3x ko na to inattempt ipost medyo nawawalan na ko ng pasensya ha hahahahahuhu
So ayun na nga last wednesday, dito kami simple nagcelebrate ng birthday ni papa. 2 days after na talaga ng birthday niya pero since wfh ako wed, edi dun araw na lang. so ayun na nga pagpasok pa lang namin, aba ang nanay ko chinika na agad sa server na kaya kami dun kakain dahil sakin napanood namin si Erwan dun kumain HAHAHAHUHU nairita ako kasi bat naman kailangan ichikaaaa di ko masyado naenjoy tuloy yung food nawalan ako ng gana. Baka sabihin kaya lang pumunta dun dahil nafeature hays pero curious naman din ako. Ayun di ko na talaga natagalan kumain or busog lang din ako nun. Medyo nalalansahan ako konti sa libreng sabaw pero masarap yung pares mas trip ko lang kung may konting lapot. Yung bulalo nila forda price pwede na. Anyway, basta nvr again dadaldal at pagbigyan si mama sa mga trip niya hahahuhu













