Involvidable Momento
Bawat tao ay mayroong mga karanasang hindi malilimutan na kung saan ay kanilang babaunin hanggang sa kanilang huling hininga. Katulad ko, ako rin ay mayroong karanasang aking panghahawakan na magbibigay sa akin ng kasiyahan tuwing ito’y aking gugunitain. Nais mo bang malaman ang aking inolvidable momento? Halika’t ating basahin ang aking blog ukol dito.
Simple lamang ang mga karanasang aking hindi malilimutan. Ang mga araw na kasama ko ang aking pamilya at kami’y nagkakasiyahan ito’y aking pinahahalagahan. Dahil wala ng tatalo pa o hihigit pa sa mga panahong kasama ko ang aking mga mahal sa buhay. Hangga’t kasama ko sila at kami’y nagkakasiyahan ang karanasang ito ay nagbibigay kulay sa aking buhay.
Ang litratong ito ay kinuhaan noong ika-3 ng Disyembre ngayong taon sa Lucky Chinatown. Ang araw na ito ay isa sa mga hindi ko malilimutan na karanasan kasama ang aking tatlong kapatid. Kami’y ay namili ng mga pangregalo para sa pasko. Hindi lamang pamimili ang aming ginawa dahil kami rin ay nag-”food trip”. Ang araw na ito ay puno ng mga tawanan, harutan, biruan at iba pa maliban sa pamimili.
Ang litrato namang ito ay kinuhaan noon kaarawan ng aming lolo. Kasama ang aming isang pinsan na para na rin naming kapatid. Ngunit anim lamng kaming magkakapatid ang nasa larawan dahil ang isa kong ate ay nagtatrabaho sa isang “international cruise ship”.
Tuwing bakasyon kami’y ay laging mayroong “outing”.
Ito ay litrato noong bagong taon kasama ang aking ama’t ina at lolo ngunit wala ang aming pangalawang babae dahil tulad ng aking sinabi siya ay nagtatrabaho sa “international cruise ship”.
Ito naman ay ltrato naming buong magkakapatid. Ito ay kinuhaan noong umuwi sa Pilipinas ang aming pangalawang kapatid at napagdesisyunan na kumain sa Dad’s buffet at pagkatapos ay mamasyal sa MOA kasama ang aming ama’t ina.
Ang huling litratong ito ay larawan naming buong pamilya na kumpleto.
Ilan lamang iyan sa mga karanasang kasama ko ang aking pamilya na masasabi kong aking “Inolvidable Momento”. Aking masasabi na ang mga karanasang ito na kung saan ay nakakadama ako ng kasiyahan ay aking hindi malilimutan.











