Ilang araw pagkaraan ng proposal defense ko at final defense ng Miu ko, nagpunta kami sa lungsod ng sugbu. May ilang agenda ako sa pagpunta: una, sadyain ang Cebuano Studies at ang mga dati maging kasakuluyang direktor nito; pangalawa para sa paggunita ng ika-isang taon na pagkamatay ng lola ko halos kasabay ng kaarawan ng tyahin ko at panghuli, para magbakasyon kasama ang aking Miu. Ilang linggo bago ang depensa namin, nakita ko sa panitikan.com.ph, may isasagawang Pambansang kumperensya tungkol sa Sebwanong panitikan at wika. Ang nagtulak sa akin, magpunta ay inorganisa ito ng Cebuano Studies Center sa pagtataguyod ng Komisyon ng Wikang Filipino. Ang isa pang mahalagang dahilan, kalakip ng anunsyo ang mga kontak na detalye angpaglaum, sa binisaya ay nanganaghulugang pag-asa. Tsaka ko na lang naunawaan, si Hope Sabanpan-Yu pala mismo ang gumagamit ng kontak na ito.
Cebuano: disyembre 2015
Nagpunta na ako sa Cebu nang disyembre 2015 para dumalo sa kasal ng aking pinasang buo, dapat nanay at tatay ko ang pupunta sa kasalan, pero ako ang pinadala. Pero ang sadyo ko talaga ay magpunta sa bagong lokasyon ng bahay saliksikan sa Univerity of San Carlos. Ito pa rin naman ang dating Cebuano Studies Center, ngunit nang huli akong magpunta ay nasa main campus at si Erlinda Alburo pa ang direktor. Dito ko nakita ang dokumento ng National Commission for the Culture and the Arts. Kasama sa dokumento ang listahan ng mga bahay saliksikan sa bansa, ang Center for Kapampangan Studies at Mindanao Studies Program. Katatapos ko lang magpunta sa Davao para dumalo sa Pamabansang kumperensya ng Sikolohiyang Pilipino sa Ateneo de Davao. Sinadya ko na rin ang Mindanao Studies Consortium Foundation Inc. maliban sa nasabing kumperensya. Bago maghiwalay ang taon, makukumpleto ko na sana ang mga pinlano kong puntanan sa Cordillera, Kapampangan, Bikol, Cebu at Davao.
Nguanit wala si Hope S. Yu nang pumunta ako, nasa ibang bansa siya. Bigo na naman ako matunton ang kasalukuyang direktor ng Cebuano Studies Center. Mayo 2014 pa lamang ay inisa-isa ko nang sulatan ang nasa listahan ko ng mga nagpapatakbo ng sentrong pampook na pag-aaral at pananaliksik ngunit ni isa ay wala akong natnggap na sagot. Kaya nagpasya na akong sadyain ang CKS, CSC at MSCFI. Buti na lang maliban sa kasalan, may kaibigan rin akong nakabase sa Daanbantayan, ang pinakamalayong bahagi ng probinsya sa hilaga. Mayroon din akong kilala sa isla ng Bantayan ngunit nasa Amsterdam siya para sa isang art residency. Bagamat wala si Hope, nagkaroon pa rin ako ng pagkakataon na makapunta sa USC Talamban campus at makilala ang personal assistant ni Hope at gayundin ang kasalukuyang libarian ng CSC. An g pinaka-mahalagang nadiskubre ko ay ang 55 tomo ng Kasaysayan ng mga bayan ng Cebu.
Sebwano: abril 2016
Maliban sa tyansang makapanayam si Hope, gagawaran din ng pagkilala ang dalawang dating direktor ng CSC. Para sa isang okasyon na magkakasama ang tatlong personahe ng pinakamatagal at matatag na Bahay Saliksikan sa arkipelago, masyadong pagkabihira ito para palampasin. Gayundin, noong Disyembre 2015 tinangka ko rin mabisita ang workshop ng sikat na designer, si Kenneth Cobonpue. Ilang beses ko na rin napakinggan ang kanyang mga istorya at palaging nakakapagbigay sa akin ng inspirasyon. Para sa kanya, taliwas sa sinasabi ng mga gauro namin sa malikhaing pagsulat, marami pa ang bago sa mundo kagaya ng disenyo ng upuan at lamesa. Para akong fan, nakipagmeet and greet sa mga iniidolo at tinitingalanag tatlong direktor nat ang mga gawang pandaigdigan. Nagpunta ako sa dulong bahagi ng Cebu sa hilaga ngayon namang Abril ay gusto kong makarating sa pinakadulo sa Timog kasama ang aking Miu.
Ang pinakamalaking pagkakaiba ng byahe ko nang Disyembre 2015 at Abril 2016, maliban sa pagpunta sa daanbantayan ay sa kabilang dulo sa Santander, sa wakas, makikilala ko nang personal ang mga may-akda ng mga binabasa kong produkto ng araling pampook sa Cebu. Bago ang aktwal na kumperensya, nagpunta muna kami sa USC main campus para hanapin ang venue kasama ang Miu ko dahil mauuna siya pagdating ng unang araw ng kumperensya. Gayundin, sinadya rin naming ang USC Talamban campus para makausap si Hope. Mabuti at wala siyang byahe o lakad. Matagal ko na talagang nais makapanayam ang kasalukuyang direktor ng Cebuano Studies. Bagamat hindi ito ang unang beses, napakinggan ko ang kanyang paglalahad ng papel tungkol sa mga Querida sa kumperensya ng Philippine Studies nabagong renobang national museum. Malaya kaming nag-usap tungkol a mg parehong interes, pananaliksik at pagpapatakbo ng Cebuano Studies Center.