seen from United States

seen from United Kingdom
seen from Türkiye
seen from China

seen from Türkiye

seen from China
seen from China
seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from Belgium
seen from Malaysia

seen from Türkiye
seen from Canada
seen from Canada

seen from Italy
seen from China
seen from South Korea
seen from China
seen from United Kingdom
balik-tanaw.
ilang taon na ang lumipas,
dala ko pa rin ang mga sugat na iniwan mo.
bakas pa sa aking mukha ang marka ng kahapon --
mga marka na ikaw ang umukit mismo.
sa kabilang banda,
pinag-iisipan ko pa rin
kung nararapat bang pasalamatan kita para dito.
at marahil,
marahil matatagalan pa bago ko matanggap ito nang buo --
na siguro nga,
ganon nga talaga, ano?
may mga taong darating sa buhay natin
para tulungan natin silang maghanda
sa panahong magmamahal na sila ng ibang tao.
I loved you in silence. In fact, I still do. And perhaps, I always will.
It was just a moment of madness, nothing more.
Telepono
Sa isang hindi inaasahang pagkakataon, tumawag ka. Noong una akala ko kung sino yung tumatawag sa akin sa aking telepono. Marahil, isa lamang ‘yon sa mga trabaho na dapat kong asikasuhin noong araw na ‘yon. O isang paalala patungkol sa isang gawain na hindi ko pa nagagawa, o marahil ay nakalimutan ko na. Pero sa hindi inaasahang pagkakataon, hindi ko lubos akalaing tatawag ka.
Isang nanginginig na 'Kumusta’ ang narinig ko. Hindi ako sigurado noong una kaya inulit ko. Ilang beses din yata ako nagtanong kung sino yung tumatawag at kung ano yung problema. Hanggang sa naging malinaw na ang lahat nang banggitin mo ang pangalan ko. At doon ko nakumpirma, ikaw nga. Ikaw nga 'yon. Tumawag ka.
Napatayo ako sa kinauupuan ko. Ako'y lumayo sa aking pwesto at naghanap ng magandang lugar para mapakinggan nang mas maigi ang mga maaari mo pang sabihin. Maging sa mga sandaling 'yon ay naninigurado pa rin ako; iniisip na baka guni-guni lang ang lahat at nag-iilusyon lang ako. Naging malinaw ang bawat salitang naririnig ko. Lalong dumiin ang patunay na ikaw na nga ang kinakausap ko. Sinong mag-aakala? May mga tao rin pala na parang patay o multo – yung mga tipo ng taong nagpaparamdam na lang bigla nung akala mong wala na sila sa buhay mo.
Nag-alangan ako sa mga sumunod na salitang narinig ko.
“Miggy.”
“I miss you.”
Sabog na ba ako? Nananaginip? Nababaliw? Nahihibang? Nalilito? Sabaw?
O baka naman pinagtitripan mo lang ako? Sanay naman na akong maging biktima ng panloloko kaya’t walang kung anu-ano, nagsalita ako.
“Seryoso ba 'to?”
At umoo ka naman. Ilang beses din kitang tinanong kung bakit. Ilang beses mo ring pinaulit-ulit na namimiss mo ako.
Taragis. Heto na naman ako. Unti-unting nawawala sa sarili dahil sa isang pambihirang pagkakataon, hindi ko inaasahang babalik ka… at hindi ako handa.
Nag-usap tayo. Matagal. Nakalimutan kong may tinatapos akong trabaho noong araw na 'yon dahil inumpisahan mong ukupahan ang buong isip ko.
Natakot ako.
Kung isa na naman itong senaryo na kung saan masasaktan ako bandang dulo, mabuti nang habang maaga pa, itigil na natin 'to.
Pero dahil tanga ako, hindi ako tumigil. Tinuloy-tuloy ko.
Sabi ko, “Kung mananaginip na lang din ako, lulubus-lubusin ko na rin.”
Nag-usap tayo.
Nagkwento ka.
Nagkwento ako.
Binganggit mo na ilang beses mong tinangkang gawin ito pero paulit-ulit ka ring nag-isip muna nang maigi kung kaya mo bang gawin; na malungkot ka at umiinom nang mga sandaling ninais mo akong kausapin; na kinausap mo pa yung kaibigan ko na baka hindi ko sasagutin yung tawag mo kung sakaling tatawag ka man; na minsan mong natagpuan ang sarili mo sa Makati nang walang dahilan – at natahimik ako. Napaisip. At muling nagtanong, “Ano ito?”
Marahan mong binigkas ang mga salitang bumasag sa katahimikan pagkatapos mong ilahad ang mga kwento mo.
“Hindi ko alam. Basta namimiss kita.”
At doon na kita sinimulang konsensyahin. Kung may balak kang saktan ako ulit, pwede mo na lang ba akong deretsuhin?
Bumuhos ang mga kwento. Nakalimutan mo yung tinanong ko. Parang dati lang ulit, nagkukwentuhan tayo. Malugod mong inihayag sa akin ang mga kwentong hindi mo nagagawang ilahad sa nakararami. Sunod-sunod ang daloy ng mga salitang wari ba'y inipon mo nang kay tagal. At walang sawa naman akong nakinig.
Pero natuto na ako. Sabi ko sa sarili ko, marahil bukas o sa makalawa, mawawala na rin 'to. Ganun naman palagi 'di ba? Sa kasamaang palad, kahit gaano man kaganda o kahaba ang kwento, darating ka rin sa punto na magwawakas at magwawakas ito. Akala ko nga matagal nang tapos yung kwento natin. Hindi pa pala.
Binanggit mo ang mga salitang hindi ko kailanman naisip na maririnig ko. Kumpirmado. Hindi lang pala ako ang naniniwalang minsan, naging tayo. Naging tayo. Naging tayo. Oo, sa'yo na nanggaling mismo. Naging tayo. Ang buong akala ko, ako lang ang naniniwalang minsan kang naging akin kaya hindi ko nagawang maihayag 'yon sa iba. Mahirap na. Umasa na nga ako sa'yo, pati ba naman sa kung anuman ang naging meron tayo? Pero tuwid mong binigkas yung apat na letrang matagal kong ipinagkait sa sarili ko, “Tayo.”
Lumalim ang gabi, at lumalim ang pag-uusap nating dalawa. Nalaman kong wala ka noon sa inyo at sa ibang bahay ka nakatira. Nagboluntaryo kang manirahan mag-isa kasama ang aso ng pinsan mo na pinangako mong aalagaan mo habang wala siya. Malungkot ka. At nag-iisa. Pero ginusto mo 'yon. Sabi mo gusto mo 'yon.
Nalaman ko kung nasaan ka mismo. At ako naman 'tong si tanga, sabi ko pupuntahan kita kung gusto mo. Pumayag ka naman. Sabi mo, yayakapin mo ako nang mahigpit kapag nagkita tayo. Pero hindi na ako tumuloy. Alam kong mali ito. At ayaw kong makitang muli ang aking saril bilang isa sa mga maling desisyon mo.
Buong gabi ka ring humingi ng tawad. Sabi mo, ang sama mong tao. Sabi mo, hindi mo sinasadya. Sabi mo hindi ko dapat nararanasan o naranasan kung ano man yung naiparanas mo. Ilang beses mo din saking nabanggit kung bakit ba minahal ko ang isang tulad mo. At umamin ako sa'yo – na kahit kailan hindi ako nagtanim ng galit ni sama ng loob pero nadismaya ako, oo. Maraming beses, yun ang totoo. Pero mahalaga pa ba 'yun? Tapos na eh. Tapos na tayo.
“Hindi ka ba nagsisisi?”, tinanong mo ako.
Huminga ako nang malalim, at taas noo kong sinabi sa'yo.
“Hindi mo dapat pagsisihan ang anuman o sinumang minsang nagbahid ng ngiti 'jan sa mga labi mo.”
—————————–
Mga Alaala Nating Dalawa : Nang Minsan Kang Tumawag Sa Telepono Ko
Kuko
Ayon sa siyensa, kulang-kulang tatlong milimetro (3 mm) ang ihinahaba ng mga kuko natin kada buwan. Kapag mahaba na ito, maaari na itong lagyan ng palamuti o disenyo na siyang magiging dahilan upang maging kaaya-aya ito sa mata. May iilan na ginugupitan ang kanilang mga mahahabang kuko sa kakatwang hugis o anyo -- lahat depende sa kagustuhan ng nagmamay-ari.
Lingid sa kaalaman ng lahat, hilig ko na pahabain ang aking kuko, partikular na ang aking hinlilit at hinlalaki sa magkabilang kamay. Bata pa lamang ako nang simulan ko itong gawin. Para saan kamo? Maaga akong namulat na kung marunong akong kumain, dapat marunong din ako maghugas. Tila nga yata kasabay ng aking paglaki ay ang pagdami ng aking mga hugasin. Kapag naghuhugas ako ng plato, may mga tirang kanin na naiipon sa lababo. Delikado kapag pumasok lahat 'yon sa tubo na nagkokonekta sa lababo at sa kung saan man patungo yung tubig na tinatapon dito -- kasi babara. Kaya, kapag tapos na akong maghugas, lahat ng maiipong kanin sa strainer ay dinadakot ko at itinatapon sa basurahan. Paano ko natatanggal yung strainer? Gamit yung mahaba kong kuko.
Sa aking karanasan, masakit kapag ginupit mo ang kuko mo kapag bagong gising ka. Yung tipong wala pang gaanong buhay na nananalaytay sa buong katawan mo tapos bigla mong puputulin yung mga bagong gising mo rin na kuko. Malutong. Matigas. At kapag nagkamali ka ng anggulo sa paggupit, masakit at may tsansa pa na magdugo.
Pinakamadaling gupitin ang kuko kapag basa ang iyong mga kamay at nababad ito nang husto. Lumalambot kasi ito kaya nagiging madali na lang ang pagtabas mo.
Mabisang pangkamot ang mahabang kuko. Kakaibang sensasyon ang dulot nito kapag nahuli mo nang maigi yung makating bahagi ng katawan mo. Pero kung kaya nitong magbigay ng ginhawa, may pagkakataong maaari ka ring masaktan nang dahil dito. Nakakatuklap ng balat o maaari kang masugatan kapag nagkamali ka ng pagkamot mo. Kaya dapat maingat ka sa paggamit ng iyong mga kuko.
Isang araw pagkatapos ng pasko, kinuhaan ko ng litrato yung bagong tabas kong mga kuko sa kamay at ipinadala ko yung larawan sa'yo.
"NAG-GUPIT NA AKO NG KUKO!!!", buong pagmamalaki kong sinabi sa'yo
"Ang galing-galing naman ng love ko. Nakikinig.", sabi mo.
Hindi ko alam pero magmula nung araw na ‘yon, parang gusto kong gupitin ulit yung kuko ko tapos ipapaalam ko ulit sayo. Nakakatuwa. Sinong mag-aakala na sa simpleng paggupit lang ng kuko eh sobrang tuwang-tuwa na ako kasi natuwa ka rin sakin?
Sa isa sa mga naging pag-uusap natin, nabanggit ko yung tungkol sa aking mga gawi pagdating sa aking mga kuko. Natawa ka na namangha na naweirduhan. Pero natawa ka. Dun pa lang, panalo na ako. Kakaiba man, pero totoo.
Ayon sa siyensya, sa loob ng isang buwan, humahaba ang ating mga kuko hanggang tatlong milimetro.
Tatlo. Tatlong milimetro lang ang lapit natin sa isa't-isa noong unang beses tayong lumabas. Sinong mag-aakala? Hindi ko nakitang ganun lang pala din ang layo natin sa ating pagwawakas.
Tatlo. Lumipas ang tatlong buwan, nag-away tayo. Yun yung unang beses na nag-away tayo.
Pakiramdam ko, para akong bagong gising 'non tapos ginupitan ako ng kuko. Mukhang nagkamali din ng anggulo. Doon ko lang ulit nakita yung sarili ko na takot, kabado at problemado. Sa isang pambihirang pagkakataon, gumagawa akong muli ng paraan upang hindi ako iwanan ng minamahal ko. Oo. Nasanay din ako noon na palaging iniiwanan kaya akala ko kakayanin ko. Pero hindi sa'yo. Hindi sa pagkakataong iyon. Itinanim ko sa aking isipan na hindi ako basta-basta makapapayag na mawala ka sa akin nang ganun-ganun na lang.
Pero, kung ano yung saya at ginhawa na nararamdaman ko noong magkasama pa tayo -- na paulit-ulit ko pa ring naiisip hanggang sa mga sandaling ito -- napagtanto kong baka ito na yung tagpo kung saan dapat alam ko nang nasasaktan na ako; na sinasaktan ko na ang sarili ko.
At mukhang nababad din ako sa mga luha. Sabi nila mas madali daw putulin ang kuko kapag ito'y basa. Pero parang ang hirap maniwala. Kasi kahit gaano katagal na yata itong nababad, ang putulin ito'y hindi ko pa rin magawa.
Hanggang sa may mapagtanto ako -- marahil ikaw yung pinahaba ko ng matagal at dapat nang gupitin na kuko. Masakit, oo, pero kailangan. Kailangan kong gawin 'to.
—————————– Mga Alaala Nating Dalawa: Ang Putol Kong Kuko
Don't be sorry if you cannot reciprocate the love that's been given to you. You're just adding insult to the injury.
You're my 11:11 - a wish that never came true.