PARA SA MGA CLINGY FRIENDS
Being clingy is not a negative thing. It only shows na sobra ka lang mag-alaga, magmahal at magpahalaga ng isang tao. Pero minsan, sa sobrang pagkaclingy natin, lumalampas tayo sa boundary ng friendship kaya minsan, nakakasakal na.
Ito ang ilan sa mga self-help rules na dapat tandaan:
"Hindi ka niya jowa. Friend ka lang". Bigyang diin ang "Friend ka lang" and repeat until fade. Iwasang magpapaka-clingy lalo na kung may jowa na siya.
Less clingy ka kung marami kang set of friends. Tandaan: The more friends you have, the more chances of flirting. :>
Ilugar ang pagiging demanding ng naaayon sa relationship status. Magkaiba ang jowa sa nagfifeeling-jowa.
There's a fine line between being clingy and being malandi ( sa paningin ng mga judgmental na tao sa paligid mo). Goodluck.
Wag mong karirin ang pamatay na linyang, "Andito lang ako lagi pag kailangan mo ako." Try mo rin minsan yung ikaw naman ang hinahanap-hanap.
Wag gawing hobby ang pagtatampo. Sa palagay mo ba nakakacute yan? Nagmumukha ka lang bipolar.
Igoogle-search ang word na "nakakasakal". Baka biglang lumabas sa search-result ang full name mo at lumabas sa image ang 2x2 ID picture mo.
Konting space lang ang kailangan niya at hindi yung buong mundo mo.
Baka kailangan mo na talaga ng lovelife. Minsan, may mga bagay talagang hindi kayang punan ng isang kaibigan na tanging sa pakikipaglovelife mo lang mararamdaman.
Tandaan na sa LRT mo lang pwedeng isiksik ang sarili mo. Ilugar ang katangahan lalo na kung wala ka namang ibang aasahan kundi "friends" lang.


















