Erika's multiply post: 10012009
sa loob ng ilang buwan, linggo, araw, oras, minutong iginugol ko sa mundo na kasama kau.mas nauuna ko pa kayong makita kesa sa kapatid ko. mas nauuna ko pa kayong makausap kesa sa magulang ko. at sa 16yrs kong nabubuhay sa mundo, ngayon pa lang ako gagawa ng blog, na magaappear sa google pag nagsearch ka kung may kaugnayan dito.
pasensya na at gumawa pa ako ng isang katulad nito, pero ngyn lang ako sinipag para magpahayag ng isang bagay na lahat kau ay makakabasa. hindi ito ang mabisang paraan para ipaalam mo sa lahat ng tao ang nasa isip mo, (kaya hindi ako naniniwala sa kapangyarihan ng chat at internet) una dahil hindi mo alam ang dapat na tono na gamitin mo sa pagbabasa, marahil sa pinapahayag kong ito ay seryoso ang tono ko at ikaw na nagbabasa ay binabasa ito sa isip mo ng palabirong tono, sa ganito ay magiiba ang kahulugan. enuf said. nagiging boring na itong sinusulat ko. wala naman din kaugnayan ito sa gusto kong ipost sa blog site natin.
balik ulit ako sa umpisa. sa loob ng ilang buwan na magkakilala tayong lahat, hindi lahat ay nagkakausap pa. nagugulat ako paminsan minsan kapag merong hindi pa nakakaalam ng pangalan ng isa. weird diba. siguro para sa akin lamang dahil sa alam ko na ang pangalan ninyo nung mga naunang araw pa natin dahil nadin kasama un sa job deskripsyon ko.
nakakatawa lang kapag ako ay "nagre-re-minis" ng mga bagay bagay tungkol sa ating klase. nakakatuwa kayong panoorin lahat. despite sa lahat ng masasamang bagay bagay na nangyari sa atin.
1)kapag naiirita kayo, bakas sa mga mukha ninyo ang ibat ibang expresyon kapag naiinis kayo.
2) kapag may gusto kayong ishare kapag natutuwa kayo.
5) kapag pinapakita ninyo kung sino nga kayo
6) kapag may ayaw at gusto kayong bagay
in short tingin ko sa iba ay baby. nakakatuwa tlga kaung lahat sa ibat ibang sitwasyon.
whenever im standing in front, i always see different people who wants to say something. well everybody always have something to say. but not everyone can express whatever they need to say. (tama ba ang grammar ko?)
siguro at this point mambabasa ay napapaisip ka na kung ano ba tlga ang gusto kong sabihin. well, mababaw ang luha ko. matagal ko ng iginugugol ito sa isipan ko bago matapos ang termino ko. sabi nga nung former CSC president, : "hindi porket presidente ka ay dapat matalino at role model ka. Hindi ako matalino, at hindi din ako role model. estudyante ako. at parte ng buhay ko ang gawin ang mga normal na ginagawa ng estudyante. *ang mangopya ng hw, ang hindi magaral pag may quiz, ang mangopya, ang dumaldal, ang matulog sa klase, mag vandal, gumawa ng kalokohan, gaguhin sa isip ko ang mga guro."
kaso gusto ko sanang idagdag sa mga sinabi nya na "parte din ng buhay ng estudyante ang magisip at pumili ng desisyon"
grabeh erika ang emo at korny na ng sinasabi mo. hmmm
sa eskwelahang pinanggalingan ko, ang trabaho ng isang presidente ay higit pa sa nakikita at di nyo nakikita ngyn sa akin. masyadong dibdiban ang trabaho nila. kargo ng presidente ang lahat ng nangyayari sa loob ng klase, kumbaga kung maingay ang klase ay kasalanan na nila un. at hindi ako sang ayon doon. kaya nga nabanggit ko na wala akong pake elam na sa klase. pero dala lang iyon ng bugsong emosyon. pero ritwal nadin namin ang magpahayag or magiwan ng isang bagay na sa tingin mo ay maitutulong mo sa kaklase mo. at bilang presidente, sa tingin ko paalala lang ang mabibigay ko.
sana sa darating na mga panahon. ay ang iba ay wag na sang maging :
1) PREJUDICE. --- from the roothword of "pre -1st" & "judge" (guys, we are psych students, hindi ko naman sinasabi na karirin nyo ang pagiging psych students pero some maturity in the actions we express, kapag ayaw natin ang isang bagay, as much as possble stop making LOAD EXPRESSIONS. hindi umiikot ang mundo sa atin. kung ayaw mo man. just keep it to yourself. hindi kasi lahat ng tao nakakaintindi sayo. babagsak lang tau sa MISUNDERSTANDING
2) BABY --- one to two years from now we will start to have our practicums. hello guys, haharap na tau sa totoong mundo. at ang mga propesor natin ay hindi hs teachers. mga doctor, MA, phd na yang mga yan! mas malaki pa ang ginastos na pera nyang para makapag aral sa buong tuition fee natin noon hs. sana ay iwan na natin ang iba nating mga bisyo nung mga hs tayo.
3) BIG BIG LOSER --- hello, kung gusto mo sirain ang buhay mo, go fuck yourself. lahat tayo ay may rason kung ano ano ang nangyari sa mundo natin, kung bakit tayo bumabagsak, kung bakit ganyan tayo kumilos, pero sbi ko nga, hindi umiikot ang mundo sa buhay natin. dont let outside force turn your world. ako ay naniniwala na may dalawang tao lang sa mundo. isang DOER at isang LOSER (woah! erika! ang yabang mo naman, napaka dali sayo isipin ang ganyan) oo sige na, pero kahit ano mang dahilan ang meron ka, naghiwalay magulang mo, hiniwalayan ka ng gf/bf mo. pinagalitan ka ng magulang mo, nawalan ka ng pera, o kung ano man SO WHAT! hindi lang yan ang nangyayari at mangyayari sa buhay mo. WAG KANG GAGO! lahat ng MANGYAYARI SA BUHAY MO AY MAGSISIMULA SA KUNG PAANO KA UMINTINDI.
at dito nagtatapos ang kadramahan ko, dadating ang araw buburahin ko din to kasi makokornihan ako sa sarili ko, im not a fan of blog. :D good day.