Kwentuhan Blog #2
Hello guys! Grabe buti nalang at mabait si Sir Jun kahit na medyo madami ang mga tanong ko ay di parin siya nag alinlangan na bigyan ako ng mga kaalaman tungkol sa kung paano nila inaaksyunan and mga ganitong sakuna o panganib. Matapos namin mapagkwentuhan at matukoy yung mga sakuna o panganib na nanagyayari sa Brgy. Muzon ay napagusapan naman namin detalye ng mga ito. Una ay nakwento ni Sir Jun na ang pagbaha ay mas nangayayari sa Italia (isang subdivision sa Brgy. Muzon) dahil doon umaagos ang tubig, nakwento rin ni Sir Jun na sa tuwing may mga panganib ay agad silang rumerespunde lalo na pag may mga riot o gulo ng mga kabataan. Sabi niya ay tatlo sa mga kabataang ito ay naikulong na dahil sa mga napipinsala nito, nag sagawa naman daw sila ng Curfew Hours kung saan pagsapit ng 10:00pm ay huhulihin o sisitahin na ang mga minor de edad na pagala-gala parin sa kalye ng Brgy. Muzon, at maging sa ibang mga barangay. Kapag naman nagkakaroon ng kalamidad o sakuna ay labis na naapektuhan ang ilang mga mamamayan ng Muzon kaya ginagawan ng paraan ito ng mga Barangay officials kagaya ni Sir Jun. Nakwento niya na meron silang DTI "Negosyo Serbisyo sa Barangay" kung saan ay nagbibigay sila ng kabuhayan o panimula sa mga mamamayang hirap makabangon dahil sa pagkasalanta o kalamidad. Tinutulungan din nina Sir Jun ang mga mamamayang nasiraan ng bahay sa pamamagitan ng pag bigay ng mga materyales na kanilang magagamit sa pag ayos at pagbuo muli ng kanilang bahay. Nagiging hadlang man daw minsan ang pagkadelay ng mga tulong dahil sa malayo ang Brgy. Muzon, ngunit sinisiguro parin nina Sir Jun na matutulungan ang lahat at mabibigyan sila ng mga relief goods pag mayroong sakuna. Natuwa rin ako sa sinabi ni Sir Jun na kahit maliit ang Brgy. Muzon ay napabilang parin ang barangay na ito sa may maayos na evacuation center lalo na pag may mga kalamidad. Naging maikli lamang ang aming kwentuhan dahil sa busy schedule nina Sir Jun, ay marami parin siyang naibahaging kaalaman para sating lahat ^_^

















