Buod ng Arko ng Clow Cards
Maibubuod sa ganitong pagkasunod-sunod ang unang arko ng CardCaptor Sakura: isang normal na batang babaeng nasa baitang apat si Sakura. Dahil sa aksidente niyang pagbukas ng aklat ni Clow Reed habang gumagawa ng gawaing bahay, nakawala lahat ng barahang mahikal ng aklat na ito. Nagising rin ang tagabantay ng mga barahang, si Cerberus: The Beast of the Seal, ito sapagkat nababago nila ang takbo ng mga buhay ng tao sa Tomoeda. Dahil dito, pinilit ni Cerberus si Sakura na hulihin ulit ang mga baraha at ibalik sa mundo. Doon natuklasan sa serye na may taglay na kapangyarihan si Sakura dahil nabuksan niya ang aklat ni Clow Reed. Kahit ayaw ni Sakura nung una, pinilit siya ni Kerberos sa mga salitang “sino ba ang nakawala ng mga Baraha?” at mapipilitan si Sakura na harapin ang kanyang pangangamba at gawin ang hinihingi sa kanya ni Cerberus o Kero.
At dahil isang shoujo manga ito, meron siyang “support system” na matalik na kaibigan. Daidoiji Tomoyo ang pangalan niya. Siya ang gumagawa ng mga sinusuot ni Sakura at dumudukumento ng kanyang pakikipagsapalaran upang makuha ang mga baraha ni Clow. ‘Di rin mawawala ang high school crush ni Sakura, si Tsukishiro Yukito. Siya naman ang matalik na kaibigan ng kanyang kuya, si Touya Kinomoto. Pagkalipas ng ilang mga kabanata, lumabas ang pangunahing kontrabida ng serye, si Li Syaoran. Si Syaoran naman malayong kamag-anak ni Clow Reed galing Hong Kong. Buong buhay ni Syaoran, nag-ensayo at nag-aral siya upang makamit ang isang araw na siya ang magiging bagong tagataguyod ng mga baraha ni Clow Reed. Sa huling baraha na nakuha ni Sakura, sumunod ang araw ng pagpapasya kung karapat-dapat ba siya na maging tagatugyod ng mga baraha. Dahil hindi niya nakuha lahat nito, naunang husgahin si Syaoran kung siya ba ang karapat-dapat. Sa isang saglit, natalo si Syaoran at si Sakura naman ang humarap. Dahil sa busilak ng kanyang kalooban, pinili siya ng mga Baraha at nakumbinsi ang Hurado na si Yue na ipangalan sa kanya ang mga baraha ni Clow Reed. Dito nagtapos ang unang arko ng CardCaptor Sakura.
Sa huling baraha na nakuha ni Sakura, sumunod ang araw ng pagpapasya kung siya ba’y karapat-dapat na maging tagatugyod ng mga baraha. Dahil hindi niya nakuha lahat nito, naunang husgahin si Syaoran kung siya ba ay karapat-dapat. Sa isang saglit, natalo si Syaoran at si Sakura naman ang humarap. Dahil sa busilak ng kanyang kalooban, siya ay pinili ng mga Baraha at nakumbinsi ang Hurado na si Yue na ipangalan sa kanya ang mga baraha ni Clow Reed. Dito nagtapos ang unang arko ng CardCaptor Sakura.