05/16-17/13 Happy six months hahahaha. Matagal na naming naplano na magkikita kami, para makabawi siya sa mga ginawa nyang pamboboset sakin nung 14. Ayon, nung 15 palang gumagawa na sya ng way para mabwiset ako. Anak ng pota, ang liit liit na bagay, pinapalaki niya, ambabaw nya. Hanggang sa nakatulog at nagising ako kahapon eh inaaway nya ako. Ang point ng pang-aaway nya ay para magkaron siya ng dahilan para di na pumunta samin at para di kami magkita kahit monthsary namin. Lahat na ng pwedeng dahilan kung bakit hindi pwede nasabi niya at lahat ng mga pamboboset na trashtalks para maboset ako at wagna sya papuntahin, ginawa nya lahat para mag-away kami. Pero hindi ako naboboset ng sobra kaya sinusuyo ko parin sya, gusto ko kasi talaga sya makita. Hanggang sa nagtext sya about sa pagpapaalam na magdodota sya kasi may dayo at magoonline na lang para magkausap kami, kalmado na sya bigla na parang walang nangyayari, dun na ako nagstart mabwiset. Kakasama kaya ng loob na andamidami nyang reason para hindi pumunta dito tapos bigla nyang sasabihing may dayo at magdodota sya. Gago ba sya?? Galit na galit na ako, pati si Mame nasigawan ko, bago sya pumunta ng palangke. Natopscore ko pa nga yung 2fuse sa sobrang boset ko. Hindi pa nagrereply si Brix sa mga break-up msgs ko (panakot lang lol). Eh bwiset talaga eh. Pagdating ni Mame galing palangke, bwiset padin ako. Tapos may kasama, ... Si BRIX!!! Si Brix kasama ni Mame pauwi. Pota, napaghampas ko ang boyfriend kong hayop! Sobrang na surprise ako sakanya, nakakakilig sobra, may dala pang chocolate si luko. Hindi naman tama yung ginawa nya eh, leche sya. Hindi ko mapigilang ngumiti eh nung nakita ko siya. Bwiset, kinikilig talaga ako. Ahahaha. Hanggang ngayon nga pagnaiisip ko, kinikilig padin ako, hahaha. Edi yon, nagdota muna sya, gaya ng dati, kwentuhan lang kami, at nakapag 1-6 din naman. Hahahahahahahaha. 1-6 talaga eh. Bastaaa. Masaya. Magdamag na gising, dito siya ulit natulog. I mean, nagpaumaga pala, kasi di naman natutulog, nagmamagic pa siya eh. Hanggang 5:30am lang ako, nauna na ako natulog, hindi ko na nga alam kung anong oras natapos ang pagbbromance nila ni kuya jolols. 2pm na nung nagising siya, sobrang nakakakilig na yung mga sinasabi niya sakin. Ramdam na ramdam ko kung gaano ako kaspecial sakanya. Saraplang nung feeling nung may nagmamahal. :) 7:00pm na sya umuwi. :) Eto na yung the best na monthsary namin ever. :) May nalaman akong bago sakanya, malupit pala ang memory nya, hahaha, hindi to bago, alam kong matandain sya sa mga events andeverything, hindi ko lang ineexpect na sobra pala, parang magic eh. Hahaha, yung mga barcodes tingnan lang nya ng 3sec eh, saulo na nya agad. Hahaha mga ganon. Ang cool lang. :)) I LOVE MY STUPID BOYFRIEND. :)