May nagpa picture sa akin sa Hongkong. Super idol daw niya ako e.

seen from Türkiye
seen from United States
seen from T1
seen from China
seen from United States

seen from Malaysia

seen from United States
seen from United States
seen from Russia
seen from Japan
seen from China
seen from Argentina

seen from Argentina

seen from Canada

seen from United States
seen from United States

seen from United States
seen from Italy
seen from China

seen from United States
May nagpa picture sa akin sa Hongkong. Super idol daw niya ako e.
Happy 4 Years MatabangUtak!
December 23, 2010 nung nagsimula kaming mag-isip ng catchy url kasi ito raw ang bumebenta sa Tumblr. So kami ng mga kaibigan ko ay nag-isip ng mga catchy url names na sabaw tulad ng malagkitnakulangot,sunognatae,utotnabilog,pilosoporhadson dahil idol ko si pilosopong tasyo kaso meron na daw ibang URL na may pilosopo which is si Gyno.
So sabi ko ay meron na pala e! Edi iba na lang! Gusto ko gumawa ng sarili kong pangalan dun pag nagkataon. Tapos nagbigay pa ulit ng maraming walang kwentang URL mga kaibigan ko tapos bigla ko nasabing hahaha!! ang tataba ng utak amp! Tapos bigla ko naisip na... Try mo nga pre MatabangUtak! Tapos wala pang nakakakuha at biglang yun na lang ang naisipan kong gawin na URL dahil mapapanindigan ko naman.
Simula nun araw-araw akong nagsulat at naghanap ng mga taong ifofollow. Nagkakilala kami ng ibang kong mga naging kaibigan dito sa Top Blogs like Beben at si Gyno na discover ata ako sa Top blogs din. Mabilis kami naging close dahil naging iisa ang takbo ng utak namin.
Until now, natutuwa ako kasi andito pa rin kayo sa tabi ko at nasubaybayan ang mga fail relationships ko at mga tagumpay ko sa buhay. Kaya nais kong magpasalamat dahil hindi kayo nawala sa akin.
Sana sa susunod na taon ay nandyan pa rin kayo.
Salamat din sa girlfriend kong si Klai dahil siya ang naging totoo sa akin at naging concern pagdating sa pagmamahal. Thank you baby.
Ingat kayong lahat. Pagpatuloy niyo lang ang pagsusulat at pagbabasa ng mga libro. Sobrang importante yan :)
Sana ay naka relate kayo at may naitulong ang sinusulat ko sa inyo. Salamat sa pag appreciate. Salamat talaga. Lalo na kala Shun at Melai na isa sa mga taong nakilala ko dito na tumulong para maging mas maayos ang para mas mapaganda ang libro.
Ang sarap magmahal ng taong alam mong mahal ka rin.
butterklai
Guys watch niyo effort ni Klai oh. Haha!
I'm so happy na may girlfriend ako na tulad niya. Grabe, naluha ako nang sobra dito dahil hindi ko inakala na gagawan niya ako ng video. Ang ganda ng pagkakagawa. Lalo ko siyang mamahalin, as in lalo kong papatunayan na kaya kong panindigan ang lahat ng sinabi ko.
Siguro marami na ang lalakeng sinasabing araw-araw nilang liligawan ang tao once na nakatuluyan nila. Ako kasi? Nangako sa kanya na hindi ko siya liligawan para maging kami. Maging kami muna at tska ko siya liligawan araw-araw para hindi matapos.
Sobrang mahal ko ang babaeng ito. Umiikot ang mundo naming dalawa sa isa't-isa na puno ng pangarap. Salamat ulit sa video na ito. Happy 4th Monthsary! See you soon :)
Hi there amazing one!
Happy 4th Monthsary sa ating dalawa. Nakakatuwa na posible pala maging masaya lang sa relasyon. At ang mga away na nangyari dati sa atin ay yung away na may natutunan tayong dalawa. Hindi tayo nag-aaway ng walang dahilan, at kapag mahina ang isa sa atin ay handa nating iangat dahil nga may kasabihan tayong dalawa na walang iwanan sa ere at wala ng mawawala.
Hindi ko na papahabain ito dahil araw-araw ko naman pinaparamdam sayo kung gaano ka kaimportante sa akin. Malayo ka man sa akin, hindi mo pinaparamdam na malayo ka dahil nag eeffort ka palagi para lang makapag-usap tayo. Alam ko na mahirap pagsabayin ako at ang trabaho pero nakakahanap ka palagi ng paraan para makapag-usap tayong dalawa.
Wala na ulit magpapaalam sa ating dalawa. Wala na ulit magpaparaya. Hindi na kita hahayaang mawala. Masaya ako at masaya ang mga pamilya natin sa atin. Wala na kong mahihiling pa. Thank you and I love you.
See you soon. Palagi kong sinasabi.. Distansya lang yan. Si Rhadson at Klai tayo. I love you ulit and Happy 4th Monthsary!
Ito yung mga araw na hindi sapat ang 24 hours at gusto mong humiling pa na sana magtagal pa o kaya naman ay tumigil ang oras sa lugar niyong dalawa. Ito yung mga araw na nanaisin kong wag gumalaw at umalis sa kinatatayuan ko dahil mas gusto ko siyang nakikita at titigan lang sa harapan ko.
Salamat sa lahat ng sakripisyo at pagmamahal. Pinag iipunan ko na ang susunod nating pagkikita. I love you. Distansya lang yan. Si Rhadson at Klai tayo.
Uhm ngayon lang pala ulit ako nakapag update dito sa Tumblr ko tungkol sa Lovelife ko. Dati lagi akong nag sheshare dito ng mga malulungkot na bagay dahil palagi akong bigo pero ngayon di ako makapaniwalang magkwekwento na ulit ako kung gaano ako kasaya dahil may taong nagmamahal sa akin.
Maaaring gasgas na ang salitang naiiba siya sa lahat. Siguro lahat naman tayo eh nasabi na iyon. Pero sa lahat ng taong minahal ko at dumating sa buhay ko. Masasabi kong si Klai ang naging totoo. Dati takot akong panindigan ang lahat ng pangako ko kaya hinayaan lang muna namin ang sarili namin sa iba. Pero ngayon na lumaki na kami at nag mature ang mga isip naisip naming pasayahin na ang sarili naming dalawa.
Yes, isa siyang INC at nakapag decide na rin ako magpa doktrina kapag 28 years old na ako, sa mga nagtatanong 23 years old palang ako.. Ayaw kong dumating yung araw na makikita kong masaya siya sa iba kaya hindi ko na siya pinakawalan at nag desisyon na angkinin na namin ang isa't-isa. Sa una medyo takot kasi akala ko wala na siyang tiwala sa akin dahil kilala niya lahat ng taong dumating sa buhay ko. Kung gaano ako nasaktan at gaano ako binalewala ng mga babaeng minsan naging parte ng buhay ko.
Hindi ko alam ang eksaktong salita para ipaliwanag ang nararamdaman ko sa puso ko. Sobrang kakaiba ang saya at natutulog ako lagi na alam kong may nagmamahal sa akin ng tunay at tapat. Gigising ako sa umaga na alam kong may mangangamusta sa akin at mapagsasabihan kapag pagod na ako sa bawat araw. Sobrang laki ng naging impact sa akin ni Klai. Since 2011 sinabi ko sa sarili kong mahal ko na siya. Hanggang ngayon siya pa rin ang mahal ko.
Akala ko dati may hahadlang talaga sa pagmamahalan namin. Mas napalapit lalo kami kay God dahil sa nangyari at nirespeto ang paniniwala ng isa't-isa. Marami kaming tutuparin na pangarap once na nagsama na kaming dalawa. Masaya ako kasi masaya kaming dalawa sa relasyon namin.
Hindi actually mahirap ang LDR. Nagiging mahirap lang ito kapag sobrang namimiss mo siya. Pero as long na may communication kayo at naaalala lagi at binibigyan ng halaga ang isa't-isa. Walang mahirap, walang malabo at higit sa lahat mararamdaman niyo ang giliw sa isa't-isa kapag nagkikita kayo sa personal. Ako? Natuto akong mag-ipon para sa anniversary namin sa May 6 ay mapuntahan ko siya. Hindi pwedeng i cecelebrate yun na wala ako sa tabi niya, kailangan magkasama kami. Sobrang bitin lagi ng araw kapag nagkikita kami. Laging nakaw na sandali, tila panaginip na ayaw mo ng magising. Pero ano nakakatuwa sa panaginip na yun? Magising man ako, sigurado akong siya pa rin ang taong mamahalin ko. Mahal na mahal ko siya. Sobrang mahal.
I love you Klai. Salamat sa lahat.
Uhm dito na lang yung seryosong message. Nakaka ilang sa facebook eh.
Ahm Hi baby! Happy 3rd Monthsary. Masaya ako at patuloy tayong nagiging masaya at malakas sa relasyon natin. Kahit na nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan at parehas tayo naging mahinang dalawa ay naka survive tayo sa problemang yun. Takot na takot ako ng mga araw na yun. Sobrang ayaw ko ng buwan na to dahil sa mga nangyari, first ko natakot ng husto sa buhay ko.
Sana this month, puro saya lang tayong dalawa. For sure, kasi magkikita na ulit tayo. Parang panaginip na naman ang mangyayari. Papahiram ng onting sandali, onting kasiyahan,onting lambing at yung yakap na hinihintay ko.
For sure, magiging matagal ang dalawang araw para sa atin. Kumbaga, blessing na yun at nakaw na sandali kung tutuusin. Basta, kahit ano mangyari tayo pa rin sa huli. Di pwedeng hindi tayo. Gagawin ko lahat para sa ating dalawa.
Sobrang mahal kita. Happy Monthsary ulet :)