Passport. Visa. Ticket. Hawak-hawak ni Raymond ang mga papeles sa kaniyang pawis na mga kamay. 20 minuto ang nakalipas. Hindi pa gumagalaw ang kotse. Umuulan ng kaunti sa daan. Parang nguminingning ang basang kalsada. Pero madilim ang pakiramdam ni Raymond. May kumatok na bata sa bintana. Madumi ang kaniyang mukha at may bitbit siyang sampaguita sa kaniyang kamay. Hindi siya pinansin ng driver. Pinanood lang siya ni Raymond. Naalala niya ang dahilan kung bakit siya aalis. Para hindi mapunta sa kalsada ang kaniyang asawa at pamilya. Ang mga papel na hawak niya ang magdadala sa kaniya sa Amerika. Pero ang dami niyang kailangan iwanan. Pamilya. Kaibigan. Bahay. Lumitaw sa kaniyang isip ang iba’t ibang larawan ng kaniyang asawa at anak na sanggol pa lamang. Malungkot isipin na hindi niya makikitang lumaki ang bata. Pero kapag umalis siya mabibigyan niya ng buhay ang anak niya. ‘Ang sakit talaga….” Sabi ni Raymond sa sarili.
By Miranda Villanueva, Batch 2018
Short Story written in Filipino
Carmageddon is a series of five 100-150-word short stories set in Manila traffic jams made for a section of Miranda’s Personal Project, “Ang Silid-Aklatan.” Miranda has written more Filipino short stories other than the ones in this series, all of which can be found here.