Hug me and I'll hug you back tighter.
-JM

seen from United States
seen from China
seen from Bulgaria
seen from China
seen from China
seen from India
seen from Brazil
seen from China
seen from United Kingdom
seen from United States
seen from China
seen from United States
seen from Japan
seen from United States
seen from Poland
seen from China
seen from Türkiye
seen from China
seen from Türkiye

seen from Türkiye
Hug me and I'll hug you back tighter.
-JM
Magkabirthday pala kami ni boyintsik! Paborito ko to sa mga suot nyang damit eh. Porma kung porma. Kala mo David Guison haha. Happy birthday!
Sa gitna ng kontrobersiyang kinakaharap ni Anne Curtis,
"Braso sa Noo Movement" a colaborative photo of different tumblr people you know
featured user
fuckyeahchaxelos
harbilog
jcbuenaventura
boyintsik
hotnurse
whattadeuce
kristofferawr
diaryofawimpyneil
nhadlovesyou
justicefreedom
yourleadingman
israelmekaniko
Tumblr Serye Batch 4 Presents: Ala-Ala ng Nakaraan
Malapit ng magsimula ang sembreak, malapit nanaman akong makalaya sa sakit ng ulo ng ikswelahan, sa wakas! natapos din ang kalbaryo ko sa mga malulupet na proffesor, matitikman ko na rin makatulog ng walong oras. gumising ng kahit anong oras kong gustuhin, at syempre tumambay kasama ng tropa na walang iniisip na exam o deadline na project na ipapasa. last 2 days nalang tapos na ang sem na to. makakalaya na din ako.
ako nga pala si JM, dalawampung taong gulang, isang college student dito sa ilo-ilo. may katangkaran, mahilip pumorma at mahilid mag shades. pero wlang kinalaman dito ang kwento ko sa inyo ngayon. kwento ito ng isang misteryosang chicks na matagal na akong nahihiwagaan, madalas kami nagkikita pag na titiming-an na ako ang bantay kay lola sa ospital. syempre dahil may pasok ako, di ako gaano nakakadalaw kay lola, pero ngaoyn na malapit na ang sembreak pwede na akong magbantay at para makilala ko na din tong chicks na matagal ko ng gustong pormahan.
nag simula ito nung isang araw, nung dumalaw ako kay lola, mag iisang buwan na syang nakaratay sa ospital. Walang malay at nasa state daw ng coma. Mahal na mahal ko ang lola, sya ang nag alaga sa akin mula nung bata pa ako. Kaya kung may pag kakataon, palagi akong dumadalaw sa kanya. At humihiling sa isang araw ay magising na sya.
halos mag aalas dose na ng gabi noon, nong makarating ako ngf ospital. walang masyadong pasyente noong mga panahon na yon mabibilang mo lang sa kamay mo ang mga kwartong may laman. syempre dahil sanay na ako sa ganitong eksena, tambay nalng ako sa labas, nag papahangin. nakaka bagot naman talaga kasi sa ospital ewan ko ba kung pano nakakatagal ang mga tao dito. sobrang tahimik, kulay puti pa lahat. nakakakilabot na nga minsan
bumaba ako sa common area ng mga pasyente. open area ito parang maliit na garden sa gitna ng ospital. dito madalas nag papasama dati ang lola pag naiinip na din sya sa kwarto nya bago pa sya ma comatouse. pero dahil gabi na, wala ng tao duon. wala ka ng maririnig kundi huni ng mga kuliglig. naupo ako sa isang bench at nag sound trip, pauwi na din naman siguro kami kaya minabuti ko an dito nalang mag hintay.
Habang nakikinig ng sounds, hindi ko maialis na parang may papalapit sa aking likuran. Pakiramdam ko mayroong kung anong nakatingin sa akin. Tumataas ang balahibo ko at kinikilabutan.
“JM tinatakot mo lang ang sarili mo” sa loob loob ko.
Tumingin ako bigla sa aking likod. At wala akong nakita. Sabi ko na eh guni guni ko lang ang lahat. Ngunit nabigla ako nga biglang may nag salita sa aking tabi.
“may kasama ka ba?” isang boses ng babae na bigla biglaaan nalang sumulpot sa aking gilid.
“Waaaaaahhhh!” napatili ako ng parang isang babae na nakakita ng ipis.
“Ginulat mo naman ako!, kanina ka pa ba dyan?” dagliang tugon ko sa kanya habang hawak hawak ang aking kumakatob na dibdib. Halos maihi na ako sa takot. Di ko siguro sya napansin nung lumapit sya sa akin.
“hindi naman kakadating ko lang” malumanay na sagot nya sa akin.
Nawala ang aking takot ng napatingin ako sa kanyang mukha, chicks na chicks ang dating, sobrang ganda nya. Nakasuot sya ng gown ng ospital, malamang isa sya sa mga pasyente dito.
Nakipag usap ako sa kanya at minabuti ko na ding tanungin
“bakit andito ka pa sa labas? Medyo late na ah?” pakiwaring tanong ko sa kanya habang tukop tukop ko pa din ang kumakatob kong dibdib.
“naiinip na kasi ako sa loob, at paburito ko ang lugar na ito” diretsong sagot nya sa akin habang nakatingin sa malayo.
“ahh kunsabagay, kung ako man yan, di ako tatagal ng nakahiga lang maghapon. Boring nga yon.” Pabirong sagot ko sa kanya.
“mayroon ka ba dyang gunting? Pwede ko bang mahiram?” tanong nya sa akin habang nakatingin sa aking bag.
“ay, wala eh. Aanhin mo naman?” naguguluhang tugon ko sa kanya.
“May pagagamitan lang ako..” sagot nya sa akin.
At habang busy ako ng pakikipag usap sa kanya, bumaba na sila mama at tinawag na ako. Uuwi na yata kami.
“Babalik ako sa isang araw, dadlhan kita ng gunting… oo nga pala ano nga pala pangalan mo?” habang patayo at hawak hawak ang bag ko.
Hindi nya ako sinagot bagkus ay Tumingin lang sya sa akin at ngumiti… WEIRD.
simula nung gabi na yon, hindi ko na maalis sa aking isipan ang kanyang itsura. Nakakahiya nga dahil napatili pa ako nung una namin pag kikita. Bawas pogi points kaagad un. Tsaka naka school uniform pa ako nun, hindi manlang ako nakaporma. Hindi ko alam pero parang may kung anong bagay na nagkukunekta sa aming dalawa, napakagaan ng loob ko sa kanya at parang nasasabik akong makita ko sya ulit.
Last day na ng klase ngayon at mamayang gabi pwede na akong sumama ulit sa ospital para magbantay kay lola. Syempre dapat handa na ako bago ako pumunta sisiguraduhin ko na poging pogi ako sa muli namin pagkikita.
Bago umuwi dumaan muna ako ng bookstore. Baka makalimutan ko pa ung gunting na hinihiram nya. Eto pa naman ang the moves ko para makausap ko ulit sya. Pagdating ng bahay, wala pa sila mama, nag iwan si mama ng note sa ref, mauna na daw ako, mayroon pa daw sila aasikasuhin nila papa. Badtrip naman sayang ang get up ko. Hindi manlang sila nag iwan ng pang taxi. So no choice. Mag FFX nalang ako papuntang ospital.
Matapos ang 2 oras na trapik nakarating na din ako, halos mag aalas onse na pala, makulimlim ang gabi at walang bituin, mukhang uulan pa yata. Nag text sa akin si mama na baka daw hindi na sila makapunta at didiresto pa sila sa isa pang dinner meeting ng papa pero susubukan pa din daw nila na makarating, pero kung late na da doon na daw muna ako mag palipas ng gabi. Mukhang ganon na nga ang mangyayari.
Dumiretso ako sa kwarto ni lola at ibinaba ang bulaklak na aking dala. Ganon padin ang kalagayan nya, hindi pa din sya nagigising at wala pa din malay.
lumapit ako sa kanya ay humalik sa pisngi “ lola, andito na po ang pogi nyong apo, hehe ” pabirong bulong ko sa kanya.
Matapos ang ilang minuto tumungo na ako sa labas habang bitbit ang gunting na hinihiram ng misteryosang babae na nakita ko kagabi. Sa kasamaang palad hindi ko pala naitanong sa kanya kung anong kwarto sya. Ano ba namang katanghan ang umiral sa akin, pano ko nalang ulit sya makikita? Pano nalang ulit kami mag tatagpo? Sayang naman ang porma ko, pinag handaan ko pa naman ang araw na to.
Naisipan kong tumungo muli sa garden kung saan una kaming nag kita. Halos mag aalas dose na noon. Tahimik at wala ng tao. Umupo muli ako sa bench at nag baka sakali na magkita kami muli. Ilang sandali pa sa hindi kalayuan, may naaninag akong isang babae. Papatay patay ang ilaw at medyo mahamog ng mga oras na yon kaya hindi ko nakita kung saang kwarto sya lumabas. Patungo ito sa aking kinauupuaan. Dahan dahan ang kanyang pag lakad. Diretso lang ang tingin habang papalapit sya sa akin.
Hindi ko maiwasan ang kilabutan. Pero sa kabilang banda, iniisip ko na baka sya na yon. At di nga ako nag kamali.
Umupo sya muli sa aking tabi.
“matagal na kitang hinihintay, buti naman at bumalik ka” pabulong na sabi nya sa akin.
“finals kasi namin kaya hindi ako nakabalik.pero ngayon ok na. hehe” maligalig na tugon ko sa kanya.
Ay oo nga pala eto na ung gunting na pinapadala mo sa akin, para saan mo ba gagamitin?
Hindi kaagad sya nakasagot. Niyaya nga akong maglakad, pumasok kami sa isang kwarto, hindi ko alam kung anong meron pero ewan ko para akong na eexcite na natatakot na hindi ko maintindihan.
Sa may kabilang sulok naupo kami sa isang upuan, hiningi nya sa akin yung gunting at ginupit nya ang isang patient tag na nooy nakasabit sa kanyang kanang kamay. Tumingin sya sa akin, at inabot ang eteketa na kanyang hawak hawak.
“JM! JM! Asan ka? Ang lola mo!” biglang may malakas na boses na sumigaw sa labas.
Sumilip ako at nakita ko si mama, nag mamadali sya sa kwarto ng Lola, iritable at mukhang may masamang nangyari, agad agad akong umalis at dali daling pumunta sa loob ng kwarto ng lola, nakapalibot sa kanya ang ilang nurse at mga doktor, nakita ko si mama na umiiyak habang nakayakap kay papa.
Nakunsensya ako sa nangyari. Sana pala ay di na ako umalis sa tabi ng lola, tumulo ang luha ko na hindi ko namamalayan. Parang sumabog ang dibdib ko ng sinabi ng doktor na wala na si lola, sinabi nya na ginawa na daw nila ang lahat pero Diyos na daw ang nag pasya. Mahal na mahal ko ang lola ko, di manlang ako nag karoon ng pag kakataon na mag paalam.
Makalipas ang ilang minuto, ng humupa na lahat ng tensyon, pinayuhan kaming lumabas ng kwarto para maayos na daw ang katawan ni lola, pumunta sila mama sa may nurse station para pirmahan ang ilang dokumento. Nawala sa loob ko na biglaan nalang pala ako umalis at hindi manlang ako nakapag paalam dito sa babaeng nakasama ko kanina.
Hinanap ko sya ngunit di ko na sya makita. Hindi ko na alam kung saan ba sya nag punta.
Naalala ko ung patient tag na binigay nya sa akin kanina, nakasulat doon ang pangalang “Nichole Sadia”
Umuwi kami sa bahay para ayusin lahat ng mga dapat ayusin, nakita ko si mama na nag bubuklat ng photo album para daw gamitin sa burol ni lola, lumapit ako sa kanya upang I damayan sya sa aming pagkawala. at habang nakaupo ako sa kanyang tabi. Nakita ko itong isang lumang larawan na biglang nag pakilabot ng buo kong katawan.
Tinanong ko kay mama kung sino itong nasa larawan? Sabi ng mama, yoon daw si lola nung kabataan nya. Tumaas lahat ng balahibo ko sa aking nakita…
Dahil kung di nyo na maitatanong…
Yung picture nung dalaga..
At ung babae na nakasama ko sa ospital…
Ay iisa...
At ang mas nakakapangilabot pa doon...
Nakasulat din ang pangalang Nichole Saida, eksaktong pangalan ng nakasulat sa patient tag...
na natangap ko kanina..
WAKAS.