Sakuntala
Ang dami kong pinagdaanan para lang mapanuod ang play na ito.
1) Sumakay ng MRT mula Ayala hanggang Q Ave. Anong mas siksikan, lata ng sardinas o bagon ng tren? Hindi natin malalaman. Buti na lang may mabait na kuya na nag-scoot over para makaupo ako. Kay Kuya na may wallpaper na weed, this one’s for u! Hahaha. Stay lit!
2) Nagbook ng Uber Pool mula Q Ave patungong Studio 72. Hindi ko tinawanan mga corny jokes ng driver ko kasi sexist siya. FYI, women can wear anything they want. Keep your sexist mouth shut.
3) Nakabili ng ticket sa halagang Php 300 kumpara sa benta ng prof ko na Php 450.
4) Kasabay ko manuod faculty ng DHum at nakakita rin ng kaunting familiar faces mula sa campus.
5) Nagbook ng Grab Pool (kasi mas mura kaysa Uber Pool) pauwi. Sobrang chill ng Grab driver ko. Pareho kaming nagrant tungkol sa lakas ng pagsara ng car door ni ateng ka-pool ko at nagstop over pa kami sa isang gas station. Siya para jumingle, ako naman ay para bumili ng tubig.
Dahil sobrang noob ako sa directions at pagbyahe nang mag-isa, nagtanong ako paano makapunta mula elbi hanggang Diliman. Lahat sila, ang sinabi ay mag-Uber/Grab na lang. Kaso hindi lahat may kakayahan magbook ng Uber/Grab. Dapat may smartphone ka at internet. Swerte ako kasi pwedeng magbook ang Ate ko para sa akin kahit di kami magkasama. Kaso paano yung iba? Lahat naman tayo entitled sa safe and efficient na mode of transportation eh. Ano kayang hakbangin ang nagawa/gagawin para maging safe,efficient, at mabilis ang pagkocommute ng masang Pilipino? Clue: Hindi ito jeepney modernization.










