Marca Demoño

seen from China
seen from Thailand

seen from Malaysia

seen from Egypt

seen from United Kingdom

seen from United States
seen from United States

seen from United States
seen from United States
seen from China
seen from China

seen from United States
seen from United States
seen from Curaçao
seen from United States
seen from United States

seen from United States
seen from United States
seen from Malaysia

seen from Malaysia
Marca Demoño
Bilog
Hayaan mo akong bumalik sa umpisa.
Sa mga panahong wala pang tayo -- wala pang namamagitan sa ating dalawa.
Hayaan mo ring ikwento ko ang umpisa.
Yung mga panahong hindi pa natin gaanong kilala ang isa't isa.
---------------------------------------
Malapit nang mag-pasko. Isang perpektong pagkakataon para magkita tayong dalawa... ulit. Sabi mo rin kasi, gusto mong kumain ng 'dirty ice cream' at may isang lugar kang alam na kung saan may masarap na ganon. Marahil sa kadahilanang patapos na ang taon, wala na kayong masyadong ginagawa sa unibersidad. Kaya't nagkasundo tayo. Pupuntahan kita, magkikita tayo.
Mayroon kaming patimpalak sa opisina noong araw na iyon at isa sa mga kailangang gawin eh magsuot ng uniporme (yung sinusuot mo noong nag-aaral ka pa lang). Nakakatawang isipin. Pagkakataon nga naman. Siguro 'pag nakita mo akong ganon ang suot ko, hindi ka na magdadalawang-isip agad na ako 'yon. May kalayuan pa yung oras ng pagkikita natin pero noong mga sandaling 'yon, iniisip ko na kung anong sasabihin mo kapag nagkita tayo. Matatawa ka kaya? Mawewirduhan? Ano kaya?
Hanggang sa naging hapon na. Saktong dumating yung mga trabahong hindi nagpakita nung maaga pa. Tinapos ko agad lahat yun dahil alam ko, magkikita tayong dalawa. Ayaw ko kasing mahuli at marahil ganoon lang talaga ako magpahalaga. Minsan mo na ring sinabi sa akin na sobra mong nirerespeto yung oras ng iba kaya't nararapat lamang na respetuhin ko din yung iyo.
"Alas sais".
Sabi mo makakarating ka ng alas sais ng hapon dun sa lugar kung saan tayo magkikita. Maaga 'yon ng isang oras sa oras ng uwian ko. Mabilis lang kasing matatapos yung klase niyo kaya may sapat kang oras para makapunta roon nang mas maaga. Hindi na ako nagbigay ng oras kung kailan ako makakarating. Una sa lahat, ayaw kitang paasahin at baka magkamali kasi ako. Hindi ko naman hawak yung trapiko kaya may pag-aalangan din sa akin. Pangalawa, ewan ko kung bakit pero gusto kitang surpresahin. Pinlano kong umalis nang mas maaga sa alas siyete para mas matagal kitang makasama.
Nakakainis man, pero sumablay ako kahit inagahan ko ng alis. Nung sinabi mong naroon ka na, naipit naman ako sa kalsada. Kung nakita mo lang kung paano ako nagmadali noong araw na 'yon, malamang matatawa ka siguro sa akin. Nagdala rin ako ng hoodie kasi inakala kong uulan noong araw na 'yon. Makulimlim na noong hapon kaya't minabuti kong paghandaan na ang mga pwedeng mangyari.
Ang isa sa mga ikinagulat ko eh may nagtext sa akin na ibang number. Nung binasa ko, ikaw pala 'yon. Nakitext ka sa isa sa mga taong nandoon dahil sabi mo, nawalan ka na ng load. Kinabahan ako, nagulat, nagtaka, napaisip. Grabe ka. Nagawa mo talaga 'yun? Doon pa lang, alam ko nang iba ka talaga sa lahat. Pinahanga mo ako.
Nakailang text ka din sakin gamit ang iba't-ibang number kaya nabahala na din ako. Binuo ko na agad yung ideya sa aking isipan na babawi talaga ako sa'yo nung gabing 'yon. Sa abot ng aking makakaya, nilipad ko ang Makati papuntang Quezon City nang kulang-kulang isa't kalahating oras, partida, delayed ang MRT noong araw na 'yon.
Nang makarating ako sa lugar kung saan tayo magkikita, tinawagan agad kita. Natawa ka sa akin. Ito yung mga sandaling naghahanapan na tayong dalawa. Madilim na sa lugar na 'yon at 'wala' akong masyadong kamalay-malay kung nasaan ako (alam ko yung lugar, pero di ako masyadong pamilyar sa mga pasikot-sikot). Nagpanggap akong naliligaw nung alam ko na kung nasaan ka.
Kinulit pa kita 'non. Sabi ko, "Ano suot mo?"
"Black na t-shirt at jeans. Naka-cap din ako", sagot mo sa akin.
Tinawagan kita. Nagtatago ako sa likod ng puno sa likuran mo nung ginawa ko 'yon. Tawa ako nang tawa habang kinakausap kita kasi hinahanap mo din ako. Lingon ka rin nang lingon.
Hanggang sa hindi na ako nagsalita. Bigla na lang kitang tinabihan at wala kang kamalay-malay na ako na pala yung nasa gilid mo. Maya-maya, sumagot na ako.
"Oo nga eh. Nasaan na kaya ako?"
Nagulat ka. Hinampas mo ko non pero 'di ako nasaktan (actually kinilig nga ko e. bwahahaha)
"Sira ka talaga", pabiro mong bungad.
Ito yung unang beses na nalaman mong ayaw kong masyadong nagdididikit muna sa ibang tao kapag pawisan ako. Nakakaloko di 'ba? Inaasahan ko, magiging maulan yung araw na 'yon pero sobrang init pala. Tumayo ako saglit at lumayo panandalian.
"Teka lang, pinagpapawisan kasi ako." Ikaw ba naman tumakbo eh. Ewan ko na lang.
"Mag-ayos lang ako sandali." Syempre ayaw ko namang magmukhang dugyot. First actual 'date' natin 'yon kaya ayaw kong mapahiya.
Pero iba ka. Hinatak mo talaga ako tapos kinuha mo yung dala kong bimpo at sinubukan mong punasan yung pawis ko. Pasensya ka na. Nailang talaga ako. Hindi kasi ako sanay na ganon... na may ganon. Huling beses na may gumawa niyan sakin, high school pa e (nung may jowa pa ko. orayt hahaha)
Ngunit ano't ano pa man. Hindi na rin ako tumanggi (pero siyempre sinigurado kong mukha na akong fresh nung pumayag na ako na ganon)
Niyaya kitang tumayo at maglakad-lakad. Sabi mo nagke-crave ka din sa bibingka kaya biniro kita.
"Ice Cream tapos bibingka? What a combination."
Natawa ka naman sa akin. 'Di ko alam pero sobrang patok yung mga hirit ko para sa'yo nung gabing 'yon.
Sakto namang may malapit na nagtitinda ng sorbetes kaya nakabili tayo agad. Pagkabili natin, umupo tayo sa may bandang gitnang bahagi nung parke. Payapa ang gabi at nakangiti ang mga bituin sa itaas natin nung mga sandaling iyon. Nagkuwentuhan tayo, nagpalitan ng mga nakakatawang hirit, at pagkatapos nating maubos yung kinakain nating sorbetes, naghanap na tayo ng mabibilhan ng bibingka.
Sa kasamaang palad, wala tayong nakitang nagtitinda.
Hanggang sa hindi na natin parehong namalayan yung oras at gabing-gabi na pala. Mag-aalas diyes na non nung maisipan nating umuwi. Pero bago 'yon, sumimple ako at nagparinig na nararapat lang na mag-selfie tayong dalawa. AT PUMAYAG KA! Hindi mo alam kung gano ako kasaya nun!
Hindi ko na sinayang ang pagkakataon at sinulit ko talaga ang mga natitirang sandali.
Hinatid kita papuntang sakayan. Sumakay din ako sa sinakyan mo pauwi para masigurado kong makakauwi ka nang ligtas.
Hinding-hindi ko malilimutan ang gabi na 'yon, lalung-lalo ka na.
Sana naging mas mahaba pa yung oras na nakasama kita.
Sana naging mas matagal pa yung biyahe nung pauwi na tayong dalawa.
Alam mo? Hindi man tayo nakakita ng nagtitinda ng bibingka, nakita naman kita. Nagkasama tayong dalawa, mas lumalim yung pagtingin ko sa'yo, at higit sa lahat, lubos akong nagpapasalamat dahil sa isang pambihirang pagkakataon, ito ang nagsilbing daan para mas nakilala kita.
Ito ang simula -- ang umpisa na hanggang ngayon, sariwang-sariwa pa sa aking mga alaala.
Kaya't kung maaari sana, hayaan mo muna akong manatili dito sa umpisa. Dahil ito na lang ang pwede kong panghawakan ngayong wala ka na.
—————————– Mga Alaala Nating Dalawa: Ang Paglalakbay sa Malaking Bilog
les gibi bilogun var
Biloguma öyle deme
Bilog Ang Balita: Mga negosyo ni Elon Musk
Bilog Ang Balita: Mga negosyo ni Elon Musk
(adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push();
(adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push();
Video
Bilog Ang Balita: Elon Musk vs. Mark Zuckerberg
Bilog Ang Balita: Elon Musk vs. Mark Zuckerberg
(adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push();
(adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push();
Video
OB babes 😉 #predutyselfie #latepost #bilog #buhaynars di pa sila pagod 😂😂😂 https://www.instagram.com/p/CP442Vxr7FJJ3f0VP4azsITZX9xVfXVCC3U11I0/?utm_medium=tumblr
#ringoflight #bilog (at STI College Cotabato) https://www.instagram.com/p/B703fLgpBFY/?igshid=1da777736p3ow