Bakit ang dami-dami kong namimiss ngayon? Siguro dahil sa panahon at pwede kang magmuni-muni sandali. Magrelax nang konti. Kailan ko ulit sila makakasama? Kailan ko ulit mapupuntahan ang lugar na ito? Ang lugar kong saan ko itinapon lahat ng mga ala-alang di na kaayaaya. Pero bakit sa tuwing nakikita ko ang larawang ito, naaalala ko ang mga bagay na matagal nang nakabaon sa kaibuturan nang aking puso. Mga ala-alaalang di na dapat at kailangang kalimutan na. Bakit kasi ang hirap makalimot?
Pero ganun pa man, habang tinitignan ko ang larawang ito, sabi ko sa sarili ko, โmasaya naman ako ditoโ, kaya dapat yung mga masasayang alaala ang dapat kong naaalala. Masaya ako. Masaya na ako. Salamat sa mga dumaan sa buhay ko. Gayunpaman, kahit dumaan lang kayo, marami akong natutunan. At sa konting panahon lang ay napasaya niyo ako at yun ang importante. At masaya na ako kung masaya na kayo.
Salamat cousins sa araw na yan. Nakalimutan ko lahat ng problema. Sana maulit to!











