#tula #ofw #filipinopoetry #sabado
Nagising ako isang araw, kamakailan:
Makalipas ang maikling panahon,
Naramdaman ko ang lungkot na dala
Ng katahimikang saaki'y bumungad.
Hangin sa bintana kong bukas ang siyang nagpabatid:
Oo nga pala, Wala ako sa Pilipinas;
Walang tunog ng jeep o trasikel man lang sa labas,
Walang kapit-bahay na nagsasampay,
O sumusuway sa mga alagang makukulit,
Walang tunog nang naglilinis o nagsitsimis
Ngunit bakit ko naman 'yun mamimiss?
Ang malakas na tunog ng radyo ni Tatay panggising...
Bombo radyo, o diskong palaging naririnig
O kaya ang daing ni Nanay na sanay
Palaging maagang magising, maligo't magsaing.
Ang bigat ni bunsong dadagan sa'yo
Para piliting makipaglaro, tutal, "sabado naman po."
Hanggang sa mamaya, sa pagod mo nalang
Ay sasabihing, matutulog pa, at babawi nalamang
Sa pagbili ng tingitinging paburito n'yang kendi
Magbabayad pala dapat ng mga nakalistang utang
Bilang kahapon lang ang sahuran.
Simple lang ang buhay doon,
Kaunting salapi ang kita, salat madalas
Ngunit kahit papa'no'y kinakaya naman.
Sinuwerte lang nang makatapak
Sa yaring sulok ng bansang kinaroroonan
Sa mga konspto at mga dayuhang
Mukhang marangya sa malayo,
Ngunit sa katahimikan ang bungad ng Sabado,
ng mga Ingay at tunog na nakagisnan
mula sa buhay sa Bayang aking tahanan
matagal na palang di sumusulat. 😅 Alam kong Linggo ngayon ngunit Sabado marahil noong una kong sinulat. napulot ko lamang to sa drafts. 😳