Three words: Thank you po! ❤ #DIVAs #BuhayOJT
seen from Spain

seen from Belgium

seen from United Kingdom

seen from United States
seen from Tunisia
seen from France
seen from Argentina
seen from China

seen from Belgium
seen from Burkina Faso

seen from Belgium
seen from China

seen from China
seen from Romania
seen from United States
seen from United States
seen from China
seen from China
seen from Belarus
seen from Argentina
Three words: Thank you po! ❤ #DIVAs #BuhayOJT
Simple 🎁 to our 2nd fam for 1 month #Grateful #BuhayOJT
Nananahimik
Paselfie ng tatlo. 😁😁 Home from Duty. #tired #hungry #buhayOJT 😭😭
Dahil wla boss namin..like a boss kami ngaun hayahay ang buhayy tulog muna c boyfie habang kami petekzzz.. #ojt #buhayojt #likeAboss #petekzz
Xerox girl.. dami pila,dami ko din ipapa xerox hayayyyy #buhayojt #xerox #agaAga #papers #kopel
Napakadaldal
Hindi naman ako against sa madadaldal na tao. Pero ugh. This guy from Biomed workshop always shares about something about his life every time he sees me. Pwede naman iba yung kausapin di ba? Hindi rin naman sa hindi ako interesado sa kwento nya. Hindi lang talaga ako mahilig makipag-usapan. Magsulatan na lang tayo please? :)
Kunwaring Hanapbuhay
Gumigising ng maaga, mga alas singko, kasabay ng ilang mga manok sa pagtilaok at pagbati ng magandang umaga sa mga amo nilang sabik sa panalo sa darating na linggo.
Ibinuhos ang pinakuluang tubig sa isang tasang may kapeng 3 in 1. Hanep. Isang normal na araw para sa isang normal na panget. Walang imik ng mga ilang minuto. Nakatulala sa tasa. Muntik pang mangudngod ang mukha sa tasa dahil sa bangag at kulag pa sa tulog. Mabigat ang mga mata, umiikot na paningin. Bahagyang nahimasmasa't nagising sa paghigop ng mainit na kape.
Kinuha ang tuwalya na nakasukbit sa hanger, dumiretso ng kubeta, umupo sa trono ng kababuyan. Nagbawas ng baho. Tumayo't binuhusan, sa nilinisan ang puwetan bago nilinis ang buong papating katawan. Dinampot ang tabo, pinuno ng tubig, sabay binuhos sa buong katawan na may kasamang pagtalon dahil sa lamig ng tubig. Paulit-ulit ginawa hanggang sa mag-sabon at matapos ang lahat ng dapat at makatarungang gawin kapag nasa loob ka ng kubeta at naghahanda kang pumasok.
Nagbihis, dumampot ng unipormeng gusot dahil tinamad na magplantsa dahil hindi rin naman marunong. Humarap sa salamin. Itinutok ang bentelador na naka-number 3. Pinatuyo ang buhok sa harap ng bentelador habang nakatingin sa salamin. Nagpakyut. Nangayaw. Hindi kasi kyut.
Humingi ng baon. Tinanggap ang halagang nararapat. Kumaripas papalabas ng pintuan upang umabot sa nakatakdang oras. Sumakay ng dalawang tricycle at isang dyip. Hanggang sa makarating sa dapat kahantungan.
"O, asan ang uniform mo? 'Yan ba ang uniform n'yo? Bakit 'di ka naka-uniform?"
'Yan palagi ang araw-araw na pag-iinarte ni manong guard dun sa gate nung pinapasukan ko. Naaawa lang ako sa mga estudyanteng lalake na naka-shirt naman ng school nila at jeans, presentableng tingnan, pero 'di pa rin papapasukin nung manong guard. Pero kapag babae, onting tanong at ngiti, pasok na agad. Hay, bakit ganoon?
Nagmadaling sumulat sa logbook upang makaabot sa maagang pagbu-bundy. 7:58. Ayos, maaga pa ng dalawang minuto. Nagdesisyong dumiretso sa smoking area. Bago sindihan ang dalang lason, nangapa ng baryang tig-lima sa bulsa, inihulog sa vendo-machine. Presto, may kapengpeke nanaman. Pumwesto, umupo. Ibinaba ang umuusok na kape sa gilid. Kinapa ang pakete ng lason sa bulsa. Kumuha ng isang piraso. Sinindihan. Humits sa stick, sabay higop sa kape habang pinagmamasdan ang tahimik na kapaligiran. Sumasayaw na mga dahon, bago ito lumagapak sa sahig. Sige ang hithit at buga ng usok, hanggang sa maubos ang kape. Natapos na ang orasyon bago pumasok sa opisina.
Dumiretso sa opisina, nag-log ulit ng oras kung anong oras pumasok ayon sa bundy card. Pumwesto na sa front desk. Nagtatak ng mga routing slip. Tumunganga. Naghintay ng mga ire-receive ni Almight Juan. Sinulat ang mga received files sa record books. Nag-photocopy ng mga dapat i-photocopy. Namahingang muli.
Lunch time. Oras na para punuin ang kanina pang kumakalam na sikmura. Pumila ng mga ilang minuto. Pumili ng pinaka-kaakitakit na ulam sa mga mata, kasama ang isa't kalahating kanin sa hapag. Masayang nilamon ang nasa hapag. Tumayo't kumuha ng inuming tubig. Nagpunas ng mga labi. Lumabas ng canteen. Dumiretsong muli sa smoking area. Naupo't kumuha muli ng isa, sinindihan. Patuloy ang paglalaro ng usok. Naririnig na nagpapahanginan ang mga empleyado sa tabi. Kanya-kanyang kwento't pabida. Oo, tao nga talaga sila.
Naghihintay maging malumanay ang daloy ng ingay. Ngunit hindi napagbigyan. Patuloy ang satsat. Suminding muli. Natapos na't dumiretso sa bundy clock upang makapag-bundy muli.
Unti-unting tumatagal ang pagkaupos ng oras. Habang papalapit ang uwian, s'ya namang tagal umandar ng oras. Bakit? Bakit kapag kailangan mong lasapin ang bawat minuto ng hindi naman ka-saya-sayang pagkakataon? Ngunit kapag ito'y sukdulan ng galak, tila nagmamadali ang panahon? Dahil patunay lamang ba ito na ang oras ay mahalaga? Pero bakit maraming nasasayang na oras? Bakit maraming taong tinatapon lamang ang bawat segundo, minuto, at oras upang makapiling ang mga mahal nila sa buhay at maging masaya sa mga sarili nila? Sa dami ng oras na bakante sa pagiging tanga, bakit mas pinipili pa rin nating parusahan ang sarili sa kakaisip ng mga walang kwentang bagay na nakakasakit sa ating puso't damdamin?
Pumalo na ang oras sa ika-alas tres ng hapon. Tumunog ang maliit na kampanilya. Tunog nagbebenta ng dirty ice cream sa kanto at mga parke. Tumigil ang lahat ng empleyado sa opisina at tumayo. Sinimulan ng head ang pagdarasal. Kaniya-kaniyang bulong ang bawat empleyado sa pagbigkas ng orasyon. Nang matapos ay balik ng muli sa pagta-trabaho.
Muli, bumagal ang pagpatak ng bawat segundo. Nakapangalumbabang nakatingin sa malayo. Dinadapuan ng antok. Dumating ang tambak na isusulat. Pagkatapos ng mga gawain, lumingon sa orasan.
"TANGINA, 3:34 PALANG?!"