It is what it is.. Yess.. English!
And yes.. ito yung mga panahong ayaw ko ng maulit. Hindi sya masaya at dito ko napatunayan na madami pa talagang dapat baguhin sa gobyerno.
Aminado naman akong hindi ako maalam sa mga nangyayari sa government pero dito ako namulat na totoo nga na MADAMI ang dapat mabago.
Siguro wala kasi sila sa sitwasyon kaya hindi nila maintindihan. Kaya siguro naiisip nila yung mga bagay bagay kasi sa tingin nila ay OK na pero hilaw pa sa pagplano. At dahil hilaw nga, hindi maayos ang kinakalabasan. Ang masama pa nito, hindi sila yung makakaranas ng experience na yun.
Buti nalang at months na noong naramdaman ko ito. Walang ibang magagawa kundi tanggapin at gumawa ng paraan para maging masaya at tibayan ang loob habang nasa sitwasyon.
Pasalamat nalang din at ako lang sa pamilya ang nakaranas nito. Akala ko may iba pa sa amin. Parang hindi ko kakayanin. Buti nalang mabait si Lord na ako nalang at huwag ng kunin ng mga kapamilya ako ang spotlight sa akin. Ako nalang. Ako lang ang bida. Wag na sila magtangka umekstra.
Para lang akong kinulong ng ilang araw. Hindi maayos ang pagkain, madalas wala sa oras. Nakaka-highblood na nangyayari sa paligid. At kawalan ng suporta ng facility. Buti nalang at madaming mga kaibigan ang tumulong. Napunan nila lahat ng kawalan ng facility. Kasabay ko na din papasalamatan ang GrabFood sa walang sawang paglagay ng pangalan na may Room # 104 para makuha ko sa lamesa.
Sana matapos na din ang lahat ng ito. Hindi lang ako ang makakaranas ng ganito. Malamang tuloy tuloy pa din bilang hindi pa natatapos ang pandemya. Natatakot ako sa mga taong makakaranas ng kagaya ng nadanas ko. Sana kayanin din nila, kagaya ng pagpilit kong kayanin noong nasa ganong sitwasyon pa ako.