I have a blog pala like this. Nakalimutan ko na ito. I thought yung isang tumblr (old) ang nag-eexist. Anyway, another entry to pour my heart out. Aminado naman akong di ako masulat na tao. Mas ma-salita ako. Mas gusto ko na sabihin na lang yung laman ng puso ko kaysa magsulat or magtype dahil nga digital na halos lahat. Ngayon, try ko na ibuhos sa blogging ang mga bagay-bagay.
Malapit ng umuwi ng Pilipinas si AJ. Super lapit na like in 2 days, bababa na sya ng barko. Sabik na akong makasama ang asawa ko. Ang kaso, dahil sa new strain ng COVID-19, mas matatagalan pa ang pagkikita namin. Nagkaroon kasi ng bagong protocol para sa mga incoming OFWs mula sa mga listed countries na may naitala nang infected ng new strain ng COVID. Mula sa dating pagkalabas ng swab test pwede ng umuwi ang mga balikbayan, ngayon kailangan na nilang mag-undergo pa din ng 14-day quarantine kahit na mag-negative na sila sa swab test. Nakakalungkot, nakakainip. Kasi yung abot kamay mo na sana, mauudlot pa yata. But, I know its for our safety. Kaya susunod na lang. Pero kung magagawan naman ng paraan na makapag-home quarantine na lang sya, mas ok yun. Ngayon, naghihintay ako ng balita mula sa kanya kung paano na ang mangyayari. Bahala na si Batman? No. Si Lord ang bahala.












