“Extrajudicial Killings“ sa ating bansa
Sa ating bansa ngayon laganap ang kaliwa’t kanang balita ukol sa mga namamatay sa “war on drugs”.
Ayon sa UN Committee mayroon nang 2,294 na tao ang napatay sa “war on drugs” habang 1,566 na tao ang pinatay umano ng mga pulis sa operasyon simula ika-1 ng Hulyo. Sa kabuuan mayroon ng 3,860 na indibidwal ang napatay sa ilalim ng administrasyong Duterte ukol sa operasyon laban sa droga.
Makatarungan ba ang mga pangyayaring ito na nagaganap ngayon sa ating bansa? Dapat bang ipagpatuloy ang walang habas na paglaki ng bilang ng mga namamatay sa operasyong ito?
Marami na ang tumututol at umaalsa laban sa operasyon na ito ng administrasyong Duterte. Dahil ito ay labag sa karapatang pantao ng mga mamamayan.
Marami na ang mga nauulila na kamag-anak dahil sa operasyon na ito. Hindi mauubos ang laganap na pagpatay sa mga tulak ng droga kung hindi matitigil ang mga drug lord sa ating bansa.
Ayon kay Pangulong Duterte na ang mga pusher ay hindi tao at kailangang patayin kaagad. Makatarungan ba ang pahayag na iyon? Hindi ibigsabihin na ang isang taong tulak ng droga ay hindi na agad tao. Lahat tayo ay gawa ng Diyos at siya lamang ang mayroong karapatan na kumitil o kumuha ng ating buhay. Sagrado ang ating mga katawan at buhay dahil ito ay kaloob sa atin ng Diyos. At labag ang pagpatay sa sampung utos ng Diyos kaya’t kailanma’y hindi magiging makatarungan ang operasyong ito.
Nawa’y matigil na ang karahasan na ito sa ating bansa. Nawa’y maliwanagan ang mga nakakataas sa gobyerno na itigil ang extrajudicial killings sa ating bansa.












