posible palang umusad nang hindi tumatakbo
umaga iyon ng sabado noong naglalakad ako sa academic oval, lumilipad ang isip dahil sa sunod-sunod na requirements na kailangan ipasa (at sana ipasa).
sa paglalakad ay parang laging hinihingal, parang laging may humahabol. partida, hindi pa 'yan tumatakbo.
ngunit sa hindi maunawaang dahilan ay nakapagbibigay ng kung anong ginhawa ang paglalakad sa acad oval, sa up.
sa isang gilid, may kumakain ng pancit canton mula sa mga kiosk sa tapat ng vinzons. kasabay nito ay may tumatakbo, may naglalakad, may nagkekwentuhan at nagtatawanan, at mayroong katulad kong hinahabol ang maagang klase tuwing sabado.
pero... posible palang umusad nang hindi tumatakbo 'no? lahat sila, yung kumakain, yung tumatakbo, yung naglalakad, at yung nakikipagchismisan, makakarating din naman sa pupuntahan nila kahit anong mangyari. ang sarap huminga nang maluwag kapag hindi ka nababagabag. sapagkat sa pagtayo pa lang at pagtapak ng paa sa lapag ay umusad ka naman na. pagsama-samahin ang bakas ng mga paang ito ay ang lugar kung saan nakikita mo ang sarili mo ngayon, kahapon, at sa hinaharap. ibigay siguro natin sa sarili natin ang recognasyong ito. patuloy lang sa paghakbang, tumakbo kung kailangan, pero darating din tayo d'yan, huwag na tayo magpakahingal.








