Papuri sa Diyos (Blessed Trinity Mass)
Papuri sa Diyos sa kaitaasan At sa lupa’y kapayapaan sa mga taong kinalulugdan Niya Pinupuri Ka namin, dinarangal Ka namin, Sinasamba Ka namin, ipinagbubunyi Ka namin Pinasasalamatan Ka namin sa dakila Mong angking kapurihan
Panginoong Diyos, Hari ng Langit, Diyos Amang makapangyarihan sa lahat Panginoong Hesukristo, Bugtong na Anak Panginoong Diyos, Kordero ng Diyos, Anak ng Ama Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan Maawa Ka, maawa Ka sa amin
Tanggapin Mo ang aming kahilingan Ikaw na naluluklok sa kanan ng Ama Maawa Ka sa amin
Sapagakat Ikaw lamang ang banal Ikaw lamang, ang Panginoon Ikaw lamang, O Hesukristo, ang kataas-taasan kasama ng Espiritu Santo sa kadakilaan ng Diyos Ama, Amen














