Bikoy Kumanta Trillanes Ipiniyok LP Nilaglag
seen from Denmark
seen from United States
seen from Nicaragua

seen from Thailand
seen from United States

seen from Kazakhstan
seen from Kazakhstan
seen from China

seen from Kazakhstan

seen from Italy

seen from Brazil
seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States

seen from Germany

seen from Iceland

seen from United States
seen from United States

seen from United States
Bikoy Kumanta Trillanes Ipiniyok LP Nilaglag
Thursday recap #ほぼ日手帳 #bulletjournaling #Bikoy #philippines #アイカツフレンズ #abscbn #southkorea #europeanelections https://www.instagram.com/p/BxzWiehliWX/?igshid=1w41ay5s1kje1
PH offices Facebook, Google sued for ‘Bikoy’ videos
PH offices Facebook, Google sued for ‘Bikoy’ videos
Elizaldy Co, one of personalities named in the “Ang Totoong Narco List” video, has filed a defamation case and P1-billion damage suit against Peter Joemel Advincula, alias “Bikoy”, and the local subsidiaries of tech giants Facebook and Google.
“By his own admission, Bikoy said everything in the viral video series that implicates me, Misibis Bay Resort and other personalities are pure…
View On WordPress
Mugshots of Rodel Jayme, the Person behid Bikoy videos for releasing nar...
Suspected ‘Bikoy’ video uploader faces ‘inciting to sedition’ rap
Suspected ‘Bikoy’ video uploader faces ‘inciting to sedition’ rap
An alleged blogger named Rodel Jayme underwent inquest proceedings before the Department of Justice (DOJ) on Thursday, May 2, after the National Bureau of Investigation (NBI) recommended charges of “inciting to sedition” against him.
Suspect Rodel Jayme. Photo credit: PNA
In a charge sheet filed before the inquest prosecutor, the NBI Task Force on Cybercrime Division (CCD) under…
View On WordPress
By iPhone 5
The Adventures of Totoy Bikoy
Ikalawang Kabanata : Pagiging Totoy
Lumipas ang apat na taon at ang ating bida na si Bikoy ay marunong nang maglakad,magbasa,sumulat at maglaro. Isang kapatid na din ang turing nila sa kanya. Isang araw naglalaro si Bikoy, Akasya at Berto ng tagu taguan at sa kanilang pagtatago ay napadpad sila sa damuhan, nadapa si Bikoy at sa kanyang pagtayo ay may bumukas sa kanyamg kinatatayuan,isang hagdan, tinawag nya ang dalawang magkapatid at pinasok nila ito. Sa kanilang pagbaba ay nakita nila ang isang maliit na baul. Binuksan nila ito at nakakita ng isang mapa. Madali nilang kinuha ang mapa at umakyat palabas ng hagdan, ngunit sa kanilang pagakyat ay naramdaman ni Bikoy na sumasara ang butas palabas ng kanilang pinasukan, sa pagmamadali ay naipit ang paa ni Akasya. Pinilit ilabas ni Berto at Bikoy si Akasya ngunit sya ay nasaraduhan ng butas. Hindi sumuko si Bikoy at pilit nyang binubuksan ang nasabing lugar. Sa kanyang murang edad ay nararansan nya ang takot at galit na napagdaanan nya sa pagkalibing ng buhay ni Akasya. Hinampas nya ang lupa at nararamdaman ni Berto na parang may gumuguho. Sa paghampas ni Bikoy ay kasabay ang pag guho ng lupa. Napansin ni Berto na unti unting lumalaki ang buong katawan ng kanyang batang kapatid. Sumigaw ito ng
AKASYAAA!!
Nagulat si Berto sa biglang paglaki ni Bikoy at ang balat sa kanyang dibdib ay nabuo at naging Totoy Bikoy. Hinukay ni Totoy Bikoy(TB) ang lupa at hinila si Akasya na buhay pa at puno ng dumi ang mukha.
Makalipas ang ilang minuto na pagaantay ay nagising si Akasya at sinabing
“Nakuha niyo ba ang mapa?”.
Nakangiti at umiiyak na sinabi ni TB at Berto na nakuha nila ang mapa. Di kalaunay bumalik sa dating anyo si TB at dahil sa biglaan nitong paglaki ay bumagsak ito dahil sa pagod. Bumalik din sa “ToBi” ang peklat ni Bikoy at nagmamadaling humanao ng saklolo si Berto para iuwi sa bahay ang kanyang dalawang kapatid.
Abangan ang Ikatlong Kabanata: Masakit na pagibig
Adventures of Totoy Bikoy
Unang Kabanata: Totoy Bikoy
Abril 5. Tumilaok ang manok, kasabay nito ang pagiyak ng isang sanggol na iniwan ng isang babaeng nakatakip ang bibig sa harap ng isang paaralan. Mabilis na umalis ang babae na parang may tinatakbuhan. Hindi tumigil sa pagngawa ang sanggol dahil hinahanap nito ang yakap at init ng isang ina. Hanggang sa makita ito ng babaeng gwardya.
Siya si Helena. Isang ulirang ina at may dalawang anak. Magtatakip silim pa lang ay rumarampa na ito papunta sa kanyang unang trabaho, ang maging dancer. Si Helena ay hindi na malakas kumita dahil sa pagbubuntis nito sa dalawa nyang anak. Dati rati ay isa sya sa mga pinupuntahan ng parokyano nya doon pero ngayon ay iba na ang trato sa kanya. Matapos ang 6 na oras nyang pagsasayaw at pagpapaaliw sa mga parokyano ay dumidirecho sya sa paaralan upang maging gwardya at doon natagpuan nya ang isang sanggol. Nilapitan nya ito at may nabasa syang note “Bikoy”. Kalma nyang dinampot ang bata at dinala sa pulisya.
Sa kanyang pagpasok sa police station, nakita nya ang kanyang dating kasintahan, si Trevor. Si Trevor ang ama ng kanyang mga anak at hindi ito pinaniniwalaan ni Trevor, at iniwan nya si Helena upang makatakas sa responsibilidad at dahil sa masalimuot na pangyayari sa nakaraan ni Helena ay hindi na ito tumuloy pa sa police station at sa halip ay tumungo na ito sa kanyang munting bahay.
Sa kanyang paguwi ay naabutan nyang tulog ang kanyang dalawang anak. Dahan dahan syang umupo at pinainom ng gatas ang sanggol. Habang pinapalitan ni Helena ng damit ang sanggol napansin nya na ang sanggol ay may malaking balat sa kanyang dibdib na may itsurang letrang “ToBi”. Nagtaka si Helena kung bakit ganoon ang itsura ng balat ng sanggol, hindi nagtagal ay nakatulog na ang sanggol at si Helena.
Sumikat na ang araw at may narinig si Helena na maingay at nagtatawanan. Nagising sya at sa pagmulat ng kanyang mga mata at nakita nya ang kanyang dalawang anak na hawak ang kanyang lipstick at naramdaman nyang may kakaiba sa mukha nya. Ang dalawang makukulit na bata ay dinrowingan ang kanyang mukha. Tumawa si Helena at niyakap ang kanyang dalawang anak at nagtanong ang mas nakatatandang kapatid
“Sino sya ina?”
Sinagot ni Helena ang kanyang anak aniya
“Nakita ko ang papel ba may sulat na Bikoy, siguro ang pangalan nya ay Bikoy?”
Nagtawanan ang kanyang mga anak at sinabi na hindi kagandahan ang pangalan na Bikoy, madali nyang sinabi sa kanyang mga anak na
“Tumigil kayo Akasya at Berto, mas maganda pa ang nickname nya kesa sa inyo. Hahaha”
Malakas na nagtawanan ang pamilya at napagkasunduan nila na irereport nila si Bikoy sa pulisya sa tamang panahon dahil nakadestino pa ang kanyang dating kasintahan na si Trevor. Iniiwasan nya na makita ang kanyang mga anak dahil natatakot itong kunin ito sa kanya ni Trevor.
Abangan ang Ikalawang Kabanata: Pagiging Totoy.