When you believe that being equipped is your Super Power. #Juanderjuaman #juanderHR #buhayhr https://www.instagram.com/p/CR-wW0anZBz/?utm_medium=tumblr
seen from Jamaica

seen from Canada
seen from Kazakhstan

seen from Italy
seen from United States
seen from United Kingdom

seen from United States
seen from Netherlands
seen from Türkiye
seen from United Kingdom
seen from United States
seen from Yemen
seen from Germany
seen from United States
seen from China

seen from Germany

seen from Türkiye
seen from United States
seen from Türkiye

seen from Spain
When you believe that being equipped is your Super Power. #Juanderjuaman #juanderHR #buhayhr https://www.instagram.com/p/CR-wW0anZBz/?utm_medium=tumblr
THERE IS NO LOYALTY WITHOUT OPPORTUNITY.
Isang HR Recruiter ang nagpacounseling sa akin kasi ilang gabi na daw siyang hindi makatulog. According to him, vacant ang position na HR Supervisor sa kanilang company. Matagal na niyang pangarap makuha ang position na iyon. Kung tutuusin qualified siya sa lahat ng qualifications. May 5 years experience working in HR Department, familiar with different HR functions, can conduct training and seminars, and able to supervise a group number of people. May isang qualification lang na hindi niya nakuha. Gusto kasi ng management ay tapos na ng Master's Degree or may atleast ongoing na sa graduate school.
Sabi niya marami naman daw nag-aapply online pero dahil siya ang recruiter nagagawa niya agad ideny ang application ng mga applicants lalo na kapag kumukuha na o nakatapos na ng Master's.
Tinanong ko siya kung bakit niya ginagawa iyon at ang sabi niya, "Malaking sampal kasi sa akin ang ginagawa ng company. Bakit kailangan manggaling sa labas ang magiging HR Supervisor eh nandito naman ako at matagal na ako sa company na ito,."
Sabi ko, "Siguro naman napansin ka nila kaso nga sablay ka doon sa isang qualification na gusto nila at 'yun ay 'yung masters."
Sabi niya, "Hindi naman importante ang Master's na 'yan. Kahit mag Ph.D ka pa kung wala ka naman experience sa work useless din 'yan."
Sabi ko, "Tama naman ang sinabi mo. Pero pagdating sa pagpapasya kung ano ang qualification ng taong ihahire 'yan ay bahagi ng kanilang managerial prerogative at wala kang magagawa doon."
Sabi niya, "I want that position! Ang tagal ko na sa company na ito wala pa rin nangyayari sa akin. Napakalaking insulto naman na ang magiging boss ko ay bago sa kumpanyang ito samantalang ako halos 8 taon na. I badly need this job, that position hindi lang dahil sa suweldo kundi para narin sa pride ko."
Sabi ko, "Gaya mo, they also need a job. Hindi nila kasalanan kung nakapag-aral sila ng Master's at ikaw hindi. Desisyon mong hindi mag-aral kahit kaya mo naman kaya hindi patas na ipagkait mo sa kanila ang karapatan nila sa posisyong iyan. Oo, naniniwala ako na hindi kayang tumbasan ng diploma ang karansan pero gaya mo may mga karanasan din ang mga aplikanteng nag-aapply sa position na iyon. Hindi naman sila mag-aapply kung alam nilang hindi sila qualified. Kung sa iyo kaya gawin iyang ginagwa mo sa kanila, ano kaya mararamdaman mo? Huwag mong isisi sa ibang tao ang hindi nila kasalanan. Desisyon 'yan ng management na kailangan mong igalang at sundin kahit gaano pa ito kahirap at kasakit sa part mo. Kung pakiramdam mo na naiinsulto ka sa mga nangyayari kausapin mo ang management about your interest in the position. Malay mo biglang magbago ang isip nila at ikaw nga ang ilagay nila. Now kung ayaw nila, magdesisyon ka kung mananatili ka pa sa kumpanyang iyan o hahanap na ng iba. Wala ding dahilan para manatili ka sa isang kumpanya na wala naman plano sa'yo. Naniniwala ako na ang katapatan ay tinutumbasan ng oportonidad. "There is no loyalty without opportunity". Pero hanggat empleyado ka sa kumpanyang iyan matuto kang sumunod dahil iyon ang sinumpaan mong gawin nung pumirma ka ng kontrata.
-HR DM
AGE DISCRIMINATION.
An HR manager called me this morning for a piece of advice...
Sabi niya, 'May applicant kami na pangatlong beses na niyang nag-aaaply dito sa company namin. Noong una, hindi namin siya hinire due to lack of experience. Noong pangalawang try niya over qualified naman siya doon sa vacant position. Ngayon 'yung skills niya at experience ay pasok doon sa hinahanap namin. Kaya nga lang eh lagpas na siya doon sa age limit. Below 30 kasi sana ang gusto namin. Nanghihinayang ako sa kanya kasi fit na fit siya for the job pero 'yung age niya kasi ang problema. Ano'ng gagawin ko?
Sabi ko, "Honestly hindi ko alam kung bakit nga ba may age limit ang mga trabaho. Actually ayaw ko nga siyang tawaging age limit eh, gusto ko siyang tawagin na age discrimination. Kahit may batas na laban sa age discrimination laganap pa rin siya sa ating bansa. Sabi sa Republic Act 10911 o Eliminating Age Discrimination in Employment: The Act prohibits: (1) Printing or publishing of any notice or advertisement relating to employment which suggests age preferences, (2) Requiring the applicant to disclose his/her age or birth date, and (3) Declining any employment applicant because of his/her age. Labor organizations are also proscribed from denying membership of a person, or causing or attempting to cause an employer to discriminate individuals on account of their age. With regard to the status of an employee, employers are prohibited from discriminating an employee in terms of compensation, work terms and conditions, privileges, promotion or training opportunities, by reason of age. In terms of dismissal and retirement of employees, the Act provides that it is unlawful for employers to forcibly lay off an employee or impose early retirement because of the employee's old age. What's wrong kung more than 30 years old ka na? Iniisip ba nila na matanda ka na kasi at mahirap ng turuan? Mahuhusgahan ba natin ang kakayahan ng isang tao sa kanyang edad? Hindi naman di ba? Age is just number. At ang alam ko ang tao habang tumatanda ay lalong nagkakaroon ng kaalaman, so ano ang dahilan at maraming kumpanya ang ayaw sa isang taong nagkakaedad na? Hindi ba dapat mas gusto nila iyon dahil maraming ng karanasan at kaalaman sa buhay? Tiyaka hindi totoo na ang tao kapag tumatanda na eh mahirap ng turuan. Wala sa edad iyan. Nasa sa desisyon ng tao 'yan kung gusto talaga niyang matuto o hindi. Kung nakikita mong he/she is the right one for the job hire him/her despite the age. Ang kailangan natin sa work ay 'yung may sapat na kaalaman at kakayahan na gampanan ang trabaho at hindi 'yung edad. May mga matatanda naman na malakas pa rin. Minsan pa nga mas malakas pa sila sa mga batang empleyado. Huwag natin husgahan ang tao dahil sa kanyang edad. Dahil ang edad ay gaya din ng marka sa paaralan, hindi nito mapapakita ang totoong kaalaman at kakayahan ng isang tao."
-HR DM
DON’T TAKE IT PERSONALLY.
A good friend of mine called me to ask for advice.
Sabi niya, "May nag-ooffer sa akin ng job as Sales Manager. Kaso nagdadalawang isip akong kunin."
"Bakit?", tanong ko sa kanya.
Sabi niya, "Ang nag-ooffer kasi sa akin ng job ay nanay ng ex-girlfriend ko. Nagretire na kasi 'yung Sales Manager doon sa company nila. Ngayon gusto nung nanay ng ex ko na ako ang ilagay doon sa puwesto. Family business nga pala nila 'yung company. Gusto kong kunin kasi kailangan ko talaga ng work especially ngayon na hindi makapag-trabaho si tatay kasi may sakit. Kaso ang iniisip ko naman, magiging issue ito sa ex ko at sa karelasyon niya ngayon. Ano ang gagawin ko?"
Sabi ko, "Kung may feelings ka pa doon sa ex mo huwag mong tanggapin 'yung offer. Pero kung wala na go for it. Remember that kinukuha ka ng owner ng company because of your skills. Hindi dahil gusto niyang magkabalikan kayo ng anak niya. Huwag mong ibahin ang kuwento. Now kung magkaroon man ng conflict sa pagitan ng ex mo at ng karelasyon niya ngayon labas ka na doon. Hindi ka naman nag-apply for the position kundi inoffer sa'yo so wala ka ng kasalanan kung magkaproblema man sila. Just put in your mind na trabaho lang lahat at walang personalan. Set aside your personal issues and just be practical. Be professional and less emotional. Tiyaka paano mo naman nasabi na magiging issue sa ex mo at sa karelasyon niya na mag-work ka doon sa company nila? Huwag mong haluan ang kuwento ng mga imaginary thinkings mo. 'Yung kuwento huwag mong dagdagan para hindi ka nahihirapan. Uulitin ko, kung may nararamdaman ka pa doon sa tao huwag mong tanggapin 'yung trabaho. Pero kung wala na talaga be man enough to accept the offer and just do the job. Hindi lahat ng bagay ay kailangan gawing personal dahil may mga bagay na kailangan mo lang maging practical dahil kailangan mong mabuhay."
-HR DM
AVOID STEPPING INTO A GREAT MAN’S SHOES.
A new business owner called me to seek for advice.
Sabi niya, "Namatay ang tatay ko last friday at inilibing na siya kanina. My father owns an electronic device company at sa pagpanaw niya, ako ang nakatakdang pumalit sa puwesto niya. Natatakot ako na baka hindi ko magawa 'yung mga accomplishment ng father ko. Natatakot ako na baka umalis 'yung ibang investors namin o kaya hindi ko mamanage mabuti 'yung company at bumagsak. What should I do?"
Sabi ko, "Avoid stepping into a great man's shoes. Iba ka at iba din ang father mo. It's useless to compare yourself to your father. Kung lagi mong iisipin 'yung mga accomplishments ng father mo at pipilitin mong pantayan o higitan maiistress ka talaga. Start all over again. 'Yung mga policy at strategy na ginawa ng father mo ay pwede mo pa rin gamitin pero huwag kang umasa na 'yung result na nakuha niya noon ay 'yun din 'yung result na makukuha mo. Puwedeng iba ang mangyari kasi nung ginawa niya ang mga 'yun wala pang epedemia noon kumpara ngayon. So as the new person in charge dapat iimprove mo pa ang mga policy at strategy ng company. Puwede ka din gumawa ng bago kung gusto mo. Alam ko napepressure ka sa sitwasyon mo ngayon. Hindi ka pa nga nakakarecover sa pagpanaw ng father mo tapos ikaw pa ang in chrage ngayon sa company na iniwan niya. Pero take it as challenge. Makakatulong din sa'yo ang pagiging busy para makarecover ka sa pagkawala ng father mo. Hindi ko sinasabi na agad-agad makakarecover ka pero atleast may effort ka na nalilibang mo 'yung sarili mo. Just remember that you are not there to fill your father's loss. You are there because the company needs someone who will lead. Hindi ka nandiyan para palitan ang father mo kasi kapag ganoon ang iisipin mo mabigat talaga 'yan so put it in your mind na hindi ka nandiyan upang siya ay palitan. Nandiyan ka upang ang kumpanya ay pamunuan. Stop comparing yourself to others even with your father. Kasi kahit magkadugo kayo, magkaibang tao pa rin kayo. Live to be yourself and not by other people's shadow."
-HR DM
TWO BIRDS IN ONE STONE.
A company owner called me last night to seek advice.
Sabi niya, "May isang nag-aapply sa vacant position namin sa company."
"Anong position iyon?" tanong ko sa owner.
Sabi niya, "HR Supervisor. Iyong applicant is may 10 years experience sa HR kaya lang hindi siya HR o Psychology graduate."
"Ano ang tinapos niya?" tanong ko.
"Information Technology." sagot ng owner.
"Nainterview n'yo na ba?" tanong ko uli sa owner.
"Oo at pasadong-pasado siya kung HR ang usapan. Iyon nga lang iba ang tinapos niyang degree." Sagot ng owner.
"So ano'ng problema? Hindi n'yo ba nakikita that you can hit 2 birds in one stone?" sabi ko sa owner.
"Ano ang ibig mong sabihin?" tanong ng owner.
Sabi ko, "Eh ano naman kung I.T. grad siya at hindi HR o Psychology, 'yung 10 years experience niya is more than enough para matanggap siya. Oo nga iba ang course niya nung nag-aaral siya pero aminin natin, kapag fresh grad naman talaga ang estudyante walang alam iyan. Ang alam lang niyan ay theories pero kulang sa practices. Nagsisimula lang ang tunay na experience kapag nagwork ka na talaga sa tinapos mo. Oo iba ang course niya, pero ang work o experience na kinamulatan niya ay HR. Ang suwerte n'yo nga eh I.T. grad siya pero experience H.R. para kang naghire ng 2 tao agad na isa lang ang pasasahurin. Can you imagine if you will hire him kung siya ang makagawa ng website ng company ninyo o kaya ng database system sa attendance o sa inventory? Hindi naman imposible 'yun kasi I.T. grad siya. Very flexible siya. Pwede mo ilagay kung saan siya kailangan at mas skillful siya kasi kaya niyang gawin ang 2 trabaho ng mag-isa. Hindi ba't makakatipid ang company sa ganoon? Sometimes education is just qualification and standard but we cannot consider it as a skill. Because skill was developed through experience and not by theories."
-HR DM
POSITIONING.
Isang Financial Assistant ang tumawag sa akin to seek for advice. Sinasabihan daw kasi siya ng mga co-workers niya na sipsip sa management kaya siya naregular sa work.
Tinanong ko siya kung totoo ba ang mga sinasabi sa kanya? Aminado siya na nagpalakas siya sa management upang maregular dahil kailangan na kailangan niya ang trabaho para buhayin ang anak niya. Single Mom kasi siya. Pero kahit daw nagpapalakas siya sa management kailanman ay wala siyang siniraan sa mga kapwa niya empleyado. Nagpalakas daw siya sa pamamagitan ng pagsunod sa lahat ng ipapagawa sa kanya ng management. Gaya ng pagpasok ng weekend kahit walang bayad. Umuuwi ng late kahit walang overtime. At pumapasok pa din kahit masama na ang pakiramdam.
Sinabi ko sa kanya na hindi dapat sumama ang loob niya sa mga sinasabi ng mga co-workers niya kasi totoo naman at inamin naman niya. But to be fair, its part of the game talaga sa working place na magpalakas sa management. Kasi the reality is kahit gaano ka pa kagaling at kaqualified kung hindi naman ikaw ang first thing in mind ng management it's useless. Aminin na natin na minsan sa working place its who you know and not what you know. Kahit gaano ka pa kagaling, your faith still rely on the tip of the management pen. Sabi ko sa kanya, ngayong regular ka na iprove mo na deserving ka. Kung masipag ka noon mas magsipag ka dapat ngayon. Hindi masama ang magpalakas sa management as long as it is in the right way. Huwag ka lang maninira ng kapwa mo empleyado.
Kung magaling ka man hinay-hinay din sa pagpapakitang gilas baka kasi may nasasagasaan ka. Sabi nga ni Robert Greene, "Never outshine the master." Lahat tayo ay may insecurity. Maging ang mga nasa management. Kaya dapat ingatan natin na huwag mainsecure ang mga superior natin sa ating galing o tayo ang uunahin nilang tanggalin sa grupo. Submit yourself to your superior. Always give them credit sa mga accomplishments mo kahit wala naman silang ginawa para lang maramdaman nila na hindi ka threat sa kanila.
Let's just face the fact that office politics is part of the unwritten rules in the workplace. Hindin na natin maaalis 'yan and the only thing we can do about it is to accept it. We really need to adjust and dance to their type of music because at the end of the day the decision is not ours if we going to stay or go. The only sure in this world is "Go with the flow or you may go."
-HR DM
ORGANIZATION IS LIKE MARRIAGE.
A Marketing Manager called me to seek advice.
Sabi niya, "It's my second week as the new Marketing Managers and I am still in the adjustment period. Medyo hirap ako to work with my staff kasi nga hindi ko sila kilala and hindi din nila ako kilala kasi bago lang ako sa company and yet ito na agad 'yung position ko. Can you give me an advice on how to have a good working relationship with my staff?"
Sabi ko, "Kasal po ba kayo?"
"Oo. I've been married for 20 years." sabi ng manager.
"Natatandaan nyo pa po ba paano ninyo niligawan si Misis?" tanong ko sa manager.
Sabi niya, "Nung makilala ko si Misis, hindi ko agad siya naligawan kasi may boyfriend siya that time. Tapos hindi nagtagal nalaman ko na naghiwalay na sila kasi daw 'yung boyfriend niya noon halos walang oras sa kanya. Masyadong busy sa work. Kung hindi pa daw siya ang tatawag o dadalaw hindi pa sila magkikita. Nakakalimutan din daw nito ang birthday niya at anniversary nila. Kapag may mga performance siya kasi ballet dancer s’ya dati hindi daw nanonood ang boyfriend niya. Hindi daw niya nararamdaman ang support nito sa kanya. Kapag may mga achievements daw siya kinocongratulate naman daw siya kaso parang hindi bukal sa loob. Sa madaling salita wala sa kanya ang attention ng ex-boyfriend niya. Kaya naman 'yung mga pagkukulang ng ex niya ako ang pumuno at iyon ang susi kaya naging kami. Ang isang bagay lang na idinagdag ko at naappreciate naman niya is kapag may mali siya o dapat iimprove pa sinasabi ko sa kanya para aware siya. And after 20 years of marriage, iyon pa rin daw ang mga katangian ko na gustong-gusto ng asawa ko."
Sabi ko, "Kung paano ninyo niligawan ang Misis ninyo noon at bakit matatag pa rin ang relasyon ninyo hanggang ngayon, ganoon din ang gawin ninyo sa mga staff ninyo. Organization is like marriage. Kailangan ninyo ng oras sa isa't-isa para magusap, magkamustahan, magsabihan ng mga problema, magsuportahan, at pangaralan kung may nagawang mali. Ang pinakaimportanteng sangkap ng relasyon para magtagal ay oras, tiwala, at pagmamahal. Hindi ba sa isang pamilya dapat naroon ang tatlong iyan. Kasi kung wala ang tatlong iyan hindi iyon matatawag na pamilya kundi isang grupo lang. Be a leader and not just a manager. Matuto ka din makisama kasi kahit sabihin mo na manager ka ikaw ang bago sa grupo kaya dapat kunin mo din ang loob nila dahil kung hindi, hindi magkakaroon ng maayos na relasyon sa department na hawak mo. Tandaan mo na tao ka parin, at mga tao ang kasama mo kaya tratuhin mo sila bilang tao. Dahil walang manager na magaling kung ang mga tauhan niya ay laging may daing. Earn their trust, respect, and support. Hindi mo makukuha ang tatlong iyan ng hindi mo pinaghihirapan. Hindi mo makukuha ang tatlong iyan ng puwersahan. Reach out to them. Spend some time with them. Laugh with them. Cry with them. Celebrate with them. Make an effort. Because that is the only way that you can make your staff follow you unconditionally."
-HR DM