“Wala akong barya eh” - Puro buo pera ko. Libo-libo kaya wala akong piso. Baka mayron ka?
“Ang init nga eh” - Yung sobrang giniginaw ka na tapos sasabihin nya yan, ibig sabihin nya talaga jan, “May aircon kami sa bahay kaya sanay ako lamig”.
“Lobat yung isa kong phone” - Kapag tinatanong mo lang kung bakit di sya nakareply yan sasabihin nya. Ibig sabihin lang nyan may isa pa syang cellphone di kagaya mo, isa lang.
“Ahh oo masarap un” - kapag nagkukwento ka ng pagkain na gusto mong matikman bigla nya yang sasabihin. Ibig sabihin lang nya, “Ako natikman ko na yun. Mamatay ka sa inggit”.
“Try ko mag withdraw” - Yung nagkaayaan lang kayo na kumain sa turo-turo yan kagad sasabihin nya. Nangangahulugan lang na “May bank account ako at maraming laman yun. Baka gusto niyong ipabili sakin yung buong turo-turo stand?”
“Wala bang chopstick” - Nasa karinderya lang kayo tapos naghahanap sya ng chopstick kasi may pansit na pagkain. Ibig sabihin nya “Marunong akong mag chopstick kasi lagi kami kumakain sa mamahaling restaurant”.
“Ah oo mabait yun” - Yung kinukwento mo sa kanya yung DREAM FOLLOWER mo tapos sasabihin nya yan. Ibig sabihin lang nyan ” Close kami. Lagi pa nga kaming magkausap eh. Saka matagal na kong pinafollow nyan. Bhelaaaaaaaaat”
“500 lang dala ko eh” - Yung pupunta lang naman kayo sa kanto para maglalakad-lakad tapos yan ang sasabihin. Pinapamukhang ang dami nya laging pera at maliit lang sa kanya ang limang daan.
“Tatawagan ko na lang” - Yung sasabihin lang na OKAY, itatawag pa para magmukhang ang dami nyang load.
“Regular load lang yan pero sige tawag ka lang” - Eto pa. Pinapamukhang mahigit 500 ang load nya sa cellphone. Pwede naman sanang mag unlicall, nagyabang pa. Tanga.
“Wala bang iba?” - Yung pupunta kayo sa isang mamahaling lugar tapos madalang niyo lang puntahan tapos yan pa sasabihin. Ipapamukha sayong lagi sya dyan at sawang-sawa na sya.
“Magpapasundo na lang ako” - Gusto lang nyang sabihin na “May family driver kami, gusto mong sumabay?”
“Okay lang ako” - At syempre ang pinakamalaman na salita. Yung hindi ka naman talaga okay pero nakangiti sabay sabi ng “Okay lang ako. Wag ka mag -alala” pero ang gusto mo talagang sabihin, “Shit naman. Nasasaktan ako! Bakit ka ganyan! Wag kang manhid”
Sabi nila, “Words are not enough” pero minsan yung mga simpleng salita ay mas malaman pa kaysa ibang mga gawa.