Ang Kryptonite ni Superman
Pumunta kami ni bestfriend sa loob ng Starbucks.
“Dito na kayo umupo.” Sigaw sa’min ni Ice nung nakita niya kami. Dun kami pinaupo sa harap malapit sa kanila. Naka-reserved na talaga para samin. Ngumiti lang kami sa kanya.
“This song is for you!” sinabi niya at kami ang tinuro niya. Kinilig pa ako dun.
“I know how you feel inside..
You’re in love and so am I..
But you’re with some other guy,
I should be the one by your side…”
Perfect by Pink. Pero ibang version. Kaka-inlove talaga siya lalo na pag kumakanta. Tingin siya ng tingin samin. Di ko alam kung ang bestfriend ko ang kinakantahan niya o ako lang talaga, o feeling lang talaga ako. Haha. Pero sa totoo lang, feel na feel ko yung kanta. Parang para sa’kin talaga. Natapos na yung kanta. Ang daming nagpalakpakan. Kami na sigurong dalawa ang pinakamalakas ang palakpak at standing ovation pa kami. At sumunod niyang kinanta ang ‘So Sick” by Neyo. Pero acoustic yung ginawa niya.
“Im so tired of being blue, crying over you.. lalala…”
Nagets ko na siya. Pareho lang kami siguro. Naiwanan kaming pareho. At nasa process of moving on palang siguro. Or baka naman hopeless romantic lang siguro siya. Eee! Basta kakainlove siya! Yun lang masasabi ko.
Natapos na siyang kumanta. At pumunta na siya sa backstage. Ibang banda naman yung nagse-set up. Pumunta siya sa table namin.
“So, what do you think? Ok ba?”, bigla niyang tinanong.
Walang nakasagot samin. At bago pa man makasagot ang bestfriend ko ay nagring ang phone niya. Nagtext ang papa ni Angel. Pinapauwi na kami. Tinignan ko ang oras. Mag aalas-otso na pala! Ang tagal na pala namin dun. Ginabi na kami.
“Hala, pinapauwi na kami ni Papa”, sabi nang bestfriend ko kay Ice.
“Oo nga pala. Gabi na. Tara, hatid ko na kayo.” Sabi niya.
“Hala, wag na! mag cocommute na lang kami..”, pahiyang sabi ni Angel.
“Let’s go!” sinabi niya habang papatayo na.
At walang lingon-likod ay sumunod na lang kami sa kanya. Nagorder siya nang iinumin muna namin on the way. At paglabas namin ni bestfriend ay nakita ko nga ang tito ni Yan. Na tito rin ni Ice. Nakita niya ako kaya naman ng hello na lang ako sa kanya. Ngumiti lang siya.
“Kumusta na?” sinabi niya nung nakalapit siya sa amin.
“Ok lang naman tito. Kayo po?”
“Eto, miss na kayo nang coffee shop ko..”
“Sige tito. Pinapauwi na kasi kami. Nextime na lang ulet.”, sinabi ko na lang sa kanya kasi nagmamadali na talaga ang bestfriend ko.
“Sige, balik kayo a. Ingat.”
At nagbabay na kami sa kanya. Kakamiss rin talaga si tito Ian. Lagi niya kaming nililibre ni Yan pag nandun kami. Pinapayagan pa nga niya kami gumawa ng sarili naming coffee or frappe. At kapag nag-aaway kami ni Yan ay siya ang bridge namin para magkaayos kami. Wala lang. kakamiss lang talaga yung company niya.
Nasa labas na kami at hinihintay namin si Ice. After 2 minutes siguro ay lumabas na rin siya.
“Tara!” sabi niya nung nakalabas na siya.
“Ay siya nga pala, pinadagdag ni Tito Ian tong cake para daw sa inyo. Paborito niyo daw to.”
At iniabot niya samin ang isang box ng cake. Pagbukas ko, yung favorite nga namin. Pero di si bestfriend kundi si Yan. Ang tawag namin dun, Mangoberry cheesecake. Yun na ata ang pinakamasarap na cake sa balat ng lupa na natikman ko. May strawberry, blueberry at mango na toppings. It is a cake to die for! Haha.
Nakasakay kami sa kotse ni Ice. Sa harap si Angel at sa likod ako. Kinakain ko na yung cheesecake na binigay ni Tito Ian. Si Angel naman ay kausap ang papa niya at kanina pa sila tawag ng tawag. Mga tuwing 5 minutes siguro e magriring na lang bigla ang phone niya ay tinatanong kong nasaan na kami. Masasabi mong makulit talaga ang parents niya pero protective lang sila kay Angel. Nag-iisang babae siya kasi at bunso pa. Puro lalaki ang tatlo pa niyang ibang mga kapatid kaya ganun na lang siguro sila mag-alala. Tinawagan na rin ako ng kuya niya kanina at sinabing mag-iingat daw kami. Close kami nung isa niyang kuya. Nursing student kasi rin siya nun. 2 years lang gap nila ni Angel. At isa na siyang nurse ngayon pero nagvovolunteer pa lang ata siya ngayon sa ospital. Pero balita ko, pupunta na siya ng New York in two months. President siya ng isang organization nun at isa ako sa mga officers niya at dahil lagi ako pumupunta sa bahay nina Angel nun ay naging close kami. Hanggang dun lang. Wala nang iba.
“Patikim nga yan.”, sabi ni Ice habang nagda-drive.
“Pano mo kakainin e nagda-drive ka?”
“Subuan mo na lang ako. Para matikman ko naman yang sinasabi mong napakasarap na cheesecake ng tito ko.”
WTH? So gay! Hahaha. Pero sa totoo lang, gustong-gusto ko yung alok niya. Kaya din a ako nagpatumpik-tumpik pa at sinubuan ko nga siya.
“Masarap nga. Kaso di ko talaga gusto ang strawberry. Pero masarap siya.” sabi niya habang nguya-nguya ang cake.
Nakatulala ang bestfriend ko sa’min. Tapos na siguro ang calling-calling nila nang papa niya. Parang wala lang kay Ice ang nangyari. Pero sakin, sobrang big deal yun! Haha. Para kaming magkasintahan sa inasal namin.
“Pareho pala tayo. Pero dahil dito sa cake ng tito mo e, nagustuhan ko na rin.” Sinagot ko na lang. Nakatulala pa rin si bestfriend.
“Uy, para kang nakakita ng multo a”,sabi ni Ice sa kanya.
Magsasalita na siya nang biglang tumunog ulit ang phone niya. Sinagot niya ito. Walang nagsasalita sa loob ng kotse kundi si Angel lang na nakikipagtawag.
“Oo pa. Malapit na kami..”, parang asar na asar na sabi niya.
“Oh, kausapin ka daw ni papa..”, sabi niya at binigay ang phone.
“Hello tito.. Opo tito, malapit na kami.. Yes tito.. Opo tito.. Sige po.. Bye po.”
At binalik ko na ang phone kay Angel. Silence. Na naman. At dahil ang tahimik, kumain na lang ako ng cheesecake.
“Tirhan mo ko..” sabi ni Angel.
Di ako nagsalita. Kumain lang ako.
“Pano pala kayo nagkakilala ni Tito Ian?”, biglang tanong ni Ice. Para akong nakakain ng tinik. Uminom muna ako ng kape baogo ko sinagot ang tanong niya.
“Aah lagi kasi kame dun. Kaya ayun, naging close niya kami..” sinabi ko na lang sa kanya.
“Suki kami sa kanya kaya at matagal din kami di pumunta dun kaya namiss niya siguro kami.” Sabi naman ni Angel.
Nagsinungaling ako, kami, ng di oras. Alangan namang sabihin ko na dahil tito siya ni Yan diba? Masayang naman tong nabuong friendship namin ni crush pag ganun. Gusto ko na nga rin tanungin sa kanya kung bakit niya kilala si Tito Ian at kung kilala rin niya si Yan. Baka naman e, cousin niya si Yan. Magkahawig naman sila. Pareho rin ng boses. At magaling kumanta. O baka naman magkapatid sila???!
“Bye bes! Thanks Ice!”, sabi ni Angel sakin. Dito na pala kami kina Angel. Nasa labas rin ang papa at kuya niya na naghihintay sa kanya.
“Bye Tito! Kuya Rham, bye!”, sabi ko sa kanila nung bumaba si Angel. Ngumiti naman sila.
“Uy, ingatan mo yang bestfriend ko a. Mag-iingat kayo..”, sabi ni Angel kay Ice nung nakababa na siya.
“OO naman. Salamat nga pala.” Sagot naman ni Ice.
“Ingat kayo.”, pahabol na sabi ng papa ni Angel.
At nagdrive na nga si Ice. Medyo malayo pa ang bahay namin dito sa lugar nila Angel. Siguro abutin pa ng 30 minutes.
“Dito ka na sa harap. Nagmumukha akong driver mo e. Hehe” sabi ni Ice nung nakalayo na kami. At bumaba naman ako at umupo sa tabi niya sa harap.
“Oh, magkape ka muna baka antukin ka.” Sabi ko naman sa kanya habang abot ang isang baso ng coffee.
“Hindi, ok lang. Sanay na ako dito.” Sagot naman niya sabay ngiti.
Nagpatugtog siya. Give Me Love by Ed Sheeran ang naka-play sa ipod niya. Isa sa mga paborito kong kanta ni Ed Sheeran. Wala pa rin imikan. Nakikinig lang kami sa kanta.
My my, my my, oh give me love..
Napapakanta na ako sa isip ko. Eto yung isa sa mga theme songs ko nung super broken ako. Buti na lang may music no? May kasama ka pag nagsesenti ka. Kinakantahan ka pa.
Sumunod na kanta ay Gold Rush by Ed Sheeran again. My favorite!
Well I’m still waiting for that moment to arrive, heeey…
Napapakanta tuloy ako. Pero di na sa isip ko kundi kumakanta talaga ako pero mahina lang. nabigla ako nung kumanta na si Ice.
But then again you know what
But you don't know anything
Sinabayan ko siya sa part na to kasi eto talaga pinakamagandang parte ng kanta. Nginitian lang niya ako. Wala e, nageenjoy ako! Haha. Wala na akong pakialam sa mga nagyayari..
So maybe you should learn to love her
Maybe you should learn to love her
Maybe you should learn to love her
And maybe you should learn to love her
“Magaling ka naman pala kumanta ee! Ang daya mo, mas magaling ka pa sa’kin..” sinabi niya nung natapos na yung kanta.
“Huh? Hala hindi a.. Paborito ko kasi yan kaya nakasabay lang. Hehe” sinabi ko na lang pero nahihiya na ako dahil sa pagkanta ko.
“Punta ka ulit sa Sabado a.. Kakanta tayo”
“Hehe. Baka naman bumagyo niyan..”, pabiro kung sinabi.
“Hindi naman umulan ngayon e. Hehe” sabi niya.
Di na ako nagsalita pa. Nagngitian lang kami.
“Pakaliwa mo na jan tapos derechu na” sabay tingin sa daan dahil malapit na pala ako.Ayoko pa bumaba! Aaargh! Kung nag-eenjoy ka na sa ginagawa mo, saka naman ito mawawala na lang. Bagalan mo pa pleaassse. Haha
Dito na nga kami sa harap ng bahay. Wala nang nagawa ang Diyos para patigin pa ang oras. Haha.
“Salamat!” sabi ko sa kanya habang pababa sa kotse.
“Thank YOU! Basta sa Saturday, asahan kita dun”
“Tignan ko muna baka may gagawin ako o si Angel” sinabi ko. Pero sa totoo lang, pupunta talaga ako dun kahit may importante pa akong gagawin. Haha
“Ok, just contact m… Wait, here’s my number, just beep me ok? Para masundo ko kayo”, sabi niya at binigay nga niya ang phone number niya.
“Sige, thanks again. Mag-iingat ka.”
Ngumiti lang siya at umalis na.
Di pa rin ako makapaniwala sa mga nangyari. Para itong isang panaginip. Kung panaginip man ito, ayoko na magising. Sweet dream or a beautiful nightmare? Napapakanta pa ako sa tuwa, sa kilig, at sa ngiti niya! Kakainlove talaga yung ngiti niya! The smile that launch a thousand ships! Nakatulog na silang lahat sa bahay. May susi naman ako kaya nakapasok ako. Nasa kama na ako at naalala kung text’an si Ice.
“Goodnight Ice. Ingat sa daan.” MESSAGE SENT.
To-tot! To-tot! MAY NAGTEXT!
“Thank you for this day. Have a good night sleep. Sweet dreams J”
At natulog ako ng napakahimbing at gusto ko ulit siya panaginipan.