
Sana kaya ko ring ipakita, kaya ko ring ipadama
Na gusto kita
At handa rin kitang yakapin at protektahan
At kapag akin ka
Di mo na kakailanganin pa ang jacket mo
Kasi handa akong yakapin ka
Handa akong balutin ka ng pagsinta
Para kailanman hindi ka manlamig
At madama mo ang ibig
Na ipahiwatig
Nitong puso ko.
Hinihiling ko na sana…
Sana muli tayong magkita
At sa pagkakataong yun ay masabi ko sayo
Ng buong-buo
Ng walang pangamba
Na gusto kita
At hindi ko hihingin na magustuhan mo rin ako.
Ang gusto ko lang ay maiparating sa puso mo
Ang nais iparating nitong puso ko.
Tried to write a spoken poetry. I think I failed it. LOL. :P
About the title, can’t think of anything else so yan na lang. HAHAHA.