June 13, 2020 - Pasta lover
Since 19:00 pa ang simula ko sa trabaho, pinagluluto ko na nang hapunan si Gian, para pag dating nya nang bahay deretso kain na sya at pahinga. Maaga pa naman sya sa trabaho bukas.
Habang nag papakulo ako nang tubig natulala nalang ako. Wala ba talagang sawa sa pasta si Gian? Hindi ba sya natatakam sa ibang pagkain? Puro pasta na kase kame dito sa bahay. Well, sa totoo lang, sya yung laging pasta. Mapa-lunch or dinner man. Lagi nalang. Walang sawa. Wala na akong maisip na pastang magawa kase nagawa ko na talaga lahat. Kahit ulit ulitin ko hindi talaga sya umaayaw. Laking pasta din naman ako, pero bakit umay na umay ako dun? Sa school kase, since Elem, pasta na talaga ang nasa canteen, high school din, tas nung college walang pagbabago.
Madali lang kaseng lutuin. Pakulo tubig, konting pasta, asin tapos kahit anong sauce. Yung simpleng olive oil, asin at konting parmesan cheese. ghurl. Pero all time favorite ko yung classic na tomato sauce, olive oil at basil. May niluto si Gian sakin noon na fusilli with tomato sauce, belly pepper at konting sour cream ata yun? S o b r a n g sarap!!! Pati pesto, pasta al forno, pasta cacio pepe, carbonara, arrabbiata, amatriciana, montanara, pasta alle olive, tas ang dami pa, walang katapusan. Ang sarap naman talaga.
Pero yung araw araw pasta? Malulula ata ako doon. Ang dami ko nang pasta na naluto since noong magakasama na kame ni Gian sa bahay. A week siguro nakaka 5kg kame ng pasta. Spaghetti, fusilli, mezze penne at tagliatelle. Yan lagi ang kinukuha namen. Parang standard na yan, may drawer kame na pang pasta lang talaga. Hay!! Nakain naman sya nang ibang pagkain, at tska may kasama lagi yung meal nya na karne,or little vegg side dish or sausage. Pero ang pasta everyday talaga.
Kaya pag nagluluto ako iba lagi yung pagkain nya sa pagkain ko. Ako mahilig ako sa mga gulay gulay, fish, mga ganon. Tska malakas ako sa tinapay. Kahit araw arawin ko ang bakery dito sa labas para makabili ng fresh bread everyday.
Sabi ko sa kanya, before mag end ang 2020 ang goal ko pakainin sya ng madaming gulay. Sa ngayon hanggang patatas, carrots, peas at spinach lang ang kinakain nya. Makaya ko kaya?