Isa pa sa pinakagusto ko sa kanya eh yung mga ginagawa nya pag galit sya. Walang Iloveyou, ramdam mong galit sya talaga. Pero dun ko din napatunayan na wala yan sa dami ng iloveyou, kasi tang ina, kahit di siya mag-iloveyou, dama ko saknya na mahal nya ako ng sobra. Yung puro "take care" lang mababasa ko. Puro "tutulog na ako" pero double send o minsan pa nga flood, haha, sinasabi nyang tutulog na sya para? Para lambingin ko sya, eh gustong gusto ko naman na nilalambing sya. Kaya pabor na pabor naman sakin yun. Tapos pag pinapatawag nya ako, edi sisigawan nya ako, papagalitan, ako minsan makikipagsigawan, nakakahiya na nga minsan, ako na ang may kasalanan ako pa ang mas galit. Kaya sa huli sya parin yung manlalambing sobrang sarap lang magmahal ng taong mahal ka. Katulad kagabi, kasalanan ko na nga na hindi ko mameet ang expectations nya, sya pa yung nagsorry kasi nageexpect daw sya. Alam mo yun? Ang sweet lang pag ganun ang mahal mo sayo. Sobrang sweet talaga. Tsaka pag-galit sya sobrang dami nyang sinasabi, minsan nakakasakit pero kadalasan nakakakilig. Parang kagabi galit sya sobra, explain explain, sigaw sigaw bigla na lang kumalma at sinabing ". .mahal lang kita kaya. ." taena kahit medyo naiirita na ako napangiti ako eh. Ewan ko ba shit. Sobrang nakakainlove na sya, yung buong sya. Alam mo yun, kahit galit sya nakakakilig parin sya. HINDI YUN NORMAL! Hindi talaga. ;))