God Bless, Barangay Canlubang! Kaisa ako 👌🏻 ’wag tayong #BOBOtante ✌🏻🤭 ikaw!!! ‘Wag kang tamad! Tumayo ka at bumoto 👊🏻 Ang lakas mong magreklamo tamad ka naman 🤮 #2018BarangayElection 🗳 (at San Ramon Elementary School)

seen from United States

seen from Sweden
seen from China

seen from United States
seen from United States
seen from Spain
seen from China
seen from United States

seen from United States

seen from Netherlands

seen from Sweden

seen from Russia

seen from Russia

seen from Malaysia
seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from China
seen from China
God Bless, Barangay Canlubang! Kaisa ako 👌🏻 ’wag tayong #BOBOtante ✌🏻🤭 ikaw!!! ‘Wag kang tamad! Tumayo ka at bumoto 👊🏻 Ang lakas mong magreklamo tamad ka naman 🤮 #2018BarangayElection 🗳 (at San Ramon Elementary School)
Naloka ako kanina. Alas-sais pa lag ng umaga nasa Fortune Elementary School na kami. Nahanap na namin yung precinct no. namin sa Precinct Finder ng app na Halalan2016. Walang hassle para samin ng tatay ko. Magkahiwalay kami ng kwarto. Wala pang 30mins tapos nako. Pinuntahan ko yung tatay ko sa waiting area. Nag-antay ako. 30mins. 45mins. 1hour. *putek. Isang oras na, dun pa rin siya nakaupo* Nag-obserba ako. Hindi nauubusan ng tao yung precinct room, pero hindi gumagalaw yung pila sa waiting. Hindi na tama to. May tatlong buntis na nakapila. Lagpas sampu na senior. Tangina nung nagbabantay. "Ate. Tanong ko lang, anong policy niyo dito?" Nag-explain siya. "Ate. Kasi six palang andito na kami ng tatay ko. Wala pang 30mins, tapos na ko. Isang oras mahigit nang nganga yung mga tao sa kabila. Yung tatay ko, isang oras mahigit ng nakaupo sa upuan na kinauupuan niya. Pa-explain pa po. Magkaiba ata yung policy niyo sa policy dun sa kabilang kwarto." *galit nako* "Ano pong gusto niyong sabihin???" *tangina. Mainit* "Ang ibig Kong sabihin, wag naman makapal ang mukha niyo na magpapasok agad agad dahil lang kamag-anak o katsismisan mo. Wala akong pake kung kapatid o asawa o ano mo yan. Papilahin mo yan. May buntis, may matanda at may lagpas trentang tao pang nakapila dun." "Wag kang mag-iskandalo dito. Wala kang patunay." "Edi, pumunta tayong tatlo ngayon sa waiting area. Itanong natin sa mga nakapila kung nakita ba nila yang taong yan, isama na natin yung mga pinapasok mo pa kanina. Itext mo! Para malaman natin kung sinungaling ako." Galit na din siya. Yes! Namula na siya. May dumating na may ID ng BEI. Nag-explain ako. Todo deny sila. Pumunta kaming apat sa waiting area (BEI, pollwatcher, ako, yung kamag-anak) Nagalit lahat ng nakapila. I won. "Pila ka dun o. Dun yung dulo." Sabi ko sa kamag-anak. "Hindi na ko boboto. Walang pag-asa ang Pilipinas." "KUNG KAGAYA NIYO LAHAT NG PILIPINO. WALA TALAGANG PAG-ASA ANG BANSANG TO!!!" Pinalitan yung pollwatcher. Wala pang isang oras, natapos ng bumoto tatay ko. Nagsorry sakin yung BEI. Ayun. Tapos na.
Grabe naman KathNiel fans! Kung mag-rerevenge kayo, galing galingan niyo naman. Gamitin ang utak, wag puro hate. Hahahahaha. 😂😂😂 Tawang tawa ako e.
Pag hindi kinasuhan ang KathNiel, may saltik talaga ang utak ng gobyerno ng Pilipinas. 🙄
Botante nga kayo pero wala kayong alam sa rules? So shut up na lang kayo. 😂
Limang oras na mula nung nakita ko sa Facebook kung sino ang sinusuportahan nilang kandidato sa pagkaPresidente.
Nakakatawa lang na kung sino yung mga taong tinanong ko noon tungkol sa LGBT community, sila ngayon ang sumusuporta sa isang kandidatong nakalimutan na ata ang Sampung Utos ng Diyos.
Yung mga taong nagsabi sakin na “dalawa lang naman ang ginawa ni Lord, babae at lalake…”, sila to ngayong nakalimutan ang Profanity (curses at the Pope, given that they are the people who goes at the corner whenever the group goes wild), Murder (extra judicial killing), Adultery (“aanhin ko ang armas ko, e wala naman nakong asawa”), conveting thy neighbor’s wife (kissing random women).
Siguro nga may iba’t iba tayong dahilan at paniniwala. Pero mukhang dahil sa “hype”, e nakakalimutan na ng ilan ang tinatawag na prinsipyo.
Sa twing sasagutin ako ng ibang tao ng “tignan mo ang Davao..” Napapatanong ako ng, “kung si Gordon kaya tumakbo ulit sa pagkaPresidente, ang Davao pa rin kaya ang ibibida nila? Di hamak nman na mas maunlad ang Subic kesa Davao.”
Hindi ko masabing kabobohan lang ang lahat ng nakikita ko ngayon, pero hindi nga ba?? Sabi ng ilan, “masyado kang matalino gaya ng sinusuportahan mo, ibaba mo ang sarili mo at tignan mo ang mahihirap”. Oo, sige, sabay natin silang tignan, sa palagay mo sino ang pinaka magiging biktima kapag nawala ang “due process”? Kapag bigla na lang kinasuhan ang isang tao dahil “malakas ang kutob nila”? Sino sa palagay ko ang pinaka unang maapektuhan kapag ang mga karatig bansa natin ay tuluyang inalis ang “investments"? Akala mo sila??? Hindi. Kundi yung mga batang gustong mag-aral, pero yung magulang nila, nasistensyahan ng kamatayan dahil “siya ang nakita nila”. Yung mga kabataang dapat pag-asa ng bayan, pero papatayan ng pangarap. Yung mga bagong graduate na hindi makakahanap ng trabaho dahil wala ng trabaho. Lahat tayo magiging mahirap. Lahat. Tayo.
Napapaisip din ako, kapag kaya nagkaroon ng martial law sa Pilipinas, saan ko kaya unang makikita ang mga taong ito? Sila kaya ang unang magsasaya? Sila kaya ang unang magtatago? O sila kaya ang unang aalis ng bansa? Pakisabihan na lang ako.
Sa kabi-kabilang pananakot ng ibang taong “keyboard warriors” sa mga taong nagbibigay lang ng impormasyon, ano kaya ang unang naiisip ng mga supporters pero hindi keyboard warriors? Nakaka-proud ba? Pakisabihan ako.
Nakakatakot, bilang isang taong nakakatanggap ng “sana marape ka, pero dapat si mayor ang mauna, ako ang susunod”, “madukutan ka sana ng adik”, “adik ka ba? Papakulong kita” at “kala mo di kami pumapatol sa babae, putangina ka, masyado kang matalino, gago, dun ka sa Harvard, ulol.”, nasaan na ang hustisya para samin?? Ano ang pinagkaiba niyo dun sa lalake sa FX na minumura niyo? Nakakatawang kayo ang pinakaunang naging concern sa mga bata, pero kayo tong hayok na hayok sa dugo. Kating kati kayong lahat na mamatay ang mga taong hindi umaayon sa inyo.
May kanya kanya tayong opinyon, pero bakit kabobohan at puro pananakot ang sinasagot niyo kapag nagtatanong kami ng maayos? Nasaan ang utak niyo??? Pakihanap sa Google map.
Sa mga taong puro pananakot lang ang kayang isagot sakin, mukhang kayo ang una kong makikita ko sa kulungan. Mga mukha kayong Tamod.
Sa mga taong hindi man ginawang magresearch, at umayon lang sa sinabi ng “lider”, muli, pakihanap ang utak. Nagmamakaawa ako.
Sa mga “lider”, nasaan ang paniniwala, prinsipyo, at mga tinuturo niyo?? Nasaan ang “free will” ng mga tinuturun niyo?
Nakakalungkot lang. Nakakawalang tiwala. Hindi ko na alam kung maniniwala pa ko sa tuwing may gustong magturo sakin ng Salita ng Diyos. Naisasabuhay ba talaga nila yun?
Siguro nga, kapag nagkaZombie Apocalypse sa Pilipinas, magugutom lang ang mga Zombie.
Halalan101
Friend: Sino iboboto mong Presidente?
Ako: Yung walang tv ads.
Ban Aldub & Eat Bulaga
Please? At least until the elections in 2016. After the election, I don’t care if you’ll have 24 hrs EB on tv.
Why? Because unfortunately, Tito Sotto suddenly took the no. 1 spot in the senatorial survey. Crap! We’re doomed!
Wag na tayo magtanga-tangahan dahil alam naman natin kung bakit. Wag na rin mag-deny. Hindi naman lahat ng pinoy ay bobotante na madaling nauuto. Sadly, marami pa rin talagang bobotante. Come on, you should know already why they wouldn’t let aldub endorse any politicians including Sotto. Hindi na kailangan. Nakadikit na ang Sotto sa EB at Aldub. They don’t need to fucking pay Aldub to endorse Sotto because it is already an automatic endorsement.
This man topped the survey! This man who is always present on EB but you will never hear of his senatorial works. Minsan na nga lang magtrabaho sa senado, plagiarism pa ang ginawa.