Naiintindihan ko na may mga pagkakaton na kahit gustong-gusto mong tumulong at magrescue, kung kulang ka sa kakayahan at kapasidad, masakit man sa kalooban pero wala kang magawa. Pero mas masakit para sa mga nangangailangan, na ni kahit ang pansinin at taimtim silang idalangin ay walang gumawa. Kami ay karaniwang manggagawa na nangungupahan lang ng matitirhan. May amo na, may landlord/landlady pa at may mga kapitbahay na kailangan ding isaalang-alang. Swerte kung kapareho mo sila ng pananaw sa buhay. Kaya one stray at a time muna uli... Pang 4th day ko na siyang nadadaanan, pero madalas ako'y nasa sasakyan. Kahapon, awang-awa akong makita siyang nakaupo sa gilid ng gutter habang nakatingala sa mag-inang sarap na sarap sa pag nguya ng kanilang pagkaing dala. Marahil tahimik syang umaasam na siya ay mabigyan man lang. Kaya kanina, kahit alanganing sitwasyon at hindi planado, nang muli ko siyang makita at siya'y lumapit nang aking tawagin, hindi na ako nag alangang siya ay bitbitin at iuwi. Halata sa impis na niyang katawan kung ilang gutom na ang kanyang pinaraan. Dama ko rin ang kanyang takot at pagkailang, instinct defense ng isang naging palaboy sa kalsada. No more lonely days, cold nights, scary times and empty stomach dear :-) Welcome sa ating lumalaking pamilya sa munti nating tirahan :-D Will anyone help me name this baby? (generic na lang po, diko pa kasi nacheck kasarian nya :-D ) #adoptdontshop #helpsavestrayanimals #beautybeyondbreed #notoaninalcruelty #puspin #animallover #catlover #bekindtoallcreatures










