miss, topak shakur wag ka na sakin mainis tuwing di ko alam kung san tayo kakain o pupunta kasi wala akong ibang maisip kundi makita ka mayakap ka miss na miss kita palagi di lang kita miss kapag hindi kita kasama o kapag di ka tanaw ng aking mga mata pasensya kung napapahamak ka sa mama mo haha kasi ginagabi ka lagi ng uwi kundi man inuumaga kasi lagi akong bitin kasama ka ikaw din naman kasi diba nang aaway ka pa nga pag pinapauwi kita nekstaym payagan mo ako na ihatid kita hanggang tapat para ako naman ang pagalitan ng mama mo at di na ikaw sasaluhin ko ang lahat ng uulang sampal ngingitian pa kita sabay kindat sabay hihingi ng tawad kay mama este sa mama mo pala pati ng mga kuya mo teka nekstaym nga umuwi ka na ng maaga ha? pero pano nga kaya magkakatotoo gayong baliktad ang oras ng ating baliktad na mundo sana maging mundo ko rin ang mundo mo at di lang ikaw ang mundo ko gusto kong maging parte mo tulad mo na parte ko sana sa biyahe mo sabit ako sasama ko kahit taga bitbit ng gamit mo gusto ko lang kasama ka kahit sa anong trip.








