Motivation
Matagal nato. Dapat nung January pa kasi nung January naman to nangyari. Post ko lang kasi memorable para sakin kahit ang babaw naman. lol. Naaalala ko pa yung feeling ko nun. Stress na stress, antok na antok. Yung ulo ko para nang sasabog dahil sa letseng (sorry) thesis na yun. 2:00 ata yun nang madaling araw. May deadline kami sa araw na yun na 3 chapters. Eh ang layo ko pa. Nakakafrustrate na. Nakaka-iyak. Hindi pa nakakatulong yung antok ko kasi 2 lingo na rin ako walang tulog. Tapos nagtext yung groupmate ko na mag-open nang facebook kasi may sinend ata siya dun. Tapos tapos tapos.. wala lang. inantok ako lalo. hahaha.
Tapos (lol) biglang nagpop yung facebook. I mean yung notification tone niya. Yung *POP* ba yun. haha. Eto yung lumabas na kinagising nang lamang lupa ko. Lahat nang brain cells ko nagising, yung heart ko tumibok nang sobra at talagang napatalon ako sa tuwa para tuloy akong timang kasi nahulog ako sa upuan ko. haha. Ano ba yun??? Eto yuuun....
As iiiiin tuwang tuwa ako. My Gosh! Favourite blogger ko yun eh. Kalevel lang niya yung crush ko kahit wala ako nun ngayon. haha. Yung heart ko para nang mamatay sa lakas ng pagbeat niya kasi iniisip ko na ano kayang picture yung nilike niya. Isa ba sa mga pp ko na parang timang yung pagmumukha o anooooo. Nagpanic pa talaga ako eh kasi yung internet ayaw magcooperate bigla bumagal. Nung na-open na tadaaaa...
Yun pala yun. Natawa ako sa pagka-assumera ko. Napahiya sa sarili. Hahahahahaha. Kasi naman, November pa yan, at di ko talaga ineexpect na mababasa niya yan. Dahil siguro sa “#israelmakeniko”? Wala naman talagang ibang explanation. Haha. Pero happyng happy pa rin ako. Sumakit yung cheeks ko kangingiti. Haha.
Babaw lang diba, pero big deal sakin. Kasiiiii di na ako nakatulog hangang 6:00 nang umaga. Hahaha. Bakit motivation ang title? Natapos ko talaga yung 3 chapters at nakagawa pa ako ng 1 chapter sa feasibility study ko. Amaze na amaze ako sa sarili ko. Di ko talaga alam pano nangyari yun. Basta yun na yun. Dahil lang sa isang LIKE! hahahahaha. Yuuun lang. Gusto ko lang talaga mablog bago pa mabura sa isip at alaala ko. :)) Yung feeling na down na down ako tapos biglang sumaya ng husto. Bihira lang mangyari sakin yun eh. Basta yuuun. XD















