PINAPALAYA NA KITA umpisahan natin sa isang kwento. oo, isang kwento. Ang kwentong walang pabibo. Kwento mo, Kwento ko. Kwento nating Dalawa. Kwento niyong Dalawa. Bakit ba naisipan kong magkwento tungkol sa inyong dalawa? Bakit ba ako nasali sa estorya? Siguro dahil sa pagbabasakaling tayo ang bida O baka sa hiling na sana merong tayong dalawa. Ang akala kong kaya kong palitan siya ang akala kong okay lang kung ako nalang sana Sadyang nakalimutan ko lang naman talaga na marami nga palang napapahamak sa maling akala Sa dinami dami na pwedeng makilala, Sa dinami dami na pwedeng makabangga Di ko inaasahang ikaw pa at mas lalong Di ko akalain noong una na magugustuhan ka pala. Alam ko. Alam ko. Alam kong may laman na ang iyong puso Pero di parin ako nakinig, Dahil nga matigas ang ulo. Mas sinubukan ko pa lalo Mahal, kitang kita ko sa iyong mga mata Na kahit tayo ay naglulumpasay sa tuwa, sa isip mo siya pa rin ang gumagala. Pinilit ko. Tiniis ko kasi sabi ko kaya ko at kakayanin ko. Di mo pa man nasasabi naririnig ko na wala pa man sa iyong labi pero isinasampal mo na ARAY! ang sakit. Ang sakit. Ramdam ko ang hapdi sa matatalas mong pagbanggit. Ramdam ko Kahit sa hindi mo pagsabi Sa tuwing tinatanong ko sayong masaya ka ba sa piling ko ang sinasagot mo ay oo. Sinubukan kong harapin ang mga umagang hawak hawak ang mga piraso mo. Tinatahi ko Hubad kamay pinupulot ang mga bubog mo gamit ang mga salitang "tahan na, Nandito lang ako" Sinubukan kong tapakan lahat ng butas ng pusong sabi mong lagos lagos na Pinunasan lahat ng gas gas sa iyong mukha kasama ang matatamis mong luha Ngunit napagtanto kong kahit ilang bubog pa ang kayang pagdampi dampi in kahit ilang piraso mo pa ang aking kayang tahiin alam ko na hindi talaga kailan pa. Hindi talaga kahit kailan ko mapaplitan siya dahil sa una palang hindi ako ang nandiyan ngunit siya. kaya eto na, ako ay magpapaalam na Dahil ako ay susuko na sa labang sarili ko lang naman ang kontra. Paalam sa mga ala alang hindi na mauulit pa. Ang mga ala alang alam ko naman ako lang ang nag pursiging gumawa. Paalam sa mga minsang Kamustahang ako lang naman ang nangamusta at paalam sa pagbabakasakaling mapalitan ko siya. Natapos na. Unti unti na akong lumilihis sa patalim na itinanim ipinipikit na ang pusong nabulag na sa dilim. Tatapusin ko na ang kwentong kailan man hindi ako napagbigyan. Andito na, Sumusuko na. Mahal PINAPALAYA NA KITA. -bkgdssus