Madam Miriam Defensor- Santiago
Bilang first time voter, nalungkot, nanlumo, naiiyak pero pinipilit na hindi, nanghihinayang ako sa resulta. Ang ginang na nasa larawan, rumangko ng ikalima- panghuli sa Halalan ngayong taon 2016.
Nung unang beses nyang sabihin na tatakbo sya, wala na kong ibang inisip kundi siya na talaga Presidente ko. Bakit hindi? Alam ng lahat ang sagot. Nasa kanya na ang lahat na pwedeng taglayin ng isang Presidente: Academic, Professional and Moral Excellence. Tanga lang ang kukwestyon sa lahat ng 'yan. Sorry pero oo, tanga lang. Kasi kahit anong search niyo, kahit saan mang site yan, 'yang binoto niyong Prresidente hindi malalamangan ang narating ng Presidente ko.
Hindi ako kailanman namilit sa kahit kanino na iboto si Madam MDS. Pero sya na ang 'Best Solution" sa Inang Bayan mong may sakit aat hindi mahanapan ng solusyon. Kung sasabihin mo sa akin ngayon na hindi siya maaaring maging Presidente dahil lang sa may Cancer sya pwes ngayon pa lang pumunta ka na sa Hospital na may Cancer patients at sabihin mong hindi na nila pwedeng gawin ang mga bagay na gusto nila dahil nga kasi, may Cancer sila.
Harap harapan kong nakikita ngayon, simula kahapon ng ala-sais ng hapon hanggang ngayong umaga 7:25 ang bilang ng botohan. Harap harapan kong nakikita ang pagkatalo at pagkasayang ng tsansa ng bansang ito na magkaron ng Presidenteng kahit kalian hindi na tayo magkakaron. Nanguna pa sa listahan ang mga laantarang nagnakaw! Mga lantarang nandadaya! At ang sarap uumiyyak dail don, isang Miriam Defensor Santiago ang sinayang ng ilang milyongg (bilyon) botatnte.
Iniisip mong mamamatay sya, pero hindi mo iniisip ang Inang bayan mong unti unti na ring namamatay. I've always dreamt of the Philippines having you as tthe best President we could ever have, but after what happened I'm now convinced that the Philippines doesn't deserve you. Sorry. On my last thoughts, if she can't heal this Country through her greatness then God just please heal her Cancer instead.
Kung may magaganap mang final rally, please God, let me come. To cry, to grieve, to shout for my President standing brave, straight and strong above this dying Country.