Top 2
Catch me if you can
“The Rome and Juliet Award”
Naaliw ako sa laro na ito kasi parang Romeo and Juliet iyong style. Ang galing nung nakaisip ng laro na ito.
Highlight
Ang mechanics ng laro ay mag hawakan ng kamay ang dalawang taya na pilit namang paglalayuin ng mga taong nakapalibot sa kanila. May maliit at malaking bilog. Una kami ni Christian na sumalang bilang Romeo at Juliet. Ako ang nasa loob ng maliit na bilog at siya naman ang nasa labas ng mallit at malaking bilog. Ang goal ay maghawak kami ng kamay habang pilit na pinahihiwalay kami ng mga kaklase naming na nasa maliit at malaking bilog. Struggle noong una kasi ang layo ng distansya nung maliit na bilog sa malaki at iniipit ako sa gitna so sobrang layo ni Christian at imposible ata na magkahawak kami ng kamay. Pero nakagawa naman kami ng paraan para malansing ang mga kaaway. Habang sinusuong namin ang mga taong balakid sumisigaw kami ni Christian ng “ bheee”! at “ My love!” para lang dagdag saya sa acting bilang Romeo and Juliet.
May kahabaan ang braso ko at braso niya, kaya nung inextend namin parehas ay may chance pala talaga. So inistretch ko lang kamay ko palabas sa malaking bilog at bahala na siya gumawa ng paraan para makipag bigwasan sa mga tao sa malaking bilog para maabot yung kamay ko. At sa ganung diskarte, naabot niya kamay ko.
Yung huling mag partner na taya never nagkahawak ng kamay. Kawawa naman. Ang higpit kase magbantay ng mga tao sa malaking bilog at mahigpit yung pagkakakulong ng taya sa gitna ng mga nasa maliit na bilog kaya hindi sila nagka chance na mag ka abutan ng kamay.
All in, okay itong laro na ito. Nakaka hingal at the same time nakakatawa.
MVP
Christian Gonzales















