
seen from United States

seen from United States

seen from United Kingdom

seen from Malaysia
seen from Türkiye
seen from China
seen from United States
seen from United Kingdom
seen from Singapore

seen from Türkiye

seen from Czechia
seen from Russia

seen from United States
seen from Russia

seen from Russia

seen from United States

seen from Maldives
seen from United States
seen from United States

seen from T1
Clark: Ikaw ang pangarap ko, pati yun tinupad mo.
c/o On The Wings Of Love (OTWOL)
Let’s jump! #Loveis #ClarkMedina #OTWOL
Good morning, baby! Kakagising ko pa lang, buo na araw ko, Nyahahahahaha! 😍😂😘😜 #ClarkMedina #OTWOL #pagbigyan
Maya
Sandali, Teka muna. Hindi pa ako handa Paulit-ulit na Marahil pagod ka na. Kahihintay, kaabang Kaiintindi... Naroon na ako kasama mo sa alapaap: Isang puting kalapating pataas ang lipad May pangarap, may hinaharap Lahat planado Lahat may rason At kasiyahang kaakibat Ngunit dumating ang unos natamaan ng kidlat At nahulog mula sa langit Nabali ang pakpak na minsa'y ginamit Tumingin muli Upang ika'y Hanapin Ngunit bago pa makita ang 'yong anino'y Bumungad saakin ang katotohanan: Hindi pala ako kalapati, Kundi isang ibong di ko kilala Marahil walang masama Ngunit nang Nakita ko iyon at Tinignan aking sarili-- Buong buhay ko Ibinuo sa isang paniniwala Na nagbigay ng pangalan At katatagan-- puno lamang pala ng kasinungalingan Paano ko sisimulan? Sino nga ba ako? Sadyang ang alam ko lang Ay puro katanungan: Ang mga pangarap ay abo nalang-- Ang mga rason sa likod nito, walang saysay-- Dahil mahal, nandito uli ako sa pagmumulat Kung saan kailangan ko munang gamutin ang mga sugat At sagutin ang mga ang mga katanungan Bago ko makakayang sa tabi mo'y lumipad muli Mahirap mahal, hindi madali Ang makita kang masaktan Kahihintay saakin Ngunit di ko gustong mahalin ka Dahil lang lito ako O dahil nawawala Mahal, siguro hindi pa, Dahil karapatan mong mahalin Ng buong buo At hindi nang pirapirasong tulad ko Sinusubukan ko Ngunit sana'y intindihin mo 'Di lang mga sugat ang kalaban ko Kundi ang direksyon ng hanging papunta sa'yo Balang araw lilipad na din uli ako Balang araw, babagay na uli sa'yo Sa isip Sa pangarap Balang araw, mabubo din ako Araw araw akong titingala sa alapaap At tahimik na ipagdadasal: Mahal, sana nandiyan ka pa --------------- Leah's POV sa On the wings of love --------------- ....dahil di ninyo siya maintindihan, at alam ko ang kanyang pinangaggalingan... Madaling kalabanin ang ibang tao, ngunit pag sarili na ang kalaban mo-- sarili na inalagaan at kinilala mo buong buhay mo, sarili na may sariling opinyon base sa mga nakaraan, sariling karanasan--at malaman mong lahat iyon kasinungalingan, saan ka hahanap ng sagot? Paano mo tatanggapin ang pagmamahal ng iba kung sarili sa mo, sa simula, ay di mo matutunang mahalin muli dahil masyado kang sira, sugat, at duguan? ------+----- Bow. Affected. Hahahaa salamat po sa nagbasa! #hugot