thank you books!! thank you tv shows!! thank you music!! thank you concerts!! thank you movies!! thank you video games!! thank you crafts!! thank you napping!! thank you escapism!!!
styofa doing anything

No title available

No title available
Sade Olutola
h
i don't do bad sauce passes
One Nice Bug Per Day
tumblr dot com
todays bird
Lint Roller? I Barely Know Her

Janaina Medeiros
we're not kids anymore.
No title available
sheepfilms
dirt enthusiast
AnasAbdin

Andulka
d e v o n

Product Placement
YOU ARE THE REASON
seen from Philippines
seen from United States

seen from Malaysia
seen from United States
seen from China

seen from Malaysia

seen from United States

seen from United States

seen from Türkiye

seen from United States

seen from Türkiye
seen from United States

seen from Malaysia
seen from Singapore
seen from United States

seen from Malaysia
seen from United States

seen from Malaysia
seen from United States
seen from Türkiye
@wordsoul
thank you books!! thank you tv shows!! thank you music!! thank you concerts!! thank you movies!! thank you video games!! thank you crafts!! thank you napping!! thank you escapism!!!
sonny angels x ladurée patisserie collection 🍰
As I Was Moving Ahead Occasionally I Saw Brief Glimpses of Beauty, dir. Jonas Mekas, 2000.
Ada Limón, “To Be Made Whole”, On Being with Krista Tippett
Onse ng Hunyo, naalala niya ang mga kwento ko
Normal na araw lang naman ‘yun noong nagkekwento ako tungkol sa paborito kong album. Saglit ko lang din nabanggit kaya akala ko’y napaka-random. Hindi ko naman inakala na hindi pala random ang mga salitang binibitawan ko... at least para sa kan’ya.
Ganito pala ang pakiramdam na may halaga ang bawat letrang binibigkas, ang may nag-aantay at nakaabang sa bawat darating na bukas.
Onse ng Hunyo, maraming random na kwento na naman habang binabagtas ang kyusi, pero walang reklamong lumabas sa mga labi.
Ang payapa ng bawat minuto lalo na sa pasensyang meron siya para sa isang katulad kong madalas ay magulo. Halos lahat ng akala ko’y negatibo kong aspeto ay ‘cute’ at ‘maganda’ at ‘nakakatawa.'
Minsan nga hindi ko alam kung maiinis ako o matutuwa pero yung latter na lang siguro dahil tiwala naman ako sa kan’ya. Mali, tiwala ako sa kan’ya.
Kaya ang Onse ng Hunyo ay maisusulat sa pahinang ito, nararapat lamang mailimbag ang kwento.
posible palang umusad nang hindi tumatakbo
umaga iyon ng sabado noong naglalakad ako sa academic oval, lumilipad ang isip dahil sa sunod-sunod na requirements na kailangan ipasa (at sana ipasa).
sa paglalakad ay parang laging hinihingal, parang laging may humahabol. partida, hindi pa 'yan tumatakbo.
ngunit sa hindi maunawaang dahilan ay nakapagbibigay ng kung anong ginhawa ang paglalakad sa acad oval, sa up.
sa isang gilid, may kumakain ng pancit canton mula sa mga kiosk sa tapat ng vinzons. kasabay nito ay may tumatakbo, may naglalakad, may nagkekwentuhan at nagtatawanan, at mayroong katulad kong hinahabol ang maagang klase tuwing sabado.
pero... posible palang umusad nang hindi tumatakbo 'no? lahat sila, yung kumakain, yung tumatakbo, yung naglalakad, at yung nakikipagchismisan, makakarating din naman sa pupuntahan nila kahit anong mangyari. ang sarap huminga nang maluwag kapag hindi ka nababagabag. sapagkat sa pagtayo pa lang at pagtapak ng paa sa lapag ay umusad ka naman na. pagsama-samahin ang bakas ng mga paang ito ay ang lugar kung saan nakikita mo ang sarili mo ngayon, kahapon, at sa hinaharap. ibigay siguro natin sa sarili natin ang recognasyong ito. patuloy lang sa paghakbang, tumakbo kung kailangan, pero darating din tayo d'yan, huwag na tayo magpakahingal.
joy is to be cherished and not to be guilty of. we are bound to embrace comfort and happiness despite roads being a lot shakier than usual. slow steps are still steps away from being static and with that, i hope we all be kinder to ourselves.
we pause to be better, laugh to mend aches, cry to breathe, and continue because we aim to co-exist with growth and comfort. we are normal people with normal emotions. it's okay. we'll be okay.
Mary Oliver, “Don't Hesitate.” Devotions
— Apprehensions, Sylvia Plath
[text ID: Is there no way out of the mind?]
Ang Damo ay Berde Kahit Saan
Sabi nila, “grass is always greener on the other side,” hindi naman pala. Matagal bago ko ito nakita, masyado kasing okupado ang utak at mata.
Magulo akong tao. Kapag pagod ay hinahanap ang pahinga pero kapag nabigyan ng pagkakataon ay naiinip naman dahil walang ginagawa. Isang dahilan na siguro ang kagustuhang maraming gawin nang sabay-sabay ngunit imposible, syempre. Eh ako naman ‘tong ambisyosa, kaya naiinis kapag walang magawa.
Ang hirap ipaintindi sa sarili na ayos lang na itahimik muna ang utak pero kasi, bakit nakakakonsensya? Nasanay na lang siguro ako, saklap.
I have so much love, care, and compassion to give. Totoo ito. Nag-uumapaw pa nga. Ngunit, totoo din naman na wala akong kapangyarihan gawin ang lahat. Kaya matagal din bago ako naging mabait sa sarili ko (hanggang ngayon, hindi iyon mai-aalis sa akin… nasa sistema ko na yata).
Pero, kahit mahirap, sinusubukan kong… kumawala sa maingay kong isip. Buhol-buhol eh. Minsan, hinahayaan ko na lang ang sarili kong huminga tsaka ko naiisip na “ito lang pala ang kailangan ko.”
Ang hirap din kasing kalabanin ang sarili. Kaso wala rin namang choice. Kailangan lumaban pero hindi naman ito magagawa kung magulo ang utak. Matagal bago ko natutunan ang kahalagahan ng pagpapahinga ng utak at katawan. Kailangan ito para makabangon muli. Kahit papaano, I needed to touch some grass, to be one with nature. Para sa sarili ko, sa mga pangarap ko, para sa pagmamahal na gusto kong ibuhos… sa pamilya, kaibigan, at kung kanino man.
Ang damo ay berde kahit saan. Hindi ko lang nakita noon dahil sa maingay, maulap, at okupadong utak at paligid. Masaya ako, kontento… ngunit bilang ambisyosa ay nangangarap pa rin naman. Ang kailangan ko ay ako upang makita ang opurtinadad sa lahat ng bagay.
Mahirap pa rin itatak sa utak pero ang hakbang na ito ay isa sa mga bagay na panghahawakan ko. There are so much things to look forward to because grass is green everywhere. Tahimik, payapa at kalmado. Kailangan lang natin lumingon paminsan-minsan at pagkatapos ay laban muli! Para sa pag-ibig.
Sabi nga ng Spongecola, “Gumaganda ang paligid kung bawat tao ay puno ng pag-ibig… oh, kay gandang isipin, ang isang mundong puno ng pag-ibig.” ✨💌
(through gritted teeth) there's so much to learn (through sobs) there's so much to learn (through maniacal laughter) there's so much to learn (through sleepy eyes) there's so much to learn (through a tired smile) there's so much to learn
Oh, Kafka, we’re really in it now …
im so unstable hahahaha this is bad
"A Shirt Made of Fire", Vardges Petrosyan (translated by metamorphesque)
bukang-liwayway
inasam ko ang mga araw na katulad nito.
mga araw na masaya gumising sa malamig na simoy ng hangin at makakaidlip muli pagkatapos lamang nito.
mga araw na hahabulin ang alas-diyes ng umaga para maabutan ang breakfast meal ng jollibee o mcdo—can never go wrong talaga.
mga araw na bigla na lang maiisipang linisin ang bawat sulok ng kwarto na mauuwi sa pagbabalik tanaw sa mga anik-anik na nakikita habang nagliligpit.
mga araw na hindi nakakatamad gumawa ng mga bagay para sa sarili—gaya ng pagligo at pag-aayos.
mga araw na ayos lang maghintay nang matagal upang mapuno ng pasahero ang UV Express. at kung sswertehin pa nga, may makakatabi ka pang kakwentuhan na lola o cute na bata!
mga araw na kumakain ng tanghalian habang naririnig ang laugh track ng noontime show na nanggagaling mula sa tv ni nanay.
mga araw na masarap mag-siesta at magising na may linya-linya ang braso at mukha.
mga araw na masarap mag-merienda ng fishball, kikiam, cheesesticks, at binatog na paborito ni tatay.
mga araw na nakadungaw lang sa labas ng terrace nang walang iniisip.
mga araw na maaabutan na ang dapit-hapon. mga araw na ganito. kalmado at sigurado. mabagal pero masaya ang ganito.
salamat sa mga araw na ito, maraming rason upang asahan ang bukang-liwayway.
◡̈ ༘ *
Brief Poems, Vera Pavlova
invisibly heavy
sometimes i think i know too much of what i should not know in the first place now, i feel like i should do something about it it creeps in my skin, now lives in my shadows but, i still gladly accept words and people and emotions because i grew up thinking that's how life works out for me for as long as i can take the invisible burden; for as long as i can tell myself it's not for me to worry about unless otherwise stated; for as long as i can. i will carry the invisible burden.