Changing Partners
Dan Villegas
Uhm, medyo matagal ko na talagang gusto ‘tong panuorin eh. Kaya lang wala lang masyadong time. Kaya nung merong screening sa Centenario, hindi na namin pinalagpas pa. Besh!! Ang daming nahakot na awards nito eh. Shuta day! Deserve na deserve nila lahat. Hahahaha!
Dalawa lang naman ang characters. Si Alex at Cris. Pero apat na magkakaibang perspective. Hahaha. Besh. Ang galing ng transition nung mga characters. Yung screenplay eh. Saka shuta ang saya ng musical! HAHAHAHA!
Nung una medyo okay okay hanggang sa dumating na sa conflict na part. Ay day! Ang intense nun. Haha. Grabe yung mga linyahan day!
“Minahal kita ng tunay hanggang sa kinaya ng puso ko.“
Line yata yan sa kanta. Hahaha. Di ko na maalala. Basta ganon. Shuta.
"Paano ka mangangapa, iniilawan ko dinadaanan mo??"
Oh gago ka ah! Hahahaha! Sobrang intense nung awayan ni Alex at Cris tapos nagshishift per perspective! Wooooohooo! Ang saya!!! Di namin maimagine kung paano yung Play nito eh. Kaya papanuorin namin yang Play at iimbistigahan kung paano nila ginagawa yung shifting ng perspective. Hahahaha.
Sobrang galing nilang apat dito. Grabe. Ang Intense. Actually, sila rin yung mga gumanap sa play. Tapos nung nalaman nila na gagawing Film, hindi pumayag yung mga actors na iba ang gaganap. Haha. Intense diba. Masyado na raw kasi silang attached sa characters nila. Huhu. Ayaw nilang iba ang gumanap.
Ewan ko. Basta. Ang galing lang mga besh. Hahahahah. Sobrang ang sarap mag standing ovation! Hindi ko na alam. Basta ang ganda! Leche!!!
"Lahat halos dito, winala mo, sinira mo. Pinatay mo. Yung payong, yung shower curtain, yung halaman….. Tayo."
"Maniwala ka inibig din kita, Di lang pumantay sa pag-ibig Di lang umabot sa inaasahan mo."
"Mabigat ang maletang dala mo
Yan ang kabaong ng pag-ibig na pinatay mo
Sana ay kaya mong buhatin
Habang buhay mo yang bubuhatin."
Hanggang sa susunod na Dan Villegas film ulit!