Start of something new
Troy: “Now who'd of ever thought that... oh”
Troy & Gabriella: “We'd both be here tonight... yeah”
*sing with me*
Huhuhuhuhu
*flashback 2014*
Me: “Alam mo ba yung ‘Can I Have This Dance’ na kanta? Yung sinayaw natin sa Social Dance? HSM3!”
Ikaw: “Hindi ko pa nga napapanuod yung una non, ano ba yun?”
Me: “Wala kang childhood!!! Panuorin mo!!!”
Wala lang. Naisipan ko lang buhayin ‘tong blog kong magdadalawang taon nang patay at pilit nirerevive. Now, I’m coming back for real. <3 Kahit wala naman akong babalikan dito kasi inactive na yung significant other ng blog na ito.
Hirap naman kasing balikan ng blog *kinilabutan* na ‘to...
Ang hirap ding i-delete kasi you know, sayang. Two years ago inubos ko dugo’t pawis ko dito. Kakapalit ng theme, kakasulat ng blog, kakalagay ng mga links, kakaisip sayo, kakareblog at kakabasa sa mga sulat mo.
‘Di ba, ‘di ba!!!
Dalawang taon akong hindi makasulat kasi naiiyak ako, kasi masakit, kasi hindi ko tanggap yung katotohanan. Ngayon hindi ko na alam kung ano na lang ang mga nanatiling totoo...
Susubukan Gagawin kong tungkol sa akin ang blog na ito, hindi na tulad ng dati nitong sadya ngunit kailangan niyang umayon sa panahon dahil ngayon, ako na lang mag-isa. Wala nang taong sinusulatan, wala nang dahilan para mabuhay JK, magmula ngayon lahat ng laman ng blog na ito ay tungkol na lamang sakin at wala na dapat akong babalikan pa ngunit ang tanging paraan lang para maging maayos ang kasalukuyan ay ang ayusin ang nakaraan.
This is about closure. The closure that I wasn’t able to get. The closure I surely deserve.
Wala na si Girl Pag-Ibig, kasama siyang umalis ni Boy Pag-Ibig. Kung nasaan man sila ngayon ay natitiyak kong nakaukit yun sa nakaraan, at doon sila mananatili. At least doon, nakasisiguro akong naging masaya sila.
Ako nga pala si Iya, hindi ko na alam kung sino ako ngayon. Hindi na mahalaga, ang tanging mahalaga na lamang ay ang malaman ko kung ano na?
Ang mabuhay sa kasalukuyan kung laging ganito, sana hindi.
Hi @/self, ako ito, kilala mo pa ba ako? Sinusulatan kita ngayon para maalala mo. Simulan mo na ngayon.
Bibitaw na in 3... 2... 1...
*sabog confetti*
4/27/2016
C








